Simula
Year 2020
Ang ating bansa ay sumasailalim sa lockdown dulot ng pandemiya. Ang mga gusali kagaya ng paaralan ay sarado. Tahimik ang kalsada dahil walang gaanong dumadaan na sasakyan at wala ring mga tao na naglalakaran.
Tumingin ako sa suot kong relo, ang oras ay 4:44 ng hapon. Kailangan ko nang i-check ang mga silid at isara ang gate ng paaralan. Lockdown ngunit naririto pa rin ako at nagbabantay. Natutuwa ako dahil hindi ako kabilang sa mga nawalan ng trabaho. Hindi naman kasi pwedeng mawalan ng guwardya itong paaralan kaya hindi ako pwedeng maalis sa trabaho.
Naglibot ako sa paaralan upang siguraduhin na sarado ang mga rooms at malinis ang paligid. Kahit walang pasok ay kailangan pa ring siguraduhin na maayos ang paligid.
Habang naglalakad ako sa hallway ay tanging tunog lang ng dala kong batuta na tumatama sa railings ang maririnig.
Maninibago ka sa paligid. Wala ang mga maiingay na estudyante, walang naglalakad at nagtatakbuhan sa hallway, wala ang mga guro na atubili sa pagtatapos ng lesson plan upang makauwi nang maaga. Walang ibang tao maliban sa akin.
"Hahahaha!"
Natigilan ako sa aking paglalakad. Nasa tapat ako ng library. Sarado ang bintana at naka-lock ang pinto kaya walang makakapasok dito. Wala ring ibang tao sa paligid at walang mga bahay na malapit sa paaralan na ito. Hindi kaya may mga bata na naman ang nag-tresspassing? Posible ito dahil noong nakaraan lang ay may nahuli akong mga bata na nag-akyat bakod dito.
Ilang sandali pa akong nakatigil sa kinatatayuan ko at pinariringgang mabuti kung saan nagmula ang tawa na narinig ko kanina. Muli ko itong narinig. Tawa ng isang babae na ani mo'y nakikiliti. Sa tingin ko ay alam ko na kung nasaan ito.
Agad akong nagtungo sa likod ng library kung saan mayroon lumang fountain. Dito ay namataan ko ang dalawang menor de edad. Ang babae ay nakakandong pa sa lalaki na nakaupo sa bench sa tabi ng fountain, naglalampungan at naglalaplapan. Mga kabataan talaga!
"Hoy! Ang babata niyo pa ganyan na ang ginagawa niyo? Umuwi na nga kayo, dito pa kayo sa school dumadayo!" Nahinto sila at tumingin sila sa akin. Nakita ko pa na may binulong ang babae sa lalaki at saka hinila ito paalis. "Umuwi na kayo ha, baka dumayo pa kayo kung saan!" Dumaan sila sa pader na malapit nang gumiba, ito talaga ang kadalasang dinadaanan ng mga estudyante na nag c-cutting classes. Sa likod ng pader na ito ay bundok na pero may daan dito patungo sa palengke kaya ito rin ang napili nilang ruta.
Tama lang na nililibot ko muna ang paaralan bago umuwi dahil hindi pa rin mawawala ang mga pasaway na kabataan. Nawalan lang ng klase ay marami na ang mga kabataan na nabubuntis nang maaga. Kung hindi lamang nagkaroon ng pandemya ay maingay sa paaralang ito sa mga oras na ito.
Mukhang kailangan ko nang umuwi, malapit na ring dumilim. Humakbang na ako papaalis nang muli akong matigilan. Hindi pa man ako nakakatalikod sa lumang fountain ay muli akong may narinig na pag tawa. Ngunit iba na ngayon. Tila hagikhik na matinis. Parang nagmumula sa bata pero alam kong hindi ito bata. Hindi ito tao.
"Hihihihi"
Ngayon ay sigurado na ako. Hindi ako makagalaw kahit sinasabi ng isip ko na tumakbo na ako. Kahit pag pikit ng mga mata ay hindi ko magawa. Para akong nagyeyelo at nagtatayuan ang mga balahibo. Pinanglalakihan ako ng ulo. Nararamdaman kong hindi ako nag-iisa ngayon. Pero hindi ako natutuwa na mayroon na akong mga kasama, dahil ang sila ang mga tipong hindi mo gugustuhing makasama.
Nararamdaman ko ang presensiya na papalapit sa akin, nagmumula iyon sa likod ko. Papalapit na. Sobrang lapit na parang nakayakap na sa akin. Nakapangko?
Tangina! Tangina!
Napapamura na lang ako sa aking isipan. Nararamdaman ko ito sa aking balikat at sa aking ulo. Nakapangko nga ito sa akin. Kailangan ko nang makaalis pero hindi ko talaga magawang gumalaw kahit subukan ko. Hindi rin ako makasigaw at kahit pa gawin ko ay wala ring mangyayari, walang makakarinig at tutulong sa akin.
May muli akong naramdaman sa aking katawan. Sa aking mga paa paakyat sa aking mga hita. Madulas ito at malagkit. Dahan-dahang umaangat patungo sa aking mga hita at tila binabalot nito ang aking mga paa. Nanginginig na ako. Ayoko na! Iginalaw ko ang aking mga mata upang tumingin sa gawi ng aking mga paa. Ayokong makita ngunit ginawa ko pa ring tingnan. Ito ang bagay na aking pagsisisihan.
Maitim at makapal na buhok. Para itong nababalutan ng laway at lumot, malagkit at madulas. Mahahaba ito at nakapulupot na sa aking mga paa. Ang buhok na ito ay alam ko na kung kanino. Kailangan kong gumalaw, kailangan kong umalis. Pinilit kong humakbang at ibuka ang aking bibig upang makapagsalita. Nang ibubuka ko na ang akinh bibig ay may naramdaman ako sa aking lalamunan. Masakit ito at tila natatabunan na ang buo kong lalamunan dahilan upang hindi ako makahinga. Nakakapa ng aking mga dila, magaspang ito, mahahaba at matalas. Halos tumulo na aking luha dahil halos malagutan na ako ng hininga.
Tangina! May kamay sa aking bibig! Ang kamay na nanggaling sa aking lalamunan at gumagapang papalabas sa aking bibig. Mahahabang mga daliri at matatalas na kuko. Nakalabas na ang kamay sa aking bibig at ang palad nito ay sa akin nakaharap. Nanginginig na ako at tila mawawalan ng malay. Ayoko na! Gusto ko nang umuwi! Ang kamay na ito ay tila may sariling buhay, gumalaw ito papalapit pa lalo sa aking mukha. Sobrang lapit na halos ang mga kuko jito ay tumama na sa aking mata at bumaon sa aking balat.
Nagdidilim na ang aking paningin at naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa lupa. Hindi ko alam kung ano na ang susunod na mangyayari sa akin. Basta ang alam ko, hindi pa rito matatapos ang lahat. Bago bumagsak ang talukap ng aking mga mata, nakita ko sila. Mga itim na nilalang ang nakapalibot sa akin at nagtatawanan sila. May mga salitang hindi ko maintindihan na paulit-ulit nilang binibigkas.
"Mors excitata est, multae animae capientur."
M
arami pa ang susunod. Marami pa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro