Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🔥Chapter One


Lorraine

"MAGNANAKAW!"

Binilisan ko ang pagtakbo ko para makalayo sa lugar na iyon. Lumiko sa isang eskinita at nagtago sa gilid ng malaking basurahan na nakita ko sa gilid. Isiniksik ko ang sarili ko para hindi nila ako makita.

Napahawak pa ako sa bibig para hindi ako makalikha ng kahit na anong inggay dahil nakita kong tumigil sila sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang agad din naman silang umalis habang may dala-dala pa ang ilan sa kanila na isang bakal para ipukpok sa aking ulo.

Dahan-dahan akong umalis sa pinagtataguan ko't hinubad ang suot kong wig at jacket sabay kuha ng sumbrero na inilagay ko kanina sa basurahan para sa pagba-balat-kayo kong gagawin para makatakas. Sakto namang may nakita pa akong salamin kaya kinuha ko ito at sinuot. Inilagay ko sa bulsa ang ninakaw kong kwintas at hikaw at naglakad na parang walang nangyari.

Naglakad ulit ako sa dereksyon na pinanggalingan ko kanina at napatingin sa babaeng umiiyak at naghi-hysterical na. Inaalalayan sya ng isang babae na sa tingin ko ay anak nya. I smirked nang malampasan ko sila.

Sa apat na taong ginagawa ko ito ay bihasa na ako sa pagnanakaw at pagtakas sa mga ginagawa ko. Hindi naman kasi ako nahuhuli ng mga pulis dahil sa ginagawa kong pagba-balat-kayo. Thirteen years old pa lang ako nang magsimula akong magnakaw, wala kasing pagkain sa bahay kaya pumunta ako sa bayan para may pang-kain. Hanggang sa naging sunod-sunod na. Ninanakaw ko ang mga gamit na nagugustuhan ko, tulad ng hikaw, kwintas, damit at iba pa. At ngayong seventeen years old na ako ay patuloy pa din ako sa sistemang ginagawa ko.

Kailangan kong magnakaw para sa ikabubuhay naming pamilya. Hindi na kasi makagalaw sila mama at papa dahil na-stroke sila. Bilang anak, kailangan kong tugunan ang responsibilidad ko sa kanila.

Natandaan ko pa nu'n nang malaman ni mama ang ginagawa ko ay ikinulong nya ako sa isang aparador. Sakto naman ang dating ni papa sa trabaho na lasing at nag-away na naman sila. Naririndi ako sa ingay nila

Lumiko ako sa derekyon kung nassan ang bahay namin.  Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko sila sa sofa na nanunuod ng tv. 'Yan ang paborito nilang spot at d'yan mo sila palaging matatagpuan.

Umakyat ako sa kwarto at nahiga sa kama. Kinuha ko ang kwintas at mariing tinignan ito.

"Bukas ko nalang ito ipagpapalit sa pawnshop," bulong ko bago humikab.

Inilagay ko sa side table ang kwintas at hikaw bago umayos ng higa at natulog na.

"Mama? Papa?" sigaw ko nang hindi ko sila makita.

Bumaba ako at malaking pasasalamat ko nang makita ko silang nanunuod sa tv. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay napatigil na ako nang may matapakan ako. Napatingin ako dito at agad na nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng mga dugo.

Sinundan ko ng tingin kung saan nagmumula ang dugo at natutok ang tingin ko sa mga magulang ko. Dahan-dahan ko silang nilapitan at napahawak ako sa bibig ko nang makita ang kalunos-lunos na sinapit nila.

Parehas na buka ang bibig nila at may kung anong bakal na nagsu-suporta dito para manatiling maka-buka ang mga ito. May saksak din sila sa magkabilang dibdib. Napansin ko naman ang kamay nila at muntik nang masuka nang makita ko na hawak-hawak nila ang sarili nilang mga dila.

"M-mama, p-papa," lumabas ang isang butil ng luha sa mata ko at akmang lalapitan sila. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay naaninang ng mga mata ko ang pigura ng isang lalaki sa sulok. Nakatingin ito sa akin at masasabi kong nakangiti ito.

May hawak itong kutsilyo kaya mas lalo akong na-alarma. Pero ang ipinagtataka ko ay hindi ito gumalaw sa pwesto nya at umatras hanggang sa lamunin sya ng dilim.

Napamulat ako ng aking mga mata at napakurap-kurap. Agad na umupo ako mula sa kama na kinahihigaan ko. Napa-subaybay ako sa paligid at napansing nasa kwarto ko ako. Napatingin din ako sa orasan na nasa sidetable, Alas-otso na ng gabi. Nang mag-sink-in sa'akin ang mga napanaginipan ko ay napa-panic ako.

Sila mama at papa!

Tumayo ako at agad na lumabas para puntahan sa sala ang aking mga magulang. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Napahiling din ako na sana... sana mali ang mga nangyari sa panaginip ko. Sana hindi totoo. Sana-

Napahinga ako ng maluwag nang makita ko sila papa at mama na magkatabi sa sofa at nanunuod ng tv. Napangiti naman ako nang mapansin kong grabe ang pagka-dikit nila sa isa't isa, yung tipong parang tinahi silang dalawa para hindi sila magkalayo.

Mabilis ko silang tinabihan sa sofa at niyakap.

"Papa, mama, I love you po," hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa'kanila. "I want this," bulong ko sabay tingin sa mukha ni papa na nakatingin sa tv. "Yung buo ang pamilya natin,"

Hindi sila nagsalita kaya tumahimik nalang din ako pero hindi ko inalis ang pagkakayakap sa'kanila. Siguro galit sila sa'akin dahil nagnakaw na naman ako. Nagpatuloy lang kami sa panunuod ng tv nang may nasipa ako kaya napatingin ako dito.

Si Chuchay! Ang aso ko.

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa'aking mga magulang at hinawakan si Chuchay. Dirty Brown ang kulay nito at ang sarap hawak-hawakan dahil ang smooth ng mga balahibo nya.

"Hi Chuchay! Miss mo ba si mommy?" Pagtatanong ko sa'kanya. As of naman na sasagutin ako ng aso, diba?

"Kumain ka na?"

Patuloy pa din ako sa paghimas ng mga balahibo ni Chuchay nang makarinig ako ng pagkabasag ng bintana sa may kusina. Napatingin ako dito at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Magnanakaw!

Napalingon ako sa dereksyon ng mga magulang ko.

"Ako na po bahala," ani ko. "Dito lang po kayo,"

Nagsimula akong maglakad papuntang kusina ng dahan-dahan. Nahagip ng mga mata ko ang mop sa malapit at kinuha ito. Kung sakali mang tangkain akong tagain ng magnanakaw, ay may ipanghahampas ako sa'kanya.

Malapit na ako sa bukana ng kusina at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nang makapa ko ang switch ay agad ko itong pinindot.

"Bwiset na pusa," bulong ko nang makita ko ang isang itim na pusa malapit sa nabasag na salamin ng bintana.

Lumapit ako sa mga nabasag na salamin para ligpitin ito. Binitawan ko na din ang mop at inilagay sa gilid ng lamesa. Nasa kalagitnaan ako ng pagpupulot nang mapahinto ako nang may dalawang pares ng sapatos ang bumungad sa harapan ko.

Natigil ako. Teka-

Agad akong tumayo at lumayo sa lalaki ngayong nasa harapan ko. Hinanap ko ang mop pero nasa kabilang banda iyon kung saan malapit ang lalaki. Pormal na pormal ito sa suot na pulis attire. Isabay mo pa ang blue nitong sumbrero, maging ang tungkod nito ay kulay asul.

Shit!

"S-sino ka? A-anong kailangan mo?" nauutal kong tanong.

Nakangiti ito sa'akin at hindi mo mahahalata na isa itong akyat bahay- Teka, akyat bahay? May akyat bahay bang naka-businees attire? Sya lang yata ako nakita kong magnanakaw na pormal kung titignan. Wala itong takip sa mukha katulad ng ibang magnanakaw.

"Let me introduce myself," inapakan nito ang mga bubog na pinupulot ko kanina. "I'm Danty," nilahad nya ang ka'nyang kamay ngunit tinitigan ko lang iyon.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Jessie," sabay tingin nya sa pusa.

Hindi pa din ako nagsalita at tinitigan lang sya. Hindi naman ito ganun katanda pero gumagamit ng tungkod. Nasa-mid 20s sya sa tingin ko.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa'aming dalawa nang magsalita na naman sya.

"And forgive me sa gagawin ko ngayon,"

Hindi pa man nagsi-sink in sa isip ko ang sinabi nya ay biglang may tumakip sa'aking bibig at ilong mula sa likod. May naamoy ako kung anong klaseng kemikal at bigla akong nahilo. Umikot ang aking paningin pero klaro pa rin sa utak ko ang nasa harapan ko.

"Hmp!"

Nakangiti ang lalaki na nakaputi at nakatindig lang sa harapan ko. Shit! Bakit hindi ko naisip na maaaring dalawa sila? Pu-pwedeng dumaan ang isa sa back-door dito sa kusina.

Bago pa ako nawalan ng malay ay tinitigan ko pa ang dereksyon nila mama at papa. Salamat naman at walang nangyari sa'kanila. Tumingin ulit ako sa lalaking nasa harapan ko na naka-ngiti lang mula kanina.

Baliw ba 'to?

"You're such a badass, Lorraine Anne Reonico."

Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya. Hindi ko sya maintindihan. Naramdaman kong bumigat ang mga talukap ng mga mata ko hanggang sa hindi ko na ito nakaya at nawalan na ako ng malay.

Nagising ako pero kadiliman ang bumalot sa paningin ko. Naramdaman kong nakatali ang aking mga paa at kamay sa likod ng wheelchair na inu-upo-an ko. Naka-blindfold din ako. Hindi ko alam kung nasaan ba ako. Kung nasa isang kwarto, bodega o ano. Pero natitiyak kong nasa labas ako dahil nararamdaman ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko.

"Sya ba si Lorraine?"

Nakarinig ako ng boses ng isang lalaki kaya nagkunwari ako na nagtu-tulog-tulogan.

"Yep, I'm sure sya si Lorraine Anne Reonico," rinig kong sabi ng isa pang lalaki. Sa tingin ko ay ito 'yung kaninang lalaki, si Danty.

Napamura ako sa isip-isip. Shit! Kidnapping ba 'to? Kung ganun, kailangan kong makatakas dito! Kailangan kong maka-alis dito! Paano na sila mama at papa? Sino magbabantay at mag-aalaga sa'kanila?

"Okay, ipasok na 'yan." this time, babaeng boses naman ang narinig kong nagsalita. Tatlo sila?

Hindi ako gumalaw nang maramdaman kong gumalaw ang wheelchair na kinau-upuan ko. Nakarinig pa ako ng pagbukas ng pintuan at pagpasok sa'akin. Ramdam ko ang dilim ng paligid kahit naka-blindfold lang ako.

"Oy," yinugyog ako ng babae. "Oy, gising," patuuloy pa din akong niyugyog ng babae.

Nagkunwari akong bagong gising at kunwaring napa-panic.

"S-sino kayo? Nasaan ako?"

"Tch. Tumayo ka d'yan!" inis na sigaw ng babae at hindi pinansin ang tanong ko.

Tumayo naman ako at akmang tatakbo na sana nang may humawak sa magkabila kong kamay. Nagpumiglas ako.

"Hay hay, 'wag ka na magtangkang tumakas o sumigaw," nanindig ang mga balahibo ko nang may bumulong sa kaliwa kong tenga.

"N-nasaan ba t-tayo?" bigla kong tanong.

"Prison Hell,"

Napakunot ang nuo ko sa sinabi ng babae. Prison Hell? Anong-

"Masyado ka ng maraming ginawang krimen Lorraine," rinig kong sabi ni Danty "Kailangan mo ng pagbayaran ang mga kasalanan mo," dugtong pa nya.

Marahas nya akong pina-upo ulit sa wheelchair dahilan para mapa-aray ako at mapa-hawak sa bandang p'wetan ko. Hindi pa man ako nakaka-recover sa ginawa nya ay napa-panic ako nang bigla nitong itinulak ang wheelchair dahilan para maramdaman ko ang malakas na gravity pababa. Narinig ko pa silang nagtawanan habang ako ay tuloy-tuloy ang pagsigaw.

Ano ba itong napasukan ko?

--------------------------------

A/N: So ayun, I hope you like this chapter. Hehehe. Feedbacks, positive or negative are both acceptable. Love lots Aliens❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro