Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(CHAPTER 3) 1.2.3

(Joo)

Hala eto nanaman yung puso ko natibok nanaman ng napakabilis.

Bakit ba ganito yung puso ko.

"Hi!" Bati niya saakin. Ay hindi pala sa teacher, na nasa likod ko na pala.

Ay sh*t naalala ko na siya yung lalaki na nabangga ko kaninang umaga, na napaka taray akala mo meroon.

Bakit ngayon ko lang napansin yung mukha niya!

"Uy jo! Tayo na baka matunaw pa yan at baka ma late tayo sa klase" biglang bulong ni stepany saaking tenga. Nakakagulat ha!

At ngayon ko lang pumasok sa utak ko ang sinabi niya, kaya hinampas ko siya ng mahina sa kanyang ulo. Pambihirang babae to oh!

--------

(Zack)

Liliko na sana ako para pumasok sa loob ng guidance ng may biglang tao napasubsub saaking unahan buti nalang at alerto ako kaya hindi ako napaupo sa lapag dahil sa kanya.

Ng makita ko ang mukha niya, ay nagulat ako. Bat kasi sa dinaramiraming tao eh bat siya pa. Buti nalang kahit papaano ay hindi na ako namumula.

At may kasama pa siyang apat na tao tatlong babae at isang lalaki. Napansin ko ang matalas na tingin noong lalaki saakin. Ano naman problema niya.

Nakita ko kaagad ang hinahanap ko kaya binati ko siya.

Pumunta lang naman ako dito para mag tanong kung anong nangyari sa mga taong nag kakagulo kanina. Ah oo nga pala ako yung nag sabi pero hindi ko naman alam kung sino ba yung mga tao nag kakagulong kanina.

Basta ang sabi ko lang sa teacher kanina eh may nag kakagulo sa canteen. Pati may sasabihin daw saakin si miss guidance.

Umalis na siya kasama yung apat na tao.

Hmmm... bakit pala sila nandito? Ay hindi ko na yun problema.

"Oh! Bat napabisita ka ata mister mendes, ano kaylangan mo?" Tanong niya saakin.

"Ah miss sabi ninyo kasi saakin kanina na may sasabihin po kayo mahalaga saakin"

"Ah oo nga pala! About pala duon sa pagsumbong mo sa mga taong nag kakagulo sa canteen kanina. Buti nalang at sinabi mo, kung hindi ay baka mas lumala ang kanilang away" pagpapaliwanag niya saakin. Yun lang ba ang sasabihin niya? Akala ko pa naman mahalagang bagay, hindi naman pala.

"Ah sige po babali-" naputol ang sasabihin ko dahil may biglang nag salita sa tabi ko.

--------

(Joo)

Hindi pa ganon kami ka layo sa guidance kaya may isang bagay akong narinig kaya napalingon ako at nainis dahil sa narinig ko.

Habang ang dalawa kong kaybigan ay abala sa kanilang pag kwekwentuhan ako naman ay bumalik sa guidance para mag wala!

So siya pala ang may kasalanan? Ang akala ko ang bait niya! Tanga kaba joo yung unang pagkikita pa nga lang ninyo ang taray na niya! Gising gising naman jo!

Mukhang hindi ako napansin noong dalawa na nasa tabi na nila ako dahil mukhang masaya ang kanilang pinaguusapan. Sige lang usap lang kayo at hahanap ako ng pagkakataon na makasingit.

Kaytanda tanda na nitong miss guidance na ito lumalandi pa eh! Akala mo naman hindi halata sa kanya! Tse!

Magpapaalam na sana si good boy kaya sumingit na ako.

"WALANGYA KA! EDI IKAW YUNG MAY KASALANAN! PAMBIHIRA KA! ALAM MO BA NA ANG PARUSA NAMIN AY MAG LILINIS NG DALAWANG POOL YUNG POOL NG SCHOOL ALAM MO BA KUNG GAANO KALAKE YUN HA!" Nangagalaiting sigaw ko sa kanya. Paki ko kung marami na ang tao at nandiyan parin si miss guidance eh sa inis na inis ako eh at punong puno na ako kaya kaylangan ko nang ilabas to.

"Ha? May problema kaba?" Abat? Ano inosente lang ang peg mukhang walang kasalanan na ginawa sampalin ko rin kaya eto para matauhan.

Napapataas kilay nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi ba halata sa mga sinabi ko ha!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Hindi kasi kita kilala" tumataas ang dugo ko sa taong to ah! Nag ka problema ata sa utak.

"Tumigil nga kayo parehas! At ikaw miss magtupad bumalik kana sa klase mo at baka nanduon na ang inyong guro" bigla namang epal ni miss guidance.

Kaysa makipag away din ako sa kanya ay napaisip ako na baka madagdagan niya ang parusa ko kay tinignan ko nalang ng masam si mister taray at saka ako umalis.

Hindi pa dito nag tatapos ang lahat!

----------

"Pambihira na jo! Akala namin nawawala kananaman" salubong saakin ni kolin na hingal na hingal kasunod naman niya ay si stepany.

"Bat naman ako mawawala?" Tanong ko sa kanila.

"Eh paano naman kasi kanina bigla ka nalang na wala kaya nataranta kami akala namin nag wala ka nanaman dahil kay drex" sabi naman ni stepany.

"Ang oa ninyo kanina pa ako nandito sa class room" totoo naman eh na nasa class room na ako at kanina pang walang teacher. Buti na nga lang at hindi pa nadating yung may kasalanan kung bakit kami naparusahan.

"Okay na guys! Nandito na ako ligtas na ako kaya kalma lang kayo upo muna kayo" natatawang sabi ko sa kanilang dalawa.

"Nako jo! Baka mamatay ako nito ng maaga dahil sayo"

"Ang oa mo kolin" bigla naman sabi ni stepany kay kolin.

"Tse" yan lang ang nasabi ni kolin kay stepany.

"Ibahin na nga natin yung topic" biglang sabi ni kolin saamin.

"Makakasama ba kayong dalawa bukas?" Tanong ni kolin saamin.

"Sa MIBF ba?" Tanong ko naman sa kanya kaya tumungo siya.

"Wala naman ako ng gagawin edi game ako diyan ikaw ba stepany" tinignan namin si stepany dahil hinihintay namin ang sagot niya yun pala kanina pang tulala. Bakit siya tulala? Paano naman kasi isa siya adik na tao sa mga books na yan and wattpad kaya iniimagine na niya yung sarili niya na nasa evwnt na siya hahahhaha.

"eh mukhang alam na natin ang sagot" sabi ko kay kolin na patungotungo nalang. Yup alam namin na sasama siya pag ganan at tulala siya.

Bakit ako sasama? Eh hindi naman ako mahilig sa mga ganan? Eh sa wala naman talaga akong gagawin bukas sa bahay eh pati wala nanaman si mama si ate naman may lakad bukas kasama mga kaybigan niya kaya maiiwan ako mag isa bukas.

Syempre kawawa yung alaga ko maiiwan pero iiwanan ko naman siya ng pagkain para sa kanya. Kung magugutom siya eh kahit anong oras pwede siyang kumain at uminom.

"Alam ninyo!" Panimula ko sa kanila.

"Alam ko na kung sino ang nag sumbog saatin!" Maalala ko lang yung nangyari kanina ay tumataas na kaagad yung dugo ko. Diba kaninang umaga yung puso ko ang bilis ng tibok ngayon naman yung dugo ko tumataas dahil sa galit!

"Eh sino?" Nagtatakang tanong ni stepany na ngayon ay hindi na tulala.

"Si mister new student ba!" Bulong ko sa kanila baka may makarinig eh.

Nagtaka ako dahil bigla sila ngumiti yung ngiting may masamang balak. Anong problema nila?

"Eh? Di nga kinikilig ka no?" Biglang sabi ni stepany.

"Madiri ka nga sa sinasabi mo!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Ey nako wag kami ano yung itsura mo kanina yung nasa unahan ka tas bigla ka niyang niyapos. Hay nako jo! Sabihin mo lang na fall ka sa kanya" Kinikilig na sabi ni kolin.

Sapakin ko na kaya tong isang to!

"Oo kinilig ako kaninang umaga yun iba na ngayon no!" Mataray na sabi ko naman sa kanya.

"Wew... dapat nga mag pasalamat ka sa kanya dahil sa ginawa niya kaninang umaga" Nagtaka naman ako sa sinabi ni stepany.

"Bakit naman siya mag papasalamat?" Tanong ni kolin kay stepany.

"Kung hindi sa kanya edi sana kanina pang naiyak yan si jo! Dahil sa pagkanta niya. Ang galing kasi noong isa diyan, nag sigaw pa na KAKANTA NA YAN! Edi mga kaklase natin na uto uto nakinig sayo kaya yan napilitan si jo na kumanta ng d oras! Alam mo naman na ayaw niyang kumanta dahil naalala niya an-" pinaputol ko na ang panenermon ni stepany kay kolin kasi mababanggit niya ang salitang iyon, ang salitang ayaw kong marinig pa!

"Alam ninyo! Mukhang walang balak yung mga teacher natin umatend ngayong araw kaya tayo na mag canteen nalang dahil hindi naman tayo nakakain kanina" Sabi ko sa kanila kaya pumayag naman sila.

Magpapasalamat ako? Sa kanya? Para saan pa eh hindi naman niya alam yun eh!

----------

Pagdating ko sa bahay ay agad ko binuksan ang cell phone ko. Ahm may rules pala kami sa school at iyon ay bawal gamitin ang phone kaya samsam ng mga teacher namin ang mga phone namin.

Ewan ko nga kung bakit eh.

Ng mag bukas ang phone ko ay panay notif ng site ng project 1.2.3

What the heck! Ano to? Nagulat ako dahil may 5 message akong natanggap at sa project 1.2.3 ito galing.

Message 1

Wag mong kakalimutan paalala 122 days nalang ang natitirang araw

Paano ko yun makakalimutan ha!

Message 2

Nakita mo na ba siya?

Tanga ba to? Sa tingin ba niya makikita ko kaagad yung taong nasa litrato kung blurred naman ito pati ang daming tao dito sa mundo no!

Message 3

Wag mo sana ipagkalat ang tungkol sa site na ito!

Ha bakit naman?

Message 4

Alam ko na mag tataka kung bakit pero bawal mong sabihin ang tungkol sa site na ito. Okay lang naman sabihin mo sa kanila pero hindi naman kami ang mag mumukhang tanga at ikaw lang ang magmumukhang tanga!

Wow ha makamukhang tanga no

Message 5

Wag mo din ipagsasabi ang tungkol sa letter na binigay namin sayo sana ay itinago mo ito o sknunog kung wala kang alam na magandang taguan para sa letter na binigay namin sayo

Ah! Yung letter na yun duon kasi nag umpisa ang lahat sa maliit na letter pero pagbinuksan mo malakas ang hila nito sayo para gawin mo!

Naalala ko tuloy yung araw na nakita ko si drex na may kasamang iba at duon sa araw din yun nag pakita ang letter na yun ilang araw ko yun pinagisipan kung gagawin ko ba o hindi.

Flashback

Papunta ako ngayon sa sm para bumili ng mga pagkain namin sa bahay, wala na kasi kaming pagkain na lulutuin si mama naman busy hindi ko alam kung saan ba siya busy ang pinsan ko naman tulog parin hanggang ngayon eh masamang gisingin naman yun pagtulog at nag wawala.

Syempre lakad ako dahil malapit lang naman ang sm sa bahay namin hehehehe.

Pagkatapos kong mamili ay sumakay na ako ng tricycle. Masyado kasing marami ang pinamili ko kaya hindi ko kayang buhatin ang lahat ng ito.

Sa likod ng driver ako sumakay dahil mas mahangin dito kaysa sa loob. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay may nahagilap ang aking mga mata kaya pinatigil ko yung driver at pinatabi para makita ko ng malinaw kung tama nga ba ang aking nakikita.

S-si drex ba yun? At sino naman yung kasama niya?

"Ah kuya saglit lang po ha may titignan lang pa ako sa kabilang karsada" tama ba tong gagawin ko?

Tumawid ako syempre tumingin ako sa right and left side ko kung may sasakyan.

Nag tago muna ako sa isang poste at saka ako sumilip para tignan sila. Bakit sila mag kasama? Bat hindi ko alam to? Akala ko ba nasa bakasyon si drex ngayon at kasama ang mga magulang niya pero iba pala ang kasama niya at isang babae na mukhang na mumukhaan ko.

Sinundan ko sila kung saan sila pupunta at pumasok sila sa isang coffee shop. Ano naman ang gagawin nila dito, kaya pumasok din ako.

Nag tago ako sa isang lamesa na wala naman naka upo na customer.

Kitangkita ko dito ang mga ngiti nila ngiting akala mo wala nang bukas! Bakit ganon yung mga ngiti nila putek may naamoy ako talaga! Ay naamoy ko lang pala yung pagkain na hindi gaano kalayo saaking pwesto.

Gusto kong marinig ang kanilang sinasabi kaya nag isip ako ng paraan ng may dumaan sa akin na isang waiter kaya agad ko hinigit yung pang ibaba niya kaya nagulat naman siya ng makita niya ako nasa ilalim ng lamesa.

"Miss ano po gjnagawa ninyo diyan?" Nagtatakang tanong niya saakin kaya kinawayan ko siya na bumaba siya. Kaya bumaba naman siya.

"Shh.. wag kang maingay kita mo ba yung dalawang yun" sabi ko sa kanya at tinuro yung dalawa.

"Opo ano pong meron sa kanila?" Magalang na sabi niya saakin.

"Ganto kasi yan. Yung lalaking yun ay boyfriend ko kaya gusto kong hulihin kung sino ba yung kasama niya kaya kung pwede mag tatago ako sayong likod tas dalhin mo ako duon sa likod noong babae para umupo at marinig ko yung pinag uusapan nila. Please lang" pagmamakaaqa ko sa kanya.

"Ah okay po mam wait lang po" sabi niya saakin kaya nginitian ko naman siya dahil sa tuwa, hindi ko alam kung bakit siya umalis ang mahalaga naman eh ililigtas niya ako diba?

Pagkabalik niya ay pinatayo na niya ako kaya tumayo na ako at nagulat ako ng may humawak sa magkabilang braso ko. Sh*t ano to?

Tinignan ko siya ng masama.

"Guards Yan yang babaeng yan baliw" sabi niya at tinuro ang pagmumukha ko. Kala ko tutulungan ako, yun pala hindi walangya! Lang tas sinabihan pa akong baliw! Mukha ba akong baliw ha! Ayos na ayos yung damit ko ah!

Ano na mangyayari saakin nito hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa dalawa. Ang alam ko lang ay pinagtitinginan na ako ng mga customer nila. Hindi ako makapiglas sa dalawang guard na nakahawak sa braso ko dahil sa panghihina ng makita ko silang dalawa nag slow motion ang lahat saaking paligid.

Bakit niya ito nagawa saakin. Bakit? saka ko lang nakita ng malinaw kung sino ang babaeng yun, siya yung kilala saaming school na magaling mangagaw ng may syota.

Tang*na naman oh! Bakit wala kang magawa?! Dahil ano nakita mo yung boyfriend mo na may kasamang babae at nag hahalikan sila tas ano pa in public tang*na lang.

----------------TO BE CONTINUE...

Hi everyone!
Pangako ko po sa sarili ko na  tatapuain ko po ito hindi po pwedeng hindi.

Sorry for the wrong spelling cause i did not yet edit it.

So please vote and comment thank you guys!

December 27 2018

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro