Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🏀Thirty One🏀


Jandrey's POV

ALANGAN kong binuksan ang sports bag ko. Kinuha ang baon kong tubig, nasa school bus ako ngayon kasama ang team ko. Ilang araw na rin magmula nung gabing yun at ngayon ay papunta na kaming Sports complex para sa opening ng Interhigh School League Competition.

Napalagok ako ng tubig at pasimpleng nilingon ang katabi ko. Shed was silently observing every view na nadadaanan ng bus, nakaearphone sya na animo'y napakalalim ng iniisip. May kalayuan kasi ang byahe. Muli ko na namang naalala yung nang yari nung gabing yun, Eh ano kung babae nga sya? Dapat ba kong magalit? ..  Parang gusto kong masagot ang tanong na yun pero hindi ko alam kung paano. Napalalim ata ang pag iisip ko at napatagal ang pag titig sa kanya kaya't  halos mabilaukan ako ng makita kong lingunin ako nito.

"Tsk." Dinig kong usal nya kasabay ng saglitang pag lingon sakin. "Hindi magandang tignan na tinititigan mo ang taong may kasarian tulad ng iyo, pwera na lang kung aamin ka na, " nasa tono nito ang pang aasar pero hindi ko magawang maasar marahil, sanay na ko sa ganitong pakikitungo nya. At bukod pa dun hindi naman sya lalaki.

"Umamin na ko ah, " pag kunwa'y sagot ko habang napapasimangot na nag-iiwas ng tingin. "Kaya nga may lakas na loob na kong titigan ka. " Nakita kong tila kumunot ang noo nito at tinitigan ako, inaalam ang tunay na ibig kong sabihin.

"Ano ba payag ka na?" Masayang tanong ko sa tonong pangungulit nagtataas baba pa ang kilay ko.

"Payag? Saan?" Nakita ko pagkalito sa makinis na mukha nito.

"Na maging akin ka. " nag-iwas ako ng tingin , hindi ko na ninais pang makita ang reaksyon nya. Nahihiya ako.

Maya maya pa'y mahinang siniko ko sya upang makuha ang atensyon nya.

"Oh!." Galit ang tonong tugon nya. Napasimangot naman ako ng makitang matapang nyang nilabanan ang tingin ko.

"Ano, kasi ipapaabot ko lang sana yung ballpen kong nahulog..." Alanganing pakiusap ko tumitigtig sya sakin kaya wala ako sa sariling napangiti. Kahit wala naman talaga akong ballpen hahaha

"Alin?" Agad na tanong nito at nagpalinga linga na sa ibabang parte ng kinauupuan nya.

"Yung ballpen." Nakasimangot na sabi ko. "Nahulog kasi, .... Ako sayo" pigil ang ngiting dugtong ko na nakapagpatigil sa kanya sa pag silip sa ilalim. Nakita ko yung bahagya nyang pagkagat sa ibabang labi nya. Nang makabawi ay agad ako nitong kinunotan ng noo.

"Saan ba! Sagot agad!" Naiinip na sabi nito sa tonong pasigaw ngunit hindi gaanong kalakasan, ang bus ay napupuno ng musika kaya hindi nya nakuha ang atensyon ng ilang teammates kong malapit samin. At pinagpapasalamat ko yun.

"Sagot? Ano sige na nga, Oo na sinasagot na kita. " hindi na napigilang ngumising sabi ko.

Halos malaglag ang puso ko sa pagkabigla nang bigla nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko na animo'y naiinis.

Kumabong ng pagkalakas lakas yung puso ko nang bumababa ang tingin nya sa labi ko. Fucked.

Napuno ng mapang asar na aura ang kabuoan nya nung lumayo at batukan ako nito. Double fucked!

Napahawak ako sa batok, ang sakit naman!

"Tinamad na ko, ikaw na humanap ng ballpen mo!" Sabi lang nito bago umayos ng upo at muling pumikit.

Napalingon ako sa paligid, mabuti na lang at busy rin ang mga kasama ko sa kanikanilang trip. Bigla ay kumawala ang ngiti sa labi ko at hindi na nawala pa hanggang sa makarating kami sa Sports complex.

Malawak ang lugar at hindi ko alam kung paano ko itutuon ang atensyon ko sa paligid gayong, nasa tabi ko ngayon si Shed. At pasimpleng kinikilig. Hahahaha

Dumaungdong ang sigaw, hiyaw at tunog ng ibat ibang uri ng pompoms nang makapasok kami sa entrance for the athletes.

Gaya ng sabi ko kanina malawak iyon, may tatlong palapag para sa mga audience. Limang uri nang kulay ang mga audience nagsisimbolo kung anong school ang sinusuportahan nila, o kung anong school ang kinabibilangan nila. Blue, Black, Green, White and Red ang mga kulay na lumalamon sa buong lugar. Blue ang syang kinabibilangan namin na syang nangunguna sa bilang ng crowd.

"Kinakabahan ata ako," malakas ang ingay ng paligid pero ang bulong nyang yun ang nangibabaw sa aking pandinig kaya't nagbaba ako ng tingin sa kanya bago ngumiti ng pagkalawak lawak.

"Nuh, kaba normal lang yan... Alam mo ba yung hindi normal?" Kaswal na sabi ko na kinakunot ng noo nya.

"Ano naman?" Seryosong tanong nito. Maigi ko syang tinitigan.

"Iyong kabang dulot ko .... " ngumiti ako ng labas ang ngipin bago muling nagsalita "... Sayo" gusto kong matawa ng makita ko syang mapairap. "..dugdug..dugdug.." Natatawang paglilikha ko sa tunog na iyon.

"Kalokohan." Agad na tugon nito. Muli kong nailibot ang paningin ko sa paligid. Hindi lang audience ang kompleto kundi pati ang mga players hindi lang ng basketball kundi ng iba't iba pang sports.

Dun pa lang rumirehistro sa isip ko yung mga nangyayari.

Muli ay naagaw ni Shed ang atensyon ko nang magsalita sya. "Parang familiar sya." Napasimangot ako nang makitang taimtim nyang tinitigan ang lalaking hindi ko naman mamukhaan.

"Naku! Hindi mo yan kilala, tigilan mo na ang katitig dyan!" Kunot ang noong sabi ko nababakas sa tono ang pagkairita. Pero ni hindi man lang sya natinag at pilit pa ding hinahabol ng tingin ang lalaking yun kaya't naiinis kong hinawakan ang balikat nya upang iharap sya sakin. Napasinghap sya at masamang tingin ang pinukol sakin.

"Yan! Sakin ka tumitig, para nang sa ganun ay matuwa ako sayo." Ngiting ngiting sabi ko

"Sino bang nagsabing gusto kong matuwa ka sakin?" Tiim ang bagang na sabi nya. Galit na naman to,

Napakamot ako sa pisngi ko dahil sa inis nang muling syang lumingon para tignan ang lalaking yun.

"Ano ba! Mas gwapo naman ako dun bat hindi na lang ako ang titigan mo," naiiritang bulyaw ko sa kanya muli ko syang iniharap sakin.

"Alam mo," pabitin na sabi nito at biglang pinitik ang noo ko.

"Aray ko naman, sakit ah!" Nakabusangot na angal ko sa kanya. Habang hinihimas ang noo ko.

"Nanggigil na ko sayo kanina ka pa." Ubos ang pasensyang sabi nya.

Babatukan pa sana nya ako nang maagaw ng ingay ng drum and lyre ang atensyon namin,  hudyat iyon nang pagsisimula ng seremonyas.

Sinakop ng Drum and lyre ang espasyo sa gitna at lumikha ng musikang napakagandang pakinggan.

Muli ay nalingon ako kay Shed na namamanghang na nanonood sa paligid.

:)Hey! Thank you sa support sa story ko .... Kahit medyo magulo, at may katagalan ang update, (:

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro