Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

(CHAPTER 1) 1.2.3

(Joo)

Pagkatapos ko ilagay ang mga detalye na tungkol saakin ay may biglang lumabas na litrato ng isang lalaki at nagulat ako na blurred ang litratong ito.

May message ito sa baba kaya binasa ko baka kasi kung ano nanaman ang mangyari saakin na hindi ko inaasahan pag hindi ko ito binasa hay.

Eto ang nakaatas sayo. Siya ang kaylangan mo mapafall sayo.

So saan mo siya makikita? Kusa ito magpapakita sayo maaari ka mag log in sa iyong cell phone gamit ang mga detalye na iyong ipinasa kanina, Pag nakita mo ang litrato sa iyong cell phone at unti unti lumilinaw ang litrato ang ibig sabihin lang ay malapit na ang taong ito sayo at noted kaylangan mo matapos ang project na ito in 123 days kung hindi maghanda ka sa parusa na iyong matatanggap. iyon lang at maraming salamat ulit. ^-^

Ano daw? 123 days kaylangan ko magawa na agad yung pinapaga nila saakin tas ano may parusa pag hindi ko nagawa agad at lumagpas sa palugid na binigay nila saakin. Wow ha!

Ano ba ito napasok ko. Bigla naman bumalik yung ilaw na kanina lang ay biglang namatay. tas yung computer na gamit gamit ko ay biglang nalang nag shutdown. Sh*t minumulto na ata ako, Makaalis na nga dito.

Lumabas na ako ng Computer lab at pumunta sa class room ko maggagabi na din kasi, 6:34pm na kasi.

Pagkakuha ko ng aking bag ay agad na akong lumabas ng class room dahil nabalitaan ko na may nag papakita daw saaming class room kaya nakakatakot tas mag isa nalang ako, Ang aga kasi umuwi ng mga kaklase ko tas yung mga kaybigan ko nakauwi na ata. Ang galing eh iniwan na ako.

Sabagay sinabi ko naman sa kanila na umuna na sila at may kaylangan pa akong gawin.

Nasa may gate na ako ng school namin ng bigla akong gulatin ng dalawa kong mabait na kaybigan buti nalang at hindi ako napasigaw dahil sa gulat ko sa kanilang dalawa.

"Oh! Jojo ang tagal mo naman ay kanina pa kami dit-" Naputol ang sasabihin ni kolin dahil biglang tinakpan ni Stepany ang bunganga nito.

Anong meron hahahha

Napatingin naman ako ng masama sa dalawa dahil mukhang may hindi silang sinasabi saakin.

"Sabihin na ninyo guys! Alam naman ninyo na hindi ko kayo titigilan hanggant hindi ko nalalaman yan" Sabi ko sa kanila kaya tinignan ng masama ni stepany si kolin at saka sila tumingin saakin.

Kanina pa niya tinanggal ang kanyang kamay sa bibig ni kolin.

"Ako na mag sasabi baka kung ano pang idagdag mo!" Sabi ni stepany kay kolin.

"Oo na ikaw na!" Mataray na sabi niya kay stepany.

"Okay sasabihin na, Ano kasi nakita namin yung boyfriend mo na may kasamang iba kaninang awasan lang" Tinignan ko muna siya, nakatungo lang siya saakin si kolin naman sa iba siya nakatingin.

Kaylangan din naman nila malaman eh ilang araw ko na kasing itanatago sa kanila at mukhang ngayon ang tamang panahon para sabihin ko sa kanila.

"Ang totoo kasi niyan nag break na kami noong sabado dahil nakita kong may kasama siyang iba" Pinilit kong ngumiti sa kanila pero hindi ko kinaya at napaluha nalang ako.

Napatingin naman sila saakin at nataranta sila dahil sa biglang pagiyak ko.

"Sh*t jo ano bayan bat hindi mo sinabi edi sana na sugod namin ni stepany kanina ha!" Sigaw saakin ni kolin.

Napaupo nalang ako sa lapag dahil sa panghihina, hindi ko alam pero ang lakas ng tama ko sa kanya.

"Naging masamang girlfriend ba ako sa kanya ha?! Sagutin ninyo naman oh!" Sigaw ko sa kanila habang hinihigit nila ako na tumayo sa pagkakaupo ko sa lapag.

"Uy jojo tumayo ka na nga diyan. Hindi siya kawalan tandaan mo yan!" Sigaw saakin ni stepany.

"Naging mabait kang gf sa kanya siya lang yung may mali!" Sabi naman ni kolin.

"Pe-pero mahal ko talaga yu-yung tao AHHHH!!! Wahhhhh!!!!" Tuloy tuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko ayaw nilang tumigil.

"Tang*na naman oh! Stepany tawagan mo na nga kuya mo!" Utos ni kolin kay stepany.

"Ha? bakit"

"Tanga kaba ha! Ano gusto mo gabihin tayo dito ha. Ano ba akala mo diyan kay jo magpapaawat ba yan ha! Hindi diba baka bukas pa nga iyan tumahan eh. Dali tawagan mo na kuya mo"

"Oo na eto na" Sabi ni stepany kaya binitawan niya ang isa kong kamay.

Habang si kolin naman ay binitawan na din niya ang isa kong kamay para siya ay magipit ng kanyang buhok kaya napatayo nalang ako at tumakbo hindi ko alam kung saan ba ako pupunta narinig ko ang pagsigaw nila saaking pangalan.

Takbo lang ako ng takbo ng may makita akong isang playground na may swing kaya naisipan ko muna na umupo habang pinapahinahon ko ang aking sarili.

Nakaupo na ako at hinahayaan ko lang ang sarili ko na umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang ilabas na luha ang mga mata ko.

"PUTANG*NA MO GAGO KA! WALANG HIYA! HINDI MO BA ALAM NA SOBRA AKONG NASAKTAN HA TANG*NA MO GAGO KA" Para akong isang lukaluka na nag sisigaw sa hangin. Sa ganitong paraan kasi nababawasan ang puot, galit at lungkot na aking nadadama ngayon.

Napatingin ako sa langit, pero hindi parin natigil ang mga luha ko at pumapatak parin ang mga ito.

"Okay ka lang ba?" Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa tabi ko.

Nakangiti siya saakin. Hindi ko manlang siya naramdaman na umupo sa isa pang swing na katabi ko lang.

"Ang sarap sa pakiramdam ang sumigaw no tas gabi pa" Hindi ko siya kilala at alam ko rin na hindi rin niya ako kilala pero bat niya ako kinakausap.

"Don't worry, hindi ako masamang tao. Katulad mo din ako nag papalabas ng galit lang" Sabi naman niya saakin.

Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang sabihan ng problema ko.

"Bat ganon bat ang sakit? Bakit ba tayo nasasaktan pag tayo nag mamahal?" Hindi ko namalayan ang sarili ko na nag tatanong na pala ako sa kanya. Akala ko hindi niya ito sasagutin.

"Nasasaktan tayo dahil alam natin na mahal natin yung tao pero kung hindi tayo nasasaktan ang ibig sabihin lang noon ay hindi natin mahala ang taong iyon. Ganong kasimple" Sagot niya sa tanong ko.

"Ako, pwede ba ako mag tanong sayo?"

"Sige lang" Yan ang sagot ko sa kanyang tanong.

"Bakit ka nandito? Mukhang hindi ka naman taga dito sa lugar namin at mukhang galing ka pa sa school" Tanong niya saakin.

"Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito" Yan alang ang nasagot ko sa kanyang tanong.

"Hindi pwede hindi mo alam ang sagot. Sabihin mo nalang na ayaw mong sabihin yung totoong sagot"

"Hay... Ang totoo kasi niyang broken hearted kasi ako kaya ako napadpad dito ay para maalis ko yung galit na aking nararamdaman ngayon" Hindi ko alam pero ang gaan pag kausap ko siya. Tas yung sabihin sa kanya yung totoong dahilan.

"Ah... Wag mo na damdamin meron pa namang iba diyan na mag mamahal sayo. Dadating naman yung tamang tao kaya maghintay ka nalang. Sige aalis na ako. Ikaw naman miss umuwi kana dahil gabi na at mukhang uulan na sige na miss bye" Sabi niya saakin at bigla nalang siya umalis.

Hindi ko manlang napansin na hindi na pala ako naiyak. Mukhang tama ang sabi niya na uulan dahil pumapatak na. Agad ako umalis at bumalik sa school dahil baka nagaalala na sila saakin.

Pagkabalik ko sa school ay nakasalubong ko ang dalawa kong kaybigan na pagod na pagod at pawis na pawis. Mukhang dahil saakin bakit ganan ang kanilang itsura agad nila akong niyapos at may ngiti sa kanilang mukha.

"Tang*na mo jojo akala namin nawala kana o kaya anong masamang nangyari sayo" Nagaalalang sabi saakin ni kolin. Talagang kaylangan na may mura?

"Yung makapatid nga ni stepany kanina ka pa niya hinahanap eh!" Sabi ulit niya saakin.

"Sorry ha kung pinagaalala ko kayo"

"Wala yun, ang mahalaga ay nakabalik kana. Tayo nang umuwi jo!" Yaya ni stepany saakin. Kaya nag lakad na kami papunta sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan ng kuya ni stepany.

"Tatawagan ko na si kiya" sabi niya saamin.

-------

"NASAAN YUNG KAKLASE MO? NANDIYAN NABA? NAKITA NA BA NINYO?" Nagulat naman ako dahil sa mga tanong ng kapatid ni stepany. Kahit na hindi ko kaharap ang kanyang kapatid ay naiimagine  ko ang mukha niya na hingal na hingal at pawis na pawis.

Nandito kasi kami ni kolin sa may unahan ng sasakyan ng kapatid ni stepany at nakaupo kami.

Narinig namin ang sinabi ng kanyqng kapatid dahil sa sumigaw ito.

"Easy kuya, okay na siya nasa may unahan siya ng sasakyan mo at nakaupo. Pwede na ba tayo umalis" Kahit hindi sumisigaw si stepany ay narinig namin ang kanyang sinabi sa kanyang kapatid.

------

Nasa tapat na kami ng bahay namin. Unang bumaba ay si kolin tas ako naman.

Bago ako lumabas ay humingi ako ng sorry sa kuya ni stepany at nag pasalamat sa kanila.

Lumabas na ako ng sasakyan. Bago ako pumasok sa loob ay hinintay ko muna sila umalis at saka ako pumasok sa loob ng bahay. Pagkabukas ko ng gate ng amjng bahay ay agad sumalubong saakin ang aking alagang aso na si tagpe.

"Tagpe.. Tagpe.. Musta ka!" Sabi ko sa kanya habang siya naman ay paikot ikot saaking paa.

Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin ay unang pumasok si tagpe bago ako.

Mukhang wala si mama ngayon, at si pinsan lang ang tao ngayon sa bahay dahil sarado ang ilaw sa loob ng bahay at mukhang nasa taas si ate ang pinsan ko.

Binuksan ko muna yung ilaw at saka ko sinarado and pintuan.

Bago ako umakyat sa taas ay binigyan ko muna ng pagkain si tagpe at ng maiinom.

-----

Pagkaakyat ko sa taas ay nakita ko kaagad ang pinsan ko na gamit gamit ang aking laptop na akala ko ay sira na.

"Oh bat ginagamit mo yan akala ko ba sira yan?" Mukhang nagukat siya dahil bigla siya umayos ng kanyang upo. Hmmm nakakapagtaka, mukhang may ginagawa siya na hindi ko alam na kalokohan.

"Ah eh nagawa ko na kasi. Paheram muna ako" Dumeretsyo na ako saaking kwarto para magpalit na ng damit.

"Ginagamit mo na eh ano pang magagawa ko. Saan pumunta si mama?" Tanong ko sa kanya.

"Sa boyfriend niya, mag babakasyon daw sila. Hindi ba sinabi sayo?" Napatigil naman ako sa pagpapalit ng damit ng marinig ko iyon.

"Kung alam ko edi sana hindi na ako nag tanong diba" pagpipilosopo ko sa kanya.

"Tsk... Bat gabi ka na pala umuwi?"

"That's not your problem!" Mataray na sagot ko sa kanya.

"Hay nako. Bakit hindi ka parin ba nakakamove on sa kanya?" Yep she know about it. Nahuli niya kasi ako sa kwarto ko na naiyak ako, kaya sinabi ko sa kanya ang dahilan kasi kinukulit niya ako ng kinukulit pero nangako siya na hindi niya daw sasabihin kay mama ang nangyari.

"Hay nako ate kaylan paba naging madali mag move on? Sabagay sa tulad mo sanay kana sa mga ganan mag move on lang mag move on diba" Nakangiting sabi ko sa kanya pagkatapos ko mag palit ng damit at tumabi ako sa kanya.

Binuksan ko ang tv para manuod ng pbb. Masyado pang maaga pero mas maganda na yung maaga kaysa sa late diba.

"So umiyak ka nanaman, at iyon ay dahil sa kanya?" Tanong niya saakin.

"Sa tingin mo ano pa ang dahilan ha? Syempre yun lang naman ang tanging dahilan" sabi ko sa kanya.

"Ah okay, buti hindi ka nag wala kung hindi baka malaman ng d oras ng mama mo ang nangyari nako nako nako" napapailing sabi niya saakin.

Hindi ko nalang siya pinansin at binuksan ko nalang ang cell phone ko para mag log in sa site ng Project 1.2.3

Hmmm...

Pagkatapos ko mag log in ay bigla ulit lumabas ang litrato ng lalaki, pero ngayon ay hindi na ito masyadong blurred hindi katulad kanina.

Parang kilala ko siya... hmmm...

So ibig sabihin nito ay malapit lang siya saakin.

"Ano naman yan?" Bigla akong nagulat dahil sa biglang silip ni ate sa aking cell phone kaya agad ko ito inilayo sa kanya.

"Wa-wala to" nauutal na sagot ko sa kanya.

"Wag nga ako bili sabihin mo na kung ano yan" para siyang bata.

"Sabihin ko sayo o kukunin ko yan" Sabi ko sa kanya at nakanguso ako sa laptop ko na nasa kanya.

"Tse" yan lang ang kanyang sinabi at ibinalik niya ang kanyang atensyon sa laptop ko.

-------------- TO BE CONTINUE...

Hi everyone!
Pangako ko po sa sarili ko na  tatapuain ko po ito hindi po pwedeng hindi.

Sorry for the wrong spelling cause i did not yet edit it.

So please vote and comment thank you guys!

December 27 2018

Belated merry Christmas and a happy new year everyone

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro