Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(CHAPTER 7) 1.2.3

(Zack)

"By the way i'm steve and you are?" Tanong niya saakin habang inabot niya ang kanyang kamay saakin kaya inabot ko naman ito.

"Zack, Class mate ng kapatid mo tas eto si luke at si zane mga kapatid ko" Pagpapakilala ko sa mga kapatid ko.

"Hi! Maraming salamat sa tulong ninyo ha!" Nakangiting sabi ulit niya saamin.

Kaya nginitian ko naman siya ganon din ang dalawa kong kapatid ng biglang sumigaw si stepany na nasa loob na ng sasakyan.

"KUYA ANO NA UMALIS NA TAYO!"

"Wala pa si kolin" Sagot niya sa kanyang kapatid.

"Ha nasaan naman yung babaeng yun?"

"Hala nag cr! eh ayan na naman pala eh" Napatingin kami duon sa babaeng natakbo. Hindi ba siya yung isa pang kaybigan ni joo. Ng makita niya ako ay nagulat naman siya.

"Oh! Zack ano ginaga-" Naputol ang sasabihin niya, hindi ko naman kasi alam yung pangalan niya eh. Dahil sa sigaw ni stepany.

"UMALIS NA TAYO BILISAN NINYO BAKA MAMATAY PA ITONG SI JOO!"

"Hahahha ganan talaga yung kapatid ko sige una na kami" Pagpapaalam ng kapatid ni stepany pati noong babae at saka sila sumakay.

Ng makaalis sila ay bigla namang nag salita si zane.

"Hmm... Kuya talaga bang kilalang kilala mo ang mga yun?" Tanong niya saakin.

"Ha sino nag sabi sayo niyan? Ang sabi ko lang kaklase ko sila" Sagot ko sa tanong niya.

"Alam mo kuya ang ganda niya" Napatingin ako kay luke dahil sa sinabi niya.

"Sino sa tatlo?" Seryosong tanong ko sa kanya kaya namula naman siya. Tsk... Ganan siya pag sasabihin niya na maganda yung isang babae tas pag sinabi niya din yung pangalan noong babae.

"Ahmmm... Si joo kuya" Namumulang sabi niya saakin. Seryoso ba siya? Alam ba niya kung paano magalit yun. Hmmmm hahahhaha bahala siya, Hahayaan ko nalang siya.

"Oh! Tayo nang umuwi" Sabi ko sa kanila at nag lakad na kami papuntang sasakyan ng biglang sumigaw si zane.

"Mga kuya yung bag ko na may lamang book nasaan?!" Natatarantang sabi niya saamin kaya napatingin kami ni luke sa kanya.

"Buti pinaalala mo, hindi pa natin nakukuha ah!" sabi ko sa kanya.

"Eto naman si kuya pinakaba ako eh akala ko nga nawawala" Sabi naman ni luke saakin.

"Tayo na nga lang at kunin na natin yun" Sabi ko sa kanila kaya nag lakad na kami.

-------

Kakababa ko pa lang ng sasakyan dahil nakauwi na kami ng tinanong ni zane kung bakit may litrato ako ni joo.

Kanina pa niya ako kinukulit sa bagay na yan eh!. Kahit nag dridrive ako kinukulit niya ako.

"Bakit ba gusto mong malaman ha?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

"Sabi mo sasabihin mo saamin yung dahilan ah!" pabebeng sabi niya saakin.

"Oo na eto na oh. May nag send kasi sa gc ng class room namin ng picture niya e automatic na nag sasave yung mga picture na sinesend nila sa gc. So get's mo na?" Sabi ko sa kanya.

"Ah...Okay, so yun lang ang maitatanong ko nasagot nanaman kanina yung iba kong tanong eh. Sige kuya papasok na ako sa loob. Kayo na bahala ni kuya luke ha, pati pagising nalang siya" Sabi niya at saka siya umalis. Wow ha mukha ba kaming katulong? Hindi nalang nag pautos sa yaya niya. Yup may yaya siya.

Ginising ko muna si luke para tulungan ako mag bitbit noong mga binili ni zane.

"Hay.. Kuya inaantok na ako eh kaya ikaw na ang mag dala niyan sa loob" Sabi niya saakin at saka siya umalis bago pa siya makalayo ay pinatawag ko sa kanya ang yaya ni zane, tumango nalang siya.

Pasalamat siya at ginising ko siya kung hindi ko siya ginising edi sa sasakyan na siya makakatulog, don't worry kung sa sasakyan naman siya makakatulog ay nakababa namn yung bintana kaya mabubuhay parin siya.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na din yung yaya kaya sinabi ko sa kanya ang mga dadalhin niya tas yung mga natira naman ay ako na ang nag dala. Nakakahiya naman kasi sa may ari ng mga librong to!

Yung kay stepany na libro ay iniwan ko nalang sa loob ng sasakyan pag kasi dinala ko pa sa loob ay baka mag ka halohalo pa sila ng kapatid kko ng libro.

--------

(Joo)

"Sh*t ang sakit ng ulo ko" Pagrereklamo ko habang hawakhawak ko ang aking ulo. Nasaan ba ako ngayon ang tanda ko kasi nasa MIBF kaming apat tas... hmmm hindi ko na maalala pa yung nangyari saakin.

"Joo okay kana ba?" Napatingin ako duon sa nag salita.

"Kolin....hmmm nasaan ba ako? bat may panyo ako saaking ulo?" Nagtatakang tanong sa kanya.

"Ano kasi nag kasakit ka kasi eh nasa event tayo ng magkasakit ka" Sagot niya sa tanong ko.

"Ah ganon ba"

"Okay kana ba? May nararamdaman ka ba?"

"Ah oo, kaunting pananakit lang ng ulo ko" Sabi ko sa kanya.

"Nasaan pala si Stepany?" tanong ko sa kanya.

"Ano kasi...." Nag taka ako kasi hindi siya makatingin ngayon sa mata ko. Anong meron? may nangyari bang masama kay stepany?

"Kolin, may nangyari ba sa kanya?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.

"An-" Naputol ang sasabihin ni kolin dahil biglang umepal ang kuya ni stepany.

"Naka confine siya ngayon dahil sayo" Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Dahil saakin bakit?

"Steve naman bakit kaylangan mo pang sabihin sa kanya?" Bigla namang sabi ni kolin.

"Totoo ba ang sinabi niya?" Tanong ko kay kolin ayan nanaman siya hindi nanaman siya makatingin saakin.

"Kolin sabihin mo yung totoo!" Seryosong sabi ko sa kanya.

"Oo joo naka confine si stepany pero hindi mo naman kasalanan yun eh" Pagpapaliwanag niya saakin.

"Kasalanan niya yun kolin, kung hindi ka nanaman sana nawala edi sana hindi siya parang baliw na nag hahanap sayo" Sabi ng kapatid ni stepany saakin. 

"Nasaan ba siya?" Tanong ko kay kolin.

"Katabing room mo lang, kaso bawal daw tayo lumapit sa kanya kasi kaylangan daw muna niyang mag pahinga sabi ng mga doctor pati hindi pa siya nagigising" Sabi niya saakin, so ang ibig sabihin ay nasa hospital ako ngayon. Agad ako lumabas pero pinigilan naman ako ng kapatid ni stepany.

"Kahit isang araw manlang hayaan mo muna siyang mag pahinga" Sabi niya saakin, at saka niya ako binitawan. hindi ko alam ang gagawin ko na statwa nalang ako sa aking kinatatayuan.

Ano joo! bat wala kang magawa ngayon.

Napatingin ako kay kolin, nag hahanap ako ng sagot sa kanyang mukha. Lumapit siya saakin at sinabing

"Tama si steve, hayaan mo muna si stepany" Yan ang sabi niya saakin.

Gusto kong malaman kung ano ba talaga nangyari sa kanya. Kasalanan ko ba talaga?

-------

Dalawang linggo na ang nakalipas ng umalis siya. Sino tinutukoy ko si stepany oo umalis siya, bakit siya umalis? Dahil saakin. Ng malaman ng kanyang magulang ang nangyari sa kanya ay kinuha na nila ito at sa ibang bansa pinagpatuloy ang kanyang pagaaral pero ng umalis siya ay hindi pa siya nagigising.

Sabi daw ng doctor na sinabi lang saakin ni kolin kung bakit hindi pa daw nagigising si stepany ay dahil sa pagod na naramdaman ng kanyang katawan.

Kung hindi pa sana sinabi saakin ni kolin ay hindi ko pa malalaman. Gulong gulo ang utak ko noon, kung kasalanan ko ba kung bakit nag kaganon si stepany gusto ko talagang malaman kung ano nangyari sa kanya, kahit anong pilit ko kay kolin ay ayaw niya itong sabihin saakin.

Hay....

Wala rin naman ako nagawa noon dahil sa dahilanan na hindi ko naman alam na kukunin na pala siya ng mga magulang niya, ang may kasalanan nito ay ang kapatid ni stepany kung hindi niya sinabi sa kanilang magulang edi sana hindi kinuha ng magulang nila si stepany.

 "Uy! hindi ka paba kakain?" Tanong saakin ni kolin na kakarating lang at kasama niya yung dalawa niyang bagong kaybigan.

"Hi JooE" Bati nila saakin kaya nginitian ko naman sila.

"Hindi eh" Sabi ko sa kanila kaya umalis na sila. 

So nag tataka kayo kung bakit JooE ang tawag nila eh yun nalang talaga ang pangalan ko eh hindi joo. Full name ko kasi ay JooE Welly Magtupad, ang weird ba ng name ko hahahaha eh yun daw ang gusto ni pa- wosh hahahaha ayaw ko talagang banggitin ang salitang yun

"Oh!" Napatingin ako kanyang inaabot

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Pagkain, ano bang tingin mo diyan" pilosopong sabi niya saakin.

"Eh ano kung pagkain yan" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Alam mo ikaw na nga yung binibigyan ikaw pa talaga yung may ganang magalit" Sabi naman niya saakin.

"Alam mo naman kasi na hindi ko naman kaylangan ng tulong mo kaya pwede alis na naiinis ako pag nakikita ko yang mukha mo!" Sigaw ko sa kanya, hindi ko napansin na marami na pala ang nanunuod saamin na kaklase namin.

"You know what akala ko ang bait mo guess what i was wrong. Ako na nga yung tumutulong ako pa yung nagiging masama saating dalawa" Seryosong sabi niya saakin at saka siya umalis dala dala yung pagkain na dapat ibibigay niya saakin.

Hanggang nagyon ay nakatingin parin ang iba kong kaklase saakin. Hindi ba nila na kita nag walk out na yung tao kaya wala nang show.

Nakakainis na ang mga tao ngayon. Kung nandito lang sana si stepany ay maiintindihan niya ako.

Oo nga nan diyan si kolin pero ng mangyari yung kay stepany na kinuha siya ng magulang niya ay parang lumayo ako sa kanya ng kaunti o siya ang lumayo saakin, hindi ko rin alam.

Yung tungkol naman sa Project 1.2.3 hindi na ako nag bubukas noon pamula noong araw na kinuha nila si stepany. Mga 107 days nalang ang meron ako, at matatanggap ko na ang parusa na ibibigay nila saakin.

------

Habang nag lalakad ako sa may hallway ay napansin ko ang mga tingin ng ibang estudyante. Hmmm so nabalitaan na agad nila. Ano ang tinutukoy ko ang nangyari saamin ni zack kahapon.

Yup sila yung mga babaeng may crush sa lalaking yun. Pamula kasi noong unang araw niya dito ay rumarami ang mga nag kaka crush sa kanya dahil pogi daw, Wow nalang ha pogi ba ang ganong mukha? Hindi naman diba tse.

Sige bulong pa kayo tungkol saakin, dapat maririnig ko ha! Ang galing kasi mag bulungan hindi naman magawa, Ang akala kasi nila inaagaw ko sa kanila yung crush nila hindi ba sila nadidiri sa mga sinasabi nila. Mas nakakadiri pa nga yung iba ang kinakalat na tungkol saaming dalawa ay mag mu wow nalang ano yung mu mukhang utot sino siya syempre alaman ako sa gandang kong ito.

Hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa canteen. Yup mag isa lang ako ngayon kakain ng lunch hindi kasi nag pakita ngayon si kolin kahit kaklase ko siya, baka hindi ko napansin kanina na umuna nang lumabas ng class room.

Sanay nanaman ako sa ganito na mag isa lang. Duh! Naranasan ko na kaya ang feeling na ganito pati hindi ko naman ikakamatay to eh kaya go lang.

Papasok na sana ako sa loob ng canteen ng may marinig ako sa may likod ng pintuan ng canteen na familiar ang boses para saakin.

"Ahm akala ko ba kaybigan mo si JooE pero kung makapag kwento ka tungkol sa kanya ay parang kaaway diba girl"

"Ah oo tama ka diyan" Bakit narinig ko ang pangalan ko. Sino kaya ang mga ito wag mong sabihin na isang sa mga may crush kay zack kaya kung ano anong masasamang bagay ang sinasabi nila saakin. Buti nalang at kahiy yung pintuan kaya hindi nila ako makikita, pati nasa likod lang sila kaya rinig na rinig sila.

"Tsk friends? Tingin ba ninyo duon kaybigan ko? no way hahahhaha, sawang sawa na ako sa dalawang yun na makisama buti na nga at kinuha na si stepany ng magulang niya edi nakawala din ako diyan sa babaeng yan, at ngayon mag isa nalang si Joo. Tutuusin naman pag kasama ko sila parang wala ako" Alam ko kung kaninong boses yan at kay kolin. Ano bang pinag sasabi niya? Tanga ba siya o na umpog ng mga kasamahan niya.

"Nako pag yan nalaman ni joo magagalit yun sayo" Biglang sabi noong kasama ni kolin na babae.

"Ha? Magagalit siya eh sanay nanaman ako sa bunganga noon lagi nalang nasigaw nakakarindi na nga eh" wow ha ako lang ba yung nakakarindi saamin tatlo eh parehas kaya silang dalawa nakakarindi rin kaya mga bunganga nila.

"Hay nako ewan ko sayo basta ako naawa ako duon sa tao" Sabi pa noong isa pang kasamang babae ni kolin, iba kasi yung boses kaya hindi naman pwede yung kaninang babae ulit diba.

Yan ang ayaw ko yung kaawaan ako ng mga tao. Nawalan na ako ng ganang kumain pa kaya bumalik nalang ako sa class room.

-------------------TO BE CONTINUE...

Hi everyone!
Pangako ko po sa sarili ko na  tatapuain ko po ito hindi po pwedeng hindi.

Sorry for the wrong spelling cause i did not yet edit it.

So please vote and comment thank you guys!


December 30 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro