🏀Thirty Six🏀
Shed's POV
"Are you okay?" Makailang ulit na tanong sakin ni Sev. Nakakunot ang noo nito at taimtim na nakatigtig sa mga mata ko.
Napabunting hininga na lamang ako. Am I okay?
"Maybe?" tanging naisambit ko matapos humanap ng sapat na lakas upang makapagsalita. I am now laying in my bed. May mga nagcheck up na din sakin at naglapat ng sapat na medisina sa katawan ko. Pahilom na ang sugat sa ulo ko pero yung kirot ay nanatili pa din.
It's Almost Five weeks since the bomb accident happen.
Ang mga galos sa katawan ko ay unti unti na namang kumikirot. Nang maalala ng isip ko ang bawat detalye ng pangyayareng yun.
Hindi ko na matago ang pag-iinda sa mga sugat na natamo ko. "I want to see him, Sev." Naging mahina ang boses ko nang sambitin ang katagang yun.
Pag sambit ko ng mga salitang yun ay sumilay ang pag aaalala, pagtataka at lungkot sa mga mata nya.
"Hindi ka pa lubos na magaling, Pwede bang isipin mo muna ang sarili bago ang iba?" malumanay na sabi nito habang nakakunot ang noo.
"Hindi ko alam kung kaya kung maging okay nang hindi ko nasisiguradong Okay lang sya." Halos mamaos na sabi ko dahil sa sobrang pag pipigil ng emosyon. Pilit akong tumayo. Ngunit agad nya rin akong napigilan sa pagtangkang pagtayo.
" Shed.." agad na sabi nito na parang walang tumatak sa isip nya sa mga sinabi ko.
"He was more than okay now, sinalo mo ata lahat ng tumalsik na bato kaya't ikaw lang mas napuruhan sa lahat. " birong sabi nito na tila pinapagaan ang atmosphere ng paligid
Agad na nabalot ng tanong ang isip ko. Totoo nga kayang okay na sya?
"Pano ako makakasigurado? pano kung sinasabi mo lang yan para hindi na ko mag isip pa?" sabi ko na pilit na pinagdiinan ang gusto kong mangyare.
Bumuntong hininga sya bago nagsalita.
"How should I know? Well, pumunta sya dito nung isang araw." parang pinagsakluban ako ng langit ang lupa ng marinig ang sabi nyang yun. Maya maya pa'y dahan dahan kong inabot ang kamay ni Sev sa Side ng kama. Dahilan para mapunta sakin ang atensyon nya.
"Sev please, Kahit isang beses lang, Kahit limang minuto ko syang makita. I'm begging you help me.." puno ng emosyong sabi ko habang hawak hawak ang kamay nya.
Nag aalangan man, pilit ang ngiting tumango ito at ilang minuto pa'y nilisan nya na ang silid na kinaruruonan ko.
Kahit nang hihina ay pilit ko pa ding inabot ang Cellphone ko na nasa side table. Para sana tawagan si Drey.
Pero habang nag tatype ng mag number ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Fuck!
Nagtama ang tingin pero agad din akong nag baba ng tingin.
"Mabuti at okay ka na?" Walang bahid na kahit na anong emosyong turan nito. He was wearing a white plain shirt and slacks. Mukhang kakauwi nya lang. Hindi pa sya Ganap na nakakapag bihis.
Muli ko syang tinignan,
"D-dad?" may halong takot na sabi ko nang makita ang kabuuan ng mukha nya.
"Gano katagal mo nang sinisira ang apelyedo ko?" He laugh sarcastically. pero agad ding naging seryoso ang mukha nito.
Kaya't natitiligilan lang akong napatitig sa kanya. Napadiin ang pag hawak ko sa Cellphone ko.
"Ano? masaya ka na ba? You already did what you've always wanted." Basag ang boses at dahan dahan na wika nya. Yung kaba at takot ay unti unting umusbong sa dibdib ko.
"You've always making me disappointed Dyle" . Mabagal ang pagkakabigkas nya ng bawat salita at mababakas ang lungkot sa bawat pantig ng mga sinasabi nya kaya't Natigilan ako bigla.
Naging mahirap sakin na tanggapin sa isip ko yung mga sinasabi nya.
Yung nang hihina kong katawan parang mas lalong nanghina pa, yung kunting lakas na natitira sa katawan ko. Unti-unting nawala. Naglaho. Agad nag unahan sa pagtapak ang luha sa mga mata ko. Yung sakit ng katawan ko doble pa nun yung nararamdaman kong sakit ngayon sa loob loob ko.
"S-sorr---" hindi ko na gawang tapusin yung gusto kong sabihin. Nang ibato nya yung Cellphone hawak nya. Malayo sa kinaroroonan ko.
"Fuck! I don't need your sorry. Alam mo ba kung gaano kami, Ako, nag alala sau? ...Nung mga oras na halos mawalan ka na nang hininga? Ilang beses pumasok sa isip ko na ...kahit gano kadami ang pera ko, hindi nun mababalik ang buhay mo... Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyare sayong masama, Anak" Nang unahan pumatak ang luha sa mga mata nya kaya maski ako ay hindi na napigilan ang emosyon.
"Hindi ko alam kung bakit ganyan na lang ang pagkahumaling mo sa basketball. I just wanted you to be safe .... my princess." nangingilid pa din ang luhang sabi nito bago dahan dahang pinakalma ang sarili at lumapit sakin. They already knew.
"Sobrang natakot ako, Sobrang nag alala ako." nag susumbong na sabi nya pa sakin. Hinawakan nya ang mga kamay ko. It's hurt seeing my Dad crying out loud. And begging to me.
Lumuhod sa gilid ng kama habang hawak ang mga kamay ko.
"Pls. Dyle, parang-awa mo na ayokong mawala ka. Itigil mo na kung ano man ang nasimulan mo .... Just be my princess" nagsusumamo na sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang rason bakit ganito na lamang sila mag bawal sakin sa paglalaru ng basketball.
Pero kahit gaano ko kagusto malaman ang dahilan nya. Nanatili na lamang akong tahimik na umiiyak. At pinilit na bumangon para yakapin sya.
I silently nodded. I have no strenght to against with him. I am just not used to see this weak side of him.
"..i love you, Dad." I whisper. I felt his sob to my shoulder. He hug me tighter.
Kinagabahan, Ay nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na makapag-isip ng malalim. Ako na lamang ang nasa kwarto.
Ang pag aalala, pangangamba maski takot ay halo halo kong nararamdaman ngayon. Hindi ko malaman ang gagawin. Gustong-gusto ko syang makita pero wala na kong lakas ng loob para suwayin ang mga magulang ko. I bite my lower lip.
Maalala ko pa lang kung gaanong kalakas ang hikbi ni Dad kanina. Nang hihina na ko. Sobra kong makasarili.
Muli kong kinuha ang Cellphone ko sa side table. Ilang tawag at messages ang natanggap nun mula sa teammates ko at coach.
Pero ang tanging nakakuha lang ng atensyon ko ay ang messages ni Jandrey.
Paulit-ulit kong tinype ang number ni Jandrey para i-dial. Pero paulit ulit ko din tong binubura. Hanggang sa mahigpit kong hinawakan ang ang cp ko.
I guest, this is the end of my fantasies. Sorry 'drey, I have no strenght to continue the game that we've been planing to start.
------->
Revised: 01/22/22
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro