Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Simula

Warning: This chapter contains offensive language.

* * *

"Please, Evan," the girl whispered breathlessly as her tears continue to stream down her cheeks.

"Sabihin mo sa'kin kung ano'ng mali . . . kung saan ako nagkulang dahil handa kong itama ang lahat manatili ka lang sa tabi ko."

The tears in her eyes endlessly fall like it's water on a free-flowing river. Evander closed his eyes and flinched his hands as the girl he loves slowly tries to envelop his already shaking hands using her long delicate fingers.

Evander couldn't dare to stare at Jaira's eyes. All he sees is the shattered soul of the girl who's kneeling in front of him. He desperately wants to knock himself out for breaking the girl's heart, for causing her to cry.

He is sorry. And sadly, that's all he can feel since emptiness already succumbs him.

Sorry.

"Jai, please don't make it too hard for me. Just let go," he coldly said without looking at her beautiful eyes.

Pilit niyang tinatagan ang kaniyang loob at hinanap ang tapang na salubungin ang namumugtong mga mata ng babae. Si Jaira De Lavigne, ang babaeng matagal niyang pinangarap na makamit subalit ngayong nasa kaniya na'y itinataboy na lamang niya.

Tama nga ang mga magulang nito, wala siyang mabuting maidudulot sa kanilang anak sapagkat nagmula siya sa isang magulong pamilya. Kasiraan lamang ang tanging maibibigay niya kay Jaira.

"Hindi naman natin kailangang pahirapin pa ang sitwasyon. Bawiin mo lang ang lahat ng mga sinabi mo at pangako, ka . . . kalilimutan ko kung ano'ng nakita ko." Mas lalong nabasag ang boses nito nang bigkasin ang mga huling salita.

Batid ni Evander na pinipilit lamang ng babae na pigilin ang pagkawala ng hikbi nito subalit hindi iyon nagtagumpay nang magpatuloy sa kaniyang sinasambit. "I never saw you on top of my friend, and I didn't hear your fucking moans. It was just a nightmare," basag na wika ni Jaira.

Putang ina talaga, ang gago ko!

Paulit-ulit na sigaw ng utak ni Evander habang nananatiling blangko ang ekspresyon.

"You didn't cheat on me because you love me. I am the only woman who's allowed to touch you, right?" nangungumbinsing sambit nito habang pilit siyang hinahawakan.

"Don't do this to yourself, Jaira. You don't deserve shit like me, mas basura pa ako kung ikukumpara kay Trevor." Bumalik ka na lang sa kaniya.

Gusto sana niyang idugtong iyon subalit hindi niya nagawa sapagkat wala siyang lakas ng loob na sambitin 'yon.

Ano'ng karapatan niyang diktahan ang babae ng kung ano'ng dapat nitong gawin? Tinatapos na niya ang kanilang relasyon at pinuputol na ang koneksyong mayroon sa dalaga. Wala na dapat siyang kapal ng mukha na makialam sa dapat at hindi dapat nitong gawin.

"Iwan mo na ako, Jai. Kahit anong pilit pa natin hindi na talaga p'wede." Umiling siya para iwaksi ang namumuong luha sa sulok ng kaniyang mata. "Talikuran mo na ako dahil alam mong hindi ko kayang maunang tumalikod at humakbang paalis," pakiusap ni Evander habang ang tingin ay nasa gilid pa rin.

"Why can't you look at me, Evan?" Her soft voice sounds like a gloomy angel. How can a devil like him made a beautiful angel cry?

"Kahit hanggang pagtatapos, hindi mo pa rin magawang salubungin ang mga mata ko. Kahit sa mga huling sandali, Evander?"

Pulang-pula na ang buong mukha nito dahil sa pag-iyak. Basa na rin ang pisngi at ang buong katawan dahil sa ulan na patuloy na bumubugso. Kap'wa nila hindi iniinda ang malakas na patak ng ulan, nakatayo lamang sa gitna ng madilim na kalsada.

Sa harap ng luma at sira-sirang bahay nina Evander, naroon ang babaeng pinakamamahal nito. Umiiyak sa kaniyang harapan at nagmamakaawang huwag siyang iwan.

"A-Ate Jaira, h'wag ka ng umiyak. Hindi natin bati si Kuya Evan, tayo na lang ang magkakampi!" sigaw ng maliit na tinig.

Batid nilang dalawa na nakatingin ang buong pamilya ni Evander sa kanilang dalawa. Sa butas ng dingding, naroon si Meicy, umiiyak katulad ni Jaira. Nakasilip at nahahabag sa kalagayan ng paborito niyang ate.

Napamahal na rin kasi ang pamilya Salvatore kay Jaira. Itinuring na nila ito na para bang anak at gustong-gusto nila ang babae para sa kanilang nag-iisang anak na lalaki. Masakit para sa buong pamilya ang masaksihan ang pagdadalamhati ng dalawa.

"Aalis lang ako rito kung magagawa mong sabihin sa akin ang lahat ng binitiwan mong salita kanina habang nakatitig ka sa mga mata ko." Pinili ng dalaga na huwag balingan ang pamilya ng lalaki. Hindi niya kayang pagmasdan ang pagtangis ng mga ito.

Masakit para kay Jaira ang mga nangyayari. Natatakot din siya sapagkat nararamdaman niyang sa gabing ito na nga magtatapos ang lahat sa kanila ni Evander Salvatore

"Tingnan mo ako sa mga mata ko at saka mo sabihing hindi mo na ako mahal!" malakas na sigaw nito. Hindi na ininda pa ang sasabihin ng mga makaririnig sa kaniyang sigaw.

"Harapin mo ako at gisingin sa kahibangan kong ito. Hanggat hindi ko nakikita ang sinseridad sa mga mata mo, hindi ko magagawang humakbang palayo sa'yo, Salvatore," diretsong sambit nito at saka hinawakan ang mukha ng binata matapos tumayo mula sa pagkakaluhod.

Salvatore. Iyon ang tawag niya rito no'ng una pa lamang silang nagkita. Hindi niya lubos akalaing masakit palang magmahal ng isang Salvatore.

Pinilit ng binata ang sariling salubungin ang namumulang mata ng dalaga. Halos manginig ang kalamnan nito nang makita kung gaano nasasaktan si Jaira dahil sa kagaguhan n'ya.

Sa isip-isip nito, hindi dapat umiiyak ang babae sa harapan niya. Dapat ay sinasaktan siya nito at nagmamakaawa siya sa dalaga na patawarin siya subalit ganito ang sitwasyon ngayon.

Ako ang gumawa ng kasalanan, siya ang nagmamakaawa para balikan.

"I do not wish to hurt you even more. You know that you're important to me." Mahal kita.

Hindi niya maidugtong ang dalawang salitang iyon sapagkat batid niyang wala na siyang karapatan pang banggitin iyon sa harap ng babae. Siya ang dahilan ng pagluha nito at ang rason upang muling mahirapang magtiwala dahil sa mga pangakong hindi naman na matutupad.

"Do not conceal anything, be honest with me, and I promise you that I will stay. No matter how painful it will be to hold on to you, I will not let go. I will wait until you find yourself coming back to me," basag na saad ni Jaira habang hindi na mapigil ang pagkawala ng malalakas na hikbi.

Takpan man nito ang bibig o kagatin man ang labi, kumakawala pa rin ang hikbi ro'n. "H-Handa akong patawarin ka hindi ka pa man humihingi ng tawad." Buong pusong nakatitig ito sa mga mata ng minamahal na si Evander.

Mas lalong tumindi ang bigat ng damdamin ni Evander nang tangkain ni Jaira na paglapatin ang kanilang mga labi. Agad na umatras ang lalaki at galit na sinalubong ng tingin ang mata ng babae.

"Ano ba, Jaira. Bakit ba ipinagduduldulan mo pa ang sarili mo sa'kin? Hindi ka pa rin talaga natututo, 'no?"

This illusion has to end. Doesn't matter how great the feeling is and how things work smoothly, all of these are not even true. Evander knows that they need to wake up.

Kung kinakailangan saktan niya ang damdamin ng minamahal para lamang iwan siya nito, gagawin niya. Desperado na siya. Hindi na niya kaya pang magkunwari na hindi siya nasasaktan at wala siyang nararamdamang kirot sa dibdib habang tumatangis si Jaira.

"Desperada ka pa ring makuha ang lahat ng bagay kahit na hindi naman talaga nakalaan para sa'yo - kahit ayaw na sa'yo!" Pinukulan nito ng nandidiring tingin ang babae. "Leave now and don't ever come near me. I am done playing with you!"

Padaskol nitong inalis ang nakakapit na kamay ng dalaga sa kaniya. Tila naging ibang tao siya nang dumilim ang paraan niya ng pagtitig sa babae at tumaas ang sulok ng labi. "Ginamit lang kita para makuhang muli ang inagaw mong scholarship na para naman talaga sa'kin. Napaniwala ba kitang totoo ang lahat? Ano kuhang-kuha na kita?"

Lumakas ang ihip ng hangin at nakita niyang muntik ng mabuwal ang babae. Nanghihina ang tuhod nito at alam niyang mabubuwal na ito at masasadlak sa putikan.

"E-Evander . . ." Hindi maituloy-tuloy ni Jaira ang sasabihin. Nakahawak na ito sa dibdib at tila ba nahihirapan na huminga dahil sa sobra-sobrang emosyong nararamdaman.

"Don't play as the victim here, de Lavigne. You know all along how crazy in love I am for Nemo. Nothing changes even a bit. It has always been her, and never you!"

Malutong na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi niya matapos sabihin iyon. Napapikit na lamang siya dahil sa lakas ng sampal nito. Masakit. Pero mas masakit ang kirot na mayroon sa dibdib niya.

"I used you. I wanted to get revenge for what your ex-convict brother did to Nemo. I could never forgive your mother for sending my father to jail for a crime he didn't commit."

Hindi niya nais na paabutin sa ganitong sitwasyon ang lahat. Wala siyang planong saktan nang husto ang babae at mas lalong hindi niya ginustong ungkatin ang dati ng sugat na kap'wa mayroon sila, subalit ito na lang ang natitirang paraang alam niya para tuluyang lumayo si Jaira.

"B-Bakit, Evander? Sabihin mo sa'kin kung anong sinabi sa iyo ni Mama. Tinakot ka ba niya at pinagbantaan na ipakukulong kung hindi mo ako lalayuan?!"

Nagliliyab sa galit ang mga mata ni Jaira habang isinisigaw iyon. Hindi siya naniniwala na walang kinalaman ang kaniyang ina sa inaasal ng lalaki. Kahapon lang ay nagkasundo na silang dalawa na aalis at magsasama na. Subalit lumipas lamang ang isang gabi ay nag-iba na ang ihip ng hangin.

"Imposibleng walang kinalaman si Mama sa nangyayari. Kahapon lang ay maayos lang tayo, sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyari."

Umiling si Evander at piniling manahimik. Mariing nakakuyom ang kaniyang kamao at kinakagat ang dila upang hindi na makapag-usal pa ng masasakit na pahayag.

Si Ginang Elizabeth de Lavigne ay kilalang matapobre at galit sa pamilya Salvatore. Dati pa mainit ang dugo nito sa pamilya ng kasintahan ng kanilang unica hija. Hindi nito kailanman natanggap ang lalaki dahil sa dati ng hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya laban sa lupang tinitirikan ng mga Salvatore.

"She bribed you to leave me and spit nasty things para magalit ako, tama ba?" Mapait na ngumiti ang dalaga at umiling.

"Gawin man iyon ni Mama, alam kong itatapon lang ng mga Salvatore ang pera nito sa putikan," wika ni Jaira sa isip-isip nito.

"You're right," nakayukong usal ni Evander.

Ang diin ng pagkakakuyom ng kamao nito ay unti-unting nawala. Nahulog ang balikat nito habang ang mata ay blangko pa rin.

Dahan-dahan, bumalik ang titig nito sa mata ng dalaga. "Your mother offered me a considerable sum of money, and I did the exact opposite of what you're thinking."

Nanlaki ang mata ni Jaira at lumipad ang dalawang palad sa bibig. Hindi ito makapaniwala sa narinig.

"N-No . . . Y-You want to hurt me. I know you will never take her money because you are a dignified man, Evan."

"You don't know me at all, Jaira. Everything I showed you is not true. I am not as good as you think I am. I am just a bastard who's desperate enough to do whatever it takes to be on top of the game," Evander said with his grim tone.

Jaira can no longer recognize the man in front of her. In a blink of an eye, the man she loves turned into someone he said he would never be.

"I took the money and bought a house in the city for my family. Your mom offered me a full scholarship so I could still study abroad and be a lawyer. Why wouldn't I accept that opportunity?"

Of all people, it was Jaira who knew how desperately Evander wants to study at Harvard and be a successful lawyer in time. She witnessed his sacrifices and doubled effort to achieve his dream.

Ngayon unti-unti ay tinatangap na niya ang posibilidad na ginawang pagtanggap ni Evander ng pera mula sa kaniyang ina. Mahirap lang ito at walang sinuman ang nasa matinong pag-iisip na tatanggi sa alok ng isang Elizabeth de Lavigne.

"I was hoping you didn't accept the bribe, but looks like I'm wrong. Maybe it's true . . ." Malalim na bumuntong-hininga ang dalaga saka pinunasan ang mainit na luhang tumutulo sa pisngi.

"Maybe I don't really know who Evander Salvatore is. Because the man I knew? He would never sell his dignity for any amount of money or whatever riches in this world." Tumango-tango pa ito na para bang nauunawaan na niya ang lahat.

"My Evan would never do such a thing to ruin his dignity, because above all . . . it was his reputation and the values of the Salvatore are what matter to him the most."

Hindi ang pera; hindi ang pangarap, kundi ang pagiging isang mabuting tao.

Sirang-sira na ang pangalan ni Evander kay Jaira, batid iyon ng binata. Masakit para sa kaniya na tanggapin iyon subalit kailangan. Kailangan niyang pangatawanan ang lahat para na rin sa ikabubuti ng dalaga.

"So, I guess this is where the game will end?" kaswal na tanong pa nito sabay lahad ng kamay sa harap ng babae.

Nagpunas ng luha si Jaira at napalitan ng kakaibang emosyon ang kaninang lungkot na mayroon sa mata. Sa hindi malamang dahilan, kumalabog ang dibdib ni Evander Salvatore dahil sa kaba.

"No, perhaps this will just be the start."

Kasabay ng malakas na pagkulog ay binitiwan ni Jaira de Lavigne ang katagang hindi akalain ng binata na tatatak sa isip niya mahabang taon man ang lumipas.

"The next time I see you, it will be you who would beg me to stay. On that day, I will only watch you with the same dreaded eyes you used to look at me now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro