(CHAPTER 4) 1.2.3
(Joo)
Inihagis nila ako sa labas oo as in hinagis nila ako na parang isang sako napaupo nalang ako sa lapag at napapaluha, dahal sa mga nakita ko.
"Wag ka nang babalik dito ha!" Sigaw saakin noong waiter. Tang*na mo sana malugi yang inyong coffee shop. Mga mapanghusga ng mga tao!
Pinilit ko na tumayo na dahil marami nang tao ang umaapak saakin. Maliit ba ako para hindi nila ako makita tas hindi pa talaga silang maalam mag sorry. Ganon ba kahirap ang mag sabi ng sorry.
Bumalik nalang ako duon sa pinag parking ng tricycle na sinakyan ko kanina at ako naman si malas natakbuhan na ako dahil wala dito yung tricycle.
Tang*na naman oh! Bat ba ang malas ko ngayon?
Pasa akong tanga na nag wawala at nag dadabog nakakainis mag kano yung mga pinamili ko 2k yun saan ako kukuha ulit ng 2k pag nalaman ni mama na na123 ako natutudas ako noon paano na ito!
Napaupo nalang ako sa sahig at napaisip ng may kumulbit saakin kaya napatingin naman ako. Oh! Siya yung driver ng tricycle diba.
"Miss duon ko po pinarada yung tricycle hindi pa po ba tayo aalis?" magalang na tanong niya saakin kaya napatayo naman ako.
"a-ah oo aalis na tayo. Kaya tayo na!" akala ko na 123 na ako yun pala nag hanap pa siya na maayos ayos na parking napaka panghusga ko namang tao eh!
-------
Pagkauwi ko ay nakita ko kaagad si ate na nangangalkal ng pagkain sa may kusina.
"Oy eto yung pagkain!" sabi ko sa kanya kaya napatingin naman siya sa bitbit ko kaya tinulungan naman niya ako buhatin ito at ilagay sa tamang lagayan ng mga pagkain na nabili ko.
"Oh! yan lang natitira mag papalit lang ako" Naghihinang sabi ko sa kanya at saka ako umakyat sa taas ni si tagpe nga ay hindi ko pinansin wala kasi ako sa mood na makipag laro sa kanya.
Agad ako dumeretsyo ng kwarto ko at isinarado ko ito.
Napahiga nalang ako saaking kama at nagiisip kung ano ba ang naging mali sa aking ginawa para taksilan niya ako.
Hindi ko din namalayan na naiyak na pala ako.
Ang tanga mo kasi Joo! eh sobrang tanga mo! Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa dahil nandito ngayon si ate at baka masumbong niya ako kay mama kung maririnig niya ako na umiiyak at nag sisigaw na parang isang baliw, na katulad nangyari kanina sa coffee shop na pinagkamalan akong baliw ba! Hindi pa ako naiyak noon ha!
Oo baliw na ako! baliw na ako sa pagibig na yan! napakatanga mo naman joo! Ang tanga tanga mo!
Pinikit ko ang aking mga mata para pigilan ang mga luha na nagbabadya nang tumulo ulit.
Ng may maramdaman akong may humaplos saaking kamay na nakalagay saaking ulo kaya minulat ko ang aking mata at napaupo, para tignan kung ano ba yun. Isang papel? saan naman galing to? Tinignan ko ang paligid ng aking silid ngunit wala namang tao at ni hindi ko binubuksan ang electric fan. Kaya saan ito galing.
Tinignan ko kung ano nakasulat dito.
"Project 1.2.3?" Ano anman to?
Isang envelop na kulay puti at may laman sa loob hindi na ako nag dalawang isip pa at binuksan ko na ito.
Binasa ko ang papel na nasa loob nito. Ito ay isang site na ngangalang project 1.2.3 na makakatulong sa mga taong broken hearted? Seryoso ba to.
Tsk... baka isang joke lang to makapagpalit na nga lang ng damit.
End Flashback
So duon nag umpisa ang lahat.
tinanong ko nga kay ate kung sakanya ba ang papel na iyon pero hindi daw niya yun alam.
Eh sa wala naman mawawala ay sinubukan ko kaya yun nandito ako ngayon at meroon nalang akong 122days para hanapin at mapafall ang taong nasa litratong ito sa akin. litrato na blurred.
---------
-HELLO ANO NA NASAAN NA BA KAYO?! (Naiinis na tanong ko sa kabilang linya. Ang taong kausap ko sa kabilang linya ay si Kolin at stepany. Sabi kasi nilang mag kita kita nalang daw sa school at sabay na daw kami tatlo na pumunta sa event. Eh kanina pa silang wala naiinis na ako! Baka kasi mamaya hindi pala tuloy kaya nag hihintay ako sa wala)
-Sorry Joo! Nasiraan kasi yung sasakyan ng kuya ni stepany kaya matatagalan pa kami dito. Eh gumala ka muna diyan
-HA ANO O- (Ay putek binabaan ba ako nakakainis eh! Dapat umuwi nalang ako! Baka magalit naman sila saakin kung uuwi na ako. Saan ako ngayon pupunta)
Paikot ikot ako dito sa labas ng school namin. Bakit sa labas dahil sarado ang gate ng school namin kaya nandito ako ngayon sa labas.
Hay! nakakasawa na umikot ng umikot dito. Saan kaya makapunta.
Bigla ko naalala yung araw na yun. Yung pinuntahan ko na playground, diba hindi naman gaano kalayo dito yun. Duon kaya muna ako tumambay kaysa umikot ako ng umikot dito.
Hmmmm.... Makapunta na nga lang kaysa paikot ikot ako dito na parang hinding mapataeng aso. Buti nalang at walang batang nag lalaro. Umupo ulit ako sa swing na inupuan ko noon.
Napatingin ako sa isa ko pang katabing swing. Naalala yung lalaki kumausap saakin noong gabing yun.
Napapatawa nalang ako, pero hindi ko alam ang dahilan. Sana makita ko ulit siya para pasalamatan ko siya sa naitulong niya saakin noong araw na iyon.
Dahal dahal ko ginalaw ang aking sinasakyan na swing gamin ang dalawa kong paa na nakatapak sa lapag.
"Mukhang masaya ka na ngayon ah" Nagulat ako dahil sa taong biglang nag salita saaking tabi at umupo sa isa pang swing.
Siya yun! Siya yung taong kumausap saakin noong gabing yun.
"Oh! bat parang nagulat ka ata? May dumi ba ako sa mukha?" Nagtatakang tanong niya saakin kaya napailing nalang ako sa kanya.
"Eh! bat ganan ang itsura ng mukha mo kung wala palang kakaiba saaking mukha?"
"A-ano kasi hindi ko kasi aakalain na makikita kita ulit dito" Nauutal na sabi ko sa kanya. Sh*t bakit ko iyon sinabi sa kanya.
Nagulatako ng bigla siyang tumawa. Sh*t ang cute niyang tumawa para siyang bata.
"Hahaha So-sorry ha! nakakatawa ka kasi" Mangiyak ngiyak na siya dahil sa pagtawa niya.
Ano daw? Nakakatawa daw ako? Bakit naman?
Napataas ako ng kilay dahil sa kanyang sinabi. Napansin naman agad niya ito dahil bigla siyang nag salita.
"Oh! Wag kang magagalit. Alam mo kasi taga dito ako, kaya may posibilidad nga na mag kita tayo. Ikaw nga hindi ko inakala na makikita kita ulit dito dahil alam ko naman na hindi ka taga dito diba?" Pagpapaliwanag niya saakin.
"Ah oo, hindi nga ako taga dito pero malapit lang naman yung school ko dito sa lugar ninyo" Sabi ko sa kanya pero hindi na ako nakatingin sa kanya at sa mga damo na ako nakatingin, Baka kasi siya matunaw eh hahahahaha.
"Ah... Ano bang grade mo na?" Tanong niya saakin.
"Grade 10 nako, ikaw ba anong grade mo na?" Tanong ko naman sa kanya.
"Hmmm.... Ano kas-" Naputol ang kanyang sasabihin dahil biglang nag ring ang phone ko. Ng makita ko kung sino ang tumatawag, ay agad akong nag excuse sa kausap kong lalaki at lumayo muna ako sa kanya.
-JOO! NASAAN KANA BA HA! (Muntikan ko nang mahulog ang cell phone ko dahil sa sigaw niya, na galing sa kabilang linya)
-ANONG ORAS NA JOO! SABI KO DIBA WAG KANG AALIS HA! (sigaw niya ulit)
-Saglit lang naman pagsalitain mo naman ako, Hindi yang reklamo ka ng reklamo. Unang una sa lahat hindi ako umalis no! malapit parin ako sa school nag hanap lang ako ng mauupuan ko (Pagpapaliwanag ko sa kanya)
-Ah.... Ganon ba hehehehe
-Yan kasi mutatak ng mutatak hindi muna nag tatanong.
-Eh nasaan kana ba? Nandito na kasi kami sa tapat ng school. Naayos na yung sasakyan ng kuya ni stepany. Punta ka na dito. (Sabi niya saakin)
-Ah sige sige pupunta na ako diyan. (Sabi ko sa kanya at saka pinatay ang tawag)
Bumalik ako sa may swing pero wala na yung lalaki. Umalis na siya? Hindi manlang siya nag sabi. Hala ano ba to! Makabalik na nga sa school at baka kung ano pang marinig ko kay kolin.
-----------
"Oh e ayan na pala si joo!" Narinig kong sabi ni stepany kay kolin at sa kanyang kapatid.
Hingal na hingal ako lumapit kay stepany. Bakit ako hingal na hingal dahil tumakbo ako oo tinakbo ko na dahil nakakahiya sa kapatid ni stepany pati nakakatakot ang bunganga ni kolin.
"Oh! Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong saakin ni stepany, Kaya nag okay sign ako sa kanya.
"Tayo na umalis?" Tanong ko sa kanya na hindi na ako hinihingal. Tumango naman siya saakin at una siyang pumasok sa sasakyan, at sunod naman ako pumasok.
So sino ang nasa unahan? Si kolin. Oo si kolin. Bakit si kolin hindi si stepany? Ewan ko hahahha baka mu yung dalawa, Kapatid ni stepany at si kolin. Malay natin hehehehe.
Ngayon ko lang napansin ang masamang tingin ni kolin. Oh! Ano problema nito.
"Okay na ba?" Tanong ng kapit ni stepany sa kanyang kapatid.
"Ah oo kuya okay na" Sabi ni stepany. Sh*t nakakahiya na laging ako yung hinihintay. Kaylangan ko manlang mag sorry dahil sa pagiging vip ko.
-------
"Kuya hanap ka nalang ng parking, sa loob nalang tayo magkita" Sabi ni stepany sa kanyang kapatid.
Nakababa na kaming tatlo, pero hindi parin ako nakakapag sorry.
"Oh! ano pang hinihintay ninyo, tayo na sa loob" Nakangiting sabi ni stepany saamin at saka kami hinigit papunta loob. Napalingon ako para tignan kung nanduon pa yung sasakyan ng kapatid ni stepany, pero wala na at mukhang maghahanap na siya ng mapaparkingan ng kanyang sasakyan, Tanga lang Joo! Kakasabi lang naman ni stepany kanina ah mag hanap ng parking lot bobo ko talaga ay!
"Eto yung ticket ninyo!" Sabi saamin ni kolin na may daladalang dalawang ticket kaya kinuha ko yung isa. Hindi daw kasi makakapasok sa mismong room kung nasaan ang mga both ng mga books.
"So kanya kanya nalang tayo dito kasi alam naman ninyo na ano ako diba. Sorry talaga ha!. Mamaya nalang tayo mag kita mga lunch? text text nalang" Sabi saamin ni stepany. Alam naman namin yun, kaya hindi na niya kaylangan pang mag paliwanag.
"Sige una na ako ha" Sabi niya saamin at saka siya pumasok sa loob.
Hindi kasi siya mapakali kapag may ibang tao siyang kasama kahit kami na kaybigan niya sa mga ganang event hindi kasi siya makapili ng maayos ng mga books na gusto niyang mabili.
"Oh! Paano tayo?, mag hiwalay nalang din tayo may titignan din kasi ako eh" Biglang sabi ni kolin. Ayaw pa kasing sabihin na magkikita silang dalawa. Sino ang tinutukoy ko edi ang kuya ni stepany at si kolin. Tse may palusot lusot pang nalalaman eh.
"Ah okay lang sige" Sabi ko sakanya kaya umalis na siya.
So naiwan akong mag isa? Ano naman gagawin ko dito?
Hmmm.... Hindi na ako pwede lumabas pa dahil sayang yung ticket no chose ako kaya pumasok na din ako sa loob. Ipinakita ko lang sa guard yung ticket ko at saka niya ako tinatakan na ang tatak ay MIBF. Ang ganda ah.
So nasa loob na ako ngayon eh ano nang gagawin ko ngayon. Namangaha ako dahil sa ang raming tao. Ganon na ba kaganda ang mga aklat ngayon? Ang totoo kasi niyan hindi ako mahilig mag basa, ahmm nasabi ko na ba yun? Neh... Hayain nalang ninyo kung nasabi ko na yang part na yan mas magandang ulitin ulit hahahha.
Makikitingin nalang ako ng mga libro. Baka may makita din akong libro na maganda ang cover hehehehehe yup suon ko tinitignan kapag maganda ang cover edi ibig sabihin ay maganda yung story hehehehe.
Hhmmm... Napatingin ako sa isang both may nakalagay dito sa taas mukhang pangalan ng kanilang both ito PSICOM hmmm panay book ang kanilang tinitinda at mukhang publishing company ito.
Pumasok ako sa loob para tignan ang mga libro na kanilang binebenta. Hala ang rami... Napatingin ako sa aking right side at nakita ko duon si stepany na ang raming dala dalang books, bibilhin ba niya lahat yun? Wow ha! Magkano kaya ang isang book? Tinignan ko ang isang book na malapit lang saakin para tignan ang presyo nito.
Napalaki ang aking mga mata dahil ang mahal 200 isang libro, hala ko po ginto ito. Agad ko ito ibinalik sa lagayan at saka ako lumabas. Sh*t ang mahal naman noon.
Napalingon lingon ako dahil baka nakita ako ni stepany nako pag ako nakita noon hindi ko ma imagine ang magiging reaction niya pag nakita niya ako na nakatingin sa mga book na kanyang hawak hawak.
Makapunta na ngalang sa ibang both pagkaharap ko saaking unahan ay may nakaharang na isang hindi gaano katangkad na lalaki. Nagulat ako ng makita ko ang kanyang mukha ganon din siya ng makita niya ako.
"Sh*t" Napamura nalang ako, dahil sa gulat. Bakit siya pa, at dito pa talaga no! Ano bang tawag dito, is this called tangang destiny?
-------------TO BE CONTINUE...
Hi everyone!
Pangako ko po sa sarili ko na tatapuain ko po ito hindi po pwedeng hindi.
Sorry for the wrong spelling cause i did not yet edit it.
So please vote and comment thank you guys!
December 29 2018
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro