Prinsesa
"Ang ganda mo sa gown na 'yan," sabi ni mama sa akin habang nakaharap ako sa salamin, pinagmamasdan ang kabuuan ng aking kasuotan.
Lumingon ako sa direksiyon ni Mama. "Ma, ang ganda nga nito, pero hindi kaya masyado 'tong mahal, Ma?"
Umiling si mama. "Nako anak, wag mo nang problemahin ang binayad ko para marentahan ang gown na 'yan. Basta ang mahalaga, ma-enjoy mo ang prom night ninyo," lumapit sa akin si mama at inayos niya ang pagkakasuklay ng buhok ko.
"Mama naman, kahit simpleng gown lang ayos na ako," humarap muli ako sa salamin, tinitigan kong mabuti ang kasuotan ko na hango pa sa gown ni Cinderella ang pagkakadisenyo. "Pero ang ganda po talaga nitong gown na napili mo, Ma."
"Siyempre naman, kung may glass slippers nga lang akong nakita ro'n, rerentahan ko rin." Pagbibiro pa ni mama.
Sabay kaming tumawa dahil para akong prinsesa ngayong gabi.
Gaya ni Cinderella. Iyon nga lang, hindi ko suot ang glass slippers na mayroon siya. All I have for tonight is a blue sandals na umayon naman sa kulay ng suot kong gown.
Ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili sa salamin. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. Na parang ang ganda ganda ko, na parang ang puti-puti at ang kinis ng balat ko.
I smiled after realizing how much my mother loves me. She really have spent a huge amount of money just to make me feel so special for this night.
Humarap ako kay mama at binigyan siya ng sobrang higpit na yakap. "Salamat, Ma," ani ko.
"Magpakasaya ka, Jenn." She said in a sweet voice. "Hindi ko naranasan ang prom kaya gusto kong maranasan mo ang gabing hindi malilimutan ng iba."
"Opo."
"O sige na, mahaba pa ang gabi para makahanap ka ng lalaking makakasayaw," kiniliti pa ako ni mama sa aking beywang.
"Mama naman." Hindi ko maiwasang tumawa.
Then my mother kissed me on my forehead. "Basta mag-iingat ka ha?"
"Opo, Ma. Mag-iingat ako."
~~~
Nag-ingat naman ako nang gabing iyon.
Masaya nga ang lahat ng estudyante sa eskuwelahan at kahit papaano, naranasan ko naman ang mapangiti sa kilig habang pinapanuod ang mga kaklase kong babae na isinasayaw ng mga lalaking nagugustuhan nila.
Iyon nga lang, halos abutin na ng isang oras at malapit na rin magtapos ang tugtog bago pa may maglakas-loob na lapitan ako at yayaing magsayaw.
Si Stephan. Matangkad, kilalang magaling sa larong basketball at hinahangaan ng karamihan.
Hindi ko alam ang gagawin nang lapitan niya ako at yayaing sumayaw. He made me feel like a damsel in distress... and he's my knight in shining armor.
We both danced along with the sweetest music I have ever heard so far. It feels like I was in a fairytale and this is the ball.
And like every common princesses, the dance wasn't the last of their everything.
It was the start of the nightmare...
Dahil matapos ang gabing hinangad kong maranasan. Doon ko rin natikman ang mapait na reyalidad ng aking katayuan.
Hindi ako prinsesa, at malabong si Stephan ang aking prinsipe.
Umuwi ako ng may ngiti sa labi, pero sa paggising ko ay doon naman ako agad na lumuha.
Pag-check ko kasi ng Facebook account ko ay may nakita akong notification mula sa isang kaibigan na nag-tag sa akin sa isang post na talagang ikinahina ng loob ko.
It was posted in a page that normally contains memes. An internet laughingstock.
At ang litrato ko ay nandoon. Isinasayaw ako ni Stephan, at ang caption ng post ay:
"Meanwhile in the alternate world of Beauty and the Beast..."
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I suddenly feel like I couldn't breathe. Humanap ako ng maaaring kapitan.
Niyakap ko ang unan ko at doon ko ibinuhos ang aking mga luha. Nahihirapan akong huminga. I was starting to feel like I am going to melt and disappear without leaving a trace.
And reading the comments of that particular post had made me feel so miserable...
"Hindi kinaya ng gown ang mukha ni ate."
"When Cinderella became the beast?"
"Kung may pelikula to papanuorin ko."
"In fairness ang guwapo nung guy. Siguro napagtripan lang nilang isayaw si girl?"
Nabitiwan ko ang cellphone ko dahil sa post na iyon. Naging katatawanan ako sa isang iglap.
Napalingon ako sa salamin sa aking tabihan.
Kagabi, pakiramdam ko ay napakaganda ko. Pero ngayon, dahil sa post na aking nakita ay nakaramdam ako na ako na yata ang pinakapanget na babae nabuhay sa mundong ito.
Biglang may kumatok sa pintuan. "Nak?"
Si Mama.
Kaagad kong pinunasan ang luha ko. "Pasok po kayo, Ma."
At pumasok nga si mama, nakangiti ang kaniyang mga mata. "Kamusta?"
Pinilit kong ngumiti. "Maayos naman, Ma."
"May nakasayaw ka?"
"Meron po," agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang litrato namin ni Stephan.
Mabuti na lamang at hindi edited ang litrato naming dalawa. Kahit papaano, hindi kita ang caption sa larawang iyon.
"Ito ma," ipinakita ko kay mama ang litrato. "Si Stephen, isa sa mga guwapong lalaki sa school namin."
My mother takes a look of my photo. Then she smiled. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang saya sa kaniyang mga mata.
"Ang ganda mo rito, nak." Maluha-luhang sambit ni mama bago niya hinagod ang aking likuran. "Sabi ko naman sa iyo e. Isa kang prinsesa."
"Ma naman." Hindi ko na napigilan ang pag-iyak.
Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. "Salamat. Ma," ani ko.
Naramdaman ko ang mainit na yakap ni mama. Sapat na ito para maibsan ang lungkot sa aking puso.
Ang mga masasakit na salitang kanilang binitiwan. Ang mga tuksong kanilang pinagkatuwaan.
Lahat ng iyon ay bumasag sa aking puso gaya ng glass slipper ni Cinderella. Ngunit laking pasasalamat ko kay mama, dahil ang yakap na ibinigay niya...
Ang siyang bumuo ng pagkatao ko sa kabila ng lahat ng mga mapanghusgang mga mata ng lipunan.
Tama nga si mama.
Kahit na anong mangyari ay ako pa rin ang kaniyang nag-iisang prinsesa...
-30-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro