🏀TWENTY🏀TWO🏀 -Shedyle
Chapter 22...
Shed's POV
Mabigat ang mga paang tinatahak ko ang corridor papuntang classroom.
Monday ngayon at hindi ko alam kung paano kong haharapin si Jandrey. Buong araw nung linggo sya lang laman ng isip ko. Hindi ko pa rin alam kong paanong magrereact ngayon sa harap nya.
Dapat bang snob-in ko sya gaya nang dati...
Oh,
Sapakin ko sya dahil sa ginawa nyang panghahalik sa kin, ?
Ayaw akong lubayan ng mga tanong sa isip ko. Alam nya na kaya na babae ako? kaya nya nasabi at nagawa yung ganun ?
Pero kung alam nya na, bakit pinipilit nya at paulit ulit na sinasabi sa sarili nya na hindi sya bakla nung gabing yun.
At kung nagustuhan nya ko bilang Shed na cold, snober at bilang... lalake. Magustuhan nya pa rin kaya ako pagnalaman nyang ako si Shedyle yung mabait at approachable. Yung babaeng una nyang nakita at nakabungguan sa mall?
Dahil sa lalim ng iniisip ko di ko na namalayang nasa harap na ko nang room. Napabuntong hininga pa muna ko bago pumasok.
Nakita ko syang may sinusulat sa notebook nya at nang mapansin nya ang presensya ko ay agad nyang tinago yun sa bag nya.
"Shed!" masayang tawag sa kin ni James muna sa sulok ng classroom. Nawala ang ngiti nya nung makalyyapit sya sakin.
"Bakit hindi ka pumunta? nadisappoint mo tuloy yung birthday boy." napangiwing saad nya.
Imbis na sumagot ay tinabingi ko yung ulo ko para tignan si Jandrey. Gusto kong makita yung reaksyon nya.
Nanlalaki ang mga mata nya. At mababasa ang pagkataranta sa kabuoan nya. Dahil sa ginawa kong yun natuon ang atensyon ni James kay Jandrey.
Gusto kong matawa sa nakikita kong reaksyon sa mukha nya. Pero nang mapansin ko ang pagkagat nya sa ibabang labi nya dahil sa kawalan nang sasabihin ay napunta sa parteng yun nang mukha nya ang buong atensyon ko.
Ang pinkish at mamasa masang labi nya ay pinag-init ang mga pisngi ko. May kung ano sa sistema ko ang nagwawala at nababalisa. Parang biglang nanghina ang dalawang tuhod ko sa di malamang dahilan.
Naikuyom ko ang palad ko kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata ko. Parang nagflashback sa isip ko yung eksena pagdampi nang malambot nyang labi sa labi ko.
"Oh? Shed, Ayos ka lang?" nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang tanong na iyon ni James tinitigan nya ang mukha ko na parang sinusuri iyon "Bakit namumula ka?" tanong nya.
Yumuko ako para maiwas ang mukha ko sa tingin nila. "Mainit." simpleng sagot ko napinilit na di mautal.
Natigil ang lahat at nagsiayos ng upo ng dumating na si Ms. Jen. Tahimik lang akong nakinig sa buong discussion.
Nang matapos ang pang-umagang klase ay agad kung niligpit ang mga gamit ko.
"Can we talk?" tanong ng katabi ko.
Ako ba kausap nya?...
Kunot noo ko syang nilingon. "Ako?" tanong ko pabalik habang nakaturo pa sa sarili ko.
Tumango lang sya bilang sagot sa tanong ko. Naglakad na sya palabas kaya sumunod ako.
"Tsk, ganito ba kaprivate yung sasabihin mo? kapagod ah!" hinihingal na sabi ko. Bukod kasi sa bilis nyang maglakad, eh rooftop pa ang napili nyang lugar kaya todo tuloy ang paghahabol ko ng hininga.
"About dun sa nangyari---" di ko hinayang maituloy nya pa ang sasabihin nya
"Oh? what about it?" takang tanong ko.
"N-Nakakahiya yung nagawa ko ka---" nagsalita ko bigla.
"Sobrang Nakakahiya!" pagdidiin ko. Naikuyom nya ang kamao nya at mariing napapikit.
"S-Sorry." nakayukong sabi nya.
"Sorry lang?" dismayadong tanong ko.
"Bakit ano pang gusto mo? lumuhod pa ko sa harap mo?" asar na sabi nya
tsk, sya na nga 'tong nagsosorry eh
"If that's what you want too," ngumisi ako bago tinuro ang sahig. "Go, kneel down"
"Wala ka talagang puso nuh! Ayoko! binabawi ko na yung sorry ko!" sigaw nya sakin.
"Yor road. Stop acting like a gay!" nagpipigil nang tawang sabi ko.
"Ano?! Hindi ako bakla nuh," protesta nya.
"Then don't act like one," seryoso nang sabi ko. "Do you really like me? O, nasabi mo lang yun dahil lasing ka?" tanong ko.
Nag-iwas sya nang tingin. "Oo, Gusto talaga kita. At walang kinalaman ang alak sa pag-amin ko." Sinserong sabi nya
"You're a gay." I said
"No! I'm not."
"What you are, then?"
"Hindi ako bakla, sadyang gusto lang talaga kita!"
"Tibay din nang mukha mo eh nuh! Nagagawa mong sabihin sakin nang paulit ulit ang salitang yan! Baklang proud!" nakangising sabi ko. To tease him
"H-hoy! grabe ka na ah, hindi nga sabi ako bakla. Eh sa totoo naman talagang Gusto kita. Alangan naman ideny ko pa eh alam mo naman na" nakasimangot na sabi nya.
"Eh, ano gusto mong gawin ngayon? ipagkalandakan sa mundo ang kacornyhan mo!" tiim ang bagang na sigaw ko.
"Kung yun lang paraan para mapasakin ka bakit hindi?" Lakas loob na sagot nya.
"Sira ulo mong bakla ka!" inis na sabi ko.
"Hindi nga sabi ako bakla, Gusto mo lang atang mahalikan eh!" nakangisi na ngayong pang-aasar nya.
"Eh, ano pala tawag mo sa lalakeng nagkakagusto at nanghahalik sa kapwa nya lalake?" Nakangiwing sabi ko.
"Bakit lalake ka nga ba?" tanong nya kaya nanlaki ang mga mata ko habang napapalunok na nakatingin sa kanya.
"Tsk! A-Ano bang pinagsasabi mo!" nagkandautal utal na sabi ko sa kanya.
"Ah! basta hindi ako bakla, Silahis lang siguro?" nalilitong sabi nya.
"Ganun din yun bakla ka pa din!" nakangising sabi ko.
"Unti na lang talaga mahahalikan na kita!" bulyaw nya sakin.
Nanlaki ang mata ko nang humakbang sya palapit sakin. "Sapak gusto mo?" pagbabanta ko.
"Halik mo lang sapat na," mas ngumising sabi nya.
"Abat!--" natigil ang akmang pagpoprotesta ko nang.....
.
.
.
.
.
.
HUMAGALPAK sya nang tawa "HAHAHAHAHAHAHAAHAH" walang sing sayang tawa nya.
"Stop blushing Dude, lalo lang ako nahuhulog pagganyang naapektuhan ka sa mga THE MOVES ko." pang-aasar nya.
"You're nothing for me so, back off!" Asar na talagang sigaw ko sa kanya. Nakita ko pa muna ang paglaglag ng panga nya bago ako tumalikod at nagwalk out.
Sira ulong yun! Hina-high blood nya talaga ko.
"Shed!" Sigaw na pagtawag ng pamilyar na tinig sa pangalan ko.
Kakapasok ko palang sa entrance ng Cafeteria. Nakangiti nya kong sinalubong. "Sabay na tayong umorder." alok ni Fury sakin.
Hindi pa man ako nakakasagot, hinila nya na ko papuntang counter.
"Saan ka ba galing? Dumaan ako sa room nyo pero wala ka na." nakangusong tanong nya.
She's always like that. Nakokonsensya na tuloy ako.
"Hindi mo naman ako kailangan daanan sa room o kaya sabayan sa pagkain. you don't have to do this." nag-aalangang sabi ko.
"Pero gusto kong gawin 'to" nakangiting sabi nya. Habang tinatanggap yung tray na may lamang order namin.
"Tsk," tanging naging tugon ko bago bumuntong hininga.
Gaya nung mga nakaraan araw dumadaldal sya habang ako tahimik na naglalunch.
"Bukas ulit," nakangiting sabi nya. Magkaiba kasi ang daan ng sunod na klase ko sa klase nya kaya nagpapaalam na sya.
"Kahit wag na," pilit ang ngiting sabi ko.
"Babye." pamamaalam nya na lang.
Tumango na lang ako bago tumalikod. Napapabuntong hininga ako habang naglalakad.
Sa sobrang lalim nang iniisip ko ay may nabunggo ako.
"Careful, bro." malalim ang boses na sabi nung lalaking nakasalamin na nasa harapan ko.
"Geh, Next time." kaswal na sabi ko.
"What?" naguguluhang tanong nya.
tsk, malabo na nga mata nya, pati ba naman pandinig may deperinsya rin. Kawaawa!
"Geh, Next time?" patanong nang saad ko
"Hindi ka man lang ba magsosorry.?" di makapaniwalang tanong nya. "At para saan yung next time?" iritableng usal nya.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Next time I'll be careful," Walang ganang sabi ko.
"Weirdo," saad nya at na pinakatitigan ako nang mabuti bago ako nilagpasan.
Mas weird kaya sya. Sino kaya yun, di sya nakauniform at napansin ko rin ang gate pass na suot nya kaya alam kong out sider ang isang iyon.
"Bakit ang tagal mo? Tsk, enjoy na enjoy ka masyado na kasama yung nerd na yun ah!" pasimpleng bulong sa kin ni jandrey nang makaupo ako.
"Paki mo?" walang emosyong tanong ko.
"Wala, sabi ko nga wala kong paki tsk!" napasimangot na sabi nya.
pacute ang bakla!
Tumahimik na ang lahat nang dumating na si Ms. Vena, Ang unang instructor namin para sa panghapong klase.
Napunta ang atensyon nang lahat sa pinto nang may kumatok mula dun.
Kinausap saglit ni Miss, yung kumatok bago iyon nagkaroon nang pirmisong pumasok.
" I, on behalf of the students council, announcing that the Interhigh School Regional, will happen two weeks from now." pag anunsyo ni Jixcel sa harap.
Parang bumilis ang daloy nang dugo ko dahil sa narinig. Kakaibang excitement ang naramdaman ko.
★★★★★★★★★★
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro