Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🏀TWENTY EIGHT🏀

Jandrey's POV

INIWAS nya ang tingin nya sakin. At patuloy lang sa pag titig sa daang yun. Yung daang tinahak nila Keniv.

Ano bang meron dun?

Nagtataka akong nagpabalik-balik ang tingin sa kanya at sa daang yun.

"Dyle," tawag ko sa atensyon nya at parang dun pa lang sya natauhan. Naitikom ko ang labi ko ng tumititig sya sa mga mata ko.

Her eyes.

Nanginginig ang mga labi nyang pinilit ngumiti habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Pero agad din bumalik ang tingin nya sa daan at ilang segundo pa lang ang lumipas, muli syang tumingin sakin napaawang ang mga labi nya parang may gustong sabihin pero napatikom ng may pumatak na luha sa mga mata nya. Muli syang tumingin sa daan at napahawak sya sa dibdib nya na nahihirapang huminga. Muli syang napahawak sa tuhod nya naghahanap ng suporta. Wari ko'y nang hihina ang mga tuhod nyang yun dahil sa emosyon nangingibabaw sa dibdib nya.

"Huh, " naibulaslas nya sa pagitan ng mabibigat na pag hinga hindi sya makapaniwala sa kung anong mga ideya ang pumapasok sa isip nya naghahalo halo na ang emosyon sa mukha nya.

"H-he's doing it again," sobrang hina nang boses na bigkas nya habang patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata.

"W-who's HE?" Kunot ang noong tanong ko na naguguluhan, nilibot ko pa ang paningin ko pero walang akong nakita.

Pero parang hindi nya ko narinig tumawa sya ng sarkastiko pero nanginginig pa rin ang mga labi dahil sa pag pipigil ng hikbi
"Ang hirap, nakakabobo syang intindihin " ani nito habang patuloy pa rin ang pagluha. Pinahid nya ang likod ng palad nya sa mga pisngi nya pero patuloy pa din ang pag agos ng luha dun. "Tanga ko para maniwala, Hindi pa rin talaga sya nag babago, " nagulat ako sa sinabi nyang yun. Dahil kahit hindi ko gusto, naisip ko si Fury ganito kaya yung naramdaman nya nung paulit ulit syang sinaktan ni Keniv?

Oh, shit.

"He loves fooling me. " hindi na napigilang humikbing sabi nya. "Fuck!" At sa pag kakataong yun parang nang hina yung tuhod nya wala sa sariling napaupo sya sahig habang patuloy na humihikbi.

"D-dyle, " nabibiglang sabi ko at dali daling lumuhod para alalayan syang tumayo pero nabigo ako, tinabig nya ang kamay ko bago yumuko sa mga tuhod nya.

Napatayo ako at hindi na malaman ang gagawin,

bakit sya nagkakaganito?

Parang bumigat yung pakiramdam ko ng lumakas ang hikbi nya habang nakayuko pa din sa mga tuhod nya. Napapatingin na samin ang mga taong dumadaan pero parang nawalan ako ng pakielam.

D-Dyle,

Mula sa likod nya kitang kita ko ang pagtaas baba ng balikat nya,  at rinig na rinig ko ang hikbing nagpapabigat ngayon sa dibdib ko.

Fuck, parang gusto ko manuntok!

Naguguluhan man. Muli akong luhod ngunit hindi para hagurin ang likod nya pero para buhatin sya. Napasinghap pa sya ng hangin dahil sa ginawa ko pero nung humakbang na ko napayakap sya sa batok ko at dun siniksik nya ang mukha nya at muling pinagpatuloy ang pag iyak. Fuck!

Isinakay ko sya kotse ko. Sa shotgun seat at dun ko sya hinayaan umiyak. I closed the door at sinandal ang sarili ko sa kotse.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa pagkakataong 'to. Parang gusto ko syang ilayo sa kung sino mang taong dahilan ng pag-iyak nya. Nasasaktan ako para sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko sa bawat pag hikbi nya.

Fuck! This girl don't deserve this.

Naikuyom ko ang kamao ko. Nagagalit ako sa hindi malamang dahilan.

Shed's POV

"Eat this," napasimangot ako nang makita ang laman ng plato. I'm with Keniv nasa sala kami ngayon at nananghalian. Wala si kuya Sev at parents ko dahil nasa business as always.

May carrots.

"I can't. I'm sure you know I can't." Iritableng sabi ko, kahit pa kunti lang ang carrots nun hindi ko gusto, feeling ko kasi humahalo ang lasa nun dun. I hate carrots..

Natawa sya sa inasal ko kaya kinuha nya ang kubyertos at nilagyan yun ng kain at karne. "Hindi mo naman malalasahan ang carrots eh, if yung karne lang yung kakainin mo,  try mo dali!" Pangungulit nya habang nakaabang yung kutsara at tapat ng bibig ko. "Sabi mo diba you owe me?" Then he used his magic words again, ilang araw nya na yang pinapanakot sakin.

I owe him , when I plead him keep my secret.

Haist, wala sa sarili ko na lang sinubo ang bigay nyang yun. I just can't let any one tell dad about this. Not now.

Tama nga sya. Masarap naman pala.

Kinuha ko yung kutsara sa kamay nya at muling sumubo. Hindi ko na pinansin yung titig nya sakin habang kumakain.

Bigla akong napatingin sa kanya at nagbago ang ekspresyon sa mga mata ko. Uminom ako ng tubig at tumayo, binalak tahakin ang daan papunta sa kwarto ko kahit hindi pa ko tapos kumain.

Fuck! Dyle! Anong ginagawa mo.

Bago pa man ako makatayo ay hinatak nya ang braso ko kaya muli akong napaupo. "Anong problema? Hindi ba masarap? Mag luluto na lang ulit ako." Kinakabahan at alalang sabi nya nakatayo na sya sa gilid ko.

Ang problema ko, eh yung pakiramdam na nahuhulog na naman ako sayo.

Tinabig ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko at matapang na nakipag titigan sa kanya. "Bakit ka pa kasi bumalik?" Wala sa sariling naiusal ko habang nakatingala at nakatitig pa rin sa mga mata nyang biglang nabalot ng lungkot. "Tang'na kasi, okay na ko eh. Tapos ito ka na naman bumabalik, bakit?" I ask in pain. Para syang naistatwa at hindi makapagsalita.

Natatakot akong masanay na naman sa presensya nya at muling masaktan ng dahil sa kanya.

Tumayo ako at mabilis na tumalikod sa kanya, ayokong makita nyang naaapektuhan pa rin ako sa kanya. Nag umpisa akong maglakad.

Narinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko kaya't binilisan ko ang paglalakad sa hagdan. Hanggang sa marating ko ang kwarto ko.

Napabuntong hininga ako habang nagdadrive at sinusundan ang kotse nya.

Fuck it! bakit ko ba 'to ginagawa?

Ang daming tanong na nabuo sa isip ko pero huli na para umatras at tigilan pa ang pagsunod sa kanya.

Ang sabi nya makikipagkita sya sa isang kaibigan. Simula kasi nung bumalik sya lagi na nya kong inaupdate sa mga ginagawa nya at kung saan sya pupunta kahit pa pinapakita ko sa kanya na wala kong interes, na wala na kong pakielam sa kanya.

Sinundan ko sya ng tingin habang nakapamulsang naglalakad papasok sa isang kilalang bar.

Natatakot ako sa kung anong pwede kong makita sa loob.

Kaya ilang oras pa kong tumunganga sa loob ng kotse ko. Pinag-iisipan kung uuwi na ba ko o papasok sa loob. Fuck it!

Napakunot ang noo ko nang makita kong aligagang pumasok sa bar si Fury. Wala sa sarili ko syang sinundan. May kung anong nagtutulak sakin para gawin 'to.

Marahil dahil, taliwas 'to sa pagkakakilala ko sa kanya. Never kong naisip na mapapadpad sya sa isang bar na may revealing na kasuotan.

Napahinto ako sa pinto ng isang VIP room na pinasukan ni Fury. Nakaawang ang pinto kaya bahagya akong sumilip.

"Keniv, babe. Gosh! Why did you drink this much?" Alalang tanong nya. Kitang kita ko sa Keniv nakaupo sa isang sofa at ..... Hawak hawak ni Fury ang mukha nito. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.

Para akong nabingi ng ilang minuto sa narinig. Napakagat ako sa labi ko. At halos mamanhid ang ibabang labi ko sa sumunod kong narinig.

"Babe," tawag ni Keniv sa kanya.

Para akong nawala sa sarili ko. Napasandal ako sa dingding at napasalpak sa sahig.

Hindi nila ako napansin nung akay-akay nilang nilabas si Keniv. He's to drunk that he can't even walk by himself. Nakatitig lang ako sa tinatahak nilang daan.

Hindi ko na alam yung dapat kong maramdaman.

Nung mawala sila sa paningin ko. Tumakbo ako kahit nagkadulaslas na ko kakatakbo. Pero hindi ko na sila naabutan.

Hinihingal kong tinanaw yung daang tinahak nila.

This pain again.

Parang nawala ako sa sarili ko at namalayan ko na lang na nasa kotse na ko ni Jandrey.

I can't even complete a sentence because of this fucking tears.

I open the door of his car. Mabilis naman nun nakuha ang atensyon nya umayos sya ng tayo at alalang tumingin sakin.

My tears starts to fall again fuck it!

"D-drey, si Keniv. Si Keniv 'drey, kailangan ko syang makausap. Please, si Keniv sundan natin sya." Nagmamakaawa nang sabi ko, I can't do anything but to cry. Kunot noo nya kong tinignan  na parang naguguluhan sya.  "Parang awa mo na 'drey sundan natin sila ni Fury." Halos mawalan na nang hiningang sabi ko. Pagkarinig nya nun ay bahagya syang nalinawan sa gusto kong mangyare.

"Fuck, I'm clueless but why I can't ask you further questions." Dinig kong bulong nya, na bumuntong hininga muna chaka patakbong pumunta sa driver's seat.

***********

(: Your Votes and Comments are Highly APPRECIATED :)

Hi long time no update 😂
Jandrey deserves explaination! Charot. HAHAHAHAHAHAHA

HAVE A NICE DAY,

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro