🏀Thirty Five🏀
Shed's Pov
Napasimangot ako nang makitang ang haba ng pila kakatapos lang ng isang game at nasa isang Cafeteria ako na batid kong sakop ng Sport Complex. Malawak naman yun at kaya lang masyadong madami lang talagang students. Hanggang ngayon hindi pa din ako pinapansin ni Jandrey and guest what? Naiwan na naman ako ng team kaya mag-isa akong kakain ngayon.
Napakunoot ang noo ko nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na pigura. Humakbang ako palapit sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa harap nya, she's wearing blue shirt na may print na logo ng school at black pants. "Fury." Ngumiti ako nang magtama ang paningin namin.
"S-Shed." Halos lumabas ang mata nya sa gulat ng sabihin nya yun. Pero agad din ngumiti, nagkwentuhan kami matapos kong makaorder ng meal ko.
Sa dami nyang nakwento hindi ko alam kung paanong napunta ang pagsasalaysay nya sa bagay na gusto ko talagang itanong sa kanya kanina pa pero wala akong lakas ng loob.
"Alam mo na banggit ko na sa iyo ito noon, hindi mo lang siguro naaalala. Yung sinabi ko sayo dati yung guy -- mahal ko? Nandito na ulit sya nagkita kami, pero nalaman kong I'm just his passed time kaya nya ko pinatulan nung nasa states kami. Sobrang sakit, sakit nuh? Alam mo awang-awa ako sa sarili ko ngayon, nalaman na nang parents ko kaya they end up deciding na bumalik sa U.S. dun na ko mag -aaral sa U.S, nung una lumapit ako sa kanya, wala tanga ako eh akala ko gagawa sya ng paraan para hindi yun mangyare kasi concern sya sakin kasi mahal nya rin talaga ko at napipilitan lang sya sa arranged marriage na yun... Pero nagkamali ako, " unting unting pumatak yung luha sa mga mata nya, naaawa ako para sa kanya pero wala akong masabi hindi ako makapulot ng tamang salita para sabihin sa kanya para gumaan ang loob nya.
"pero don't worry, Hmm makakapag-adjust naman ako agad dun. Malaking adjustment pero tingin ko kakayanin ko naman." Pinunasan nya ang mga luha bago maliit ang ngiting tumingin sakin.
"I'm sorry..." Malungkot na sabi ko. "May I know who's the guy?" Malumanay na tanong ko.
"He's name was .... Keniv" mapait ang ngiting sabi nya,
Matapos nun hindi na ko nakaimik pa, iniba nya pa ang kwento pero hindi na ko nakinig pa, masyadong lumutang ang isip ko tungkol sa mga bagay na nalaman ko ngayon lang.
Nang matapos kaming kumain sabay kaming pumunta sa Court, may nadaanan pa kaming laro ng table tenniss, badminton at volleyball, hati-hati sila sa isang malawak na field. Ang alam ko may swimming competition din nagaganap ngayon sa taas ng sports complex kung nasaan ang malawak na pool.
Halos matumba ako ng may bumunggo sakin buti na lang may mga brasong sumalo sa katawan ko.
"Drey," halos mapangiting sabi ko pero agad nya akong tinutungan tumayo ng maayoas at iniwan sa parte na yun ng court. Bagsak ang balikat na sinundan ko lang sya ng tingin.
"Ops." Dinig kong bigkas ng nakabunggo sakin sa mapang asar na tono.
"Tsk." Singhal ko sa kanya matapos taasan ng kilay.
"Ang sungit ah. Anyway I'm Dyke," nakangiting pagpapakilala nito sakin inilahad nya ang kamay. He's wearing a Red jersy na syang naghuhumiyaw nang kinabibilangan nitong school, Stan University.
"Who cares." Masungit lang na sabi ko sabay na tinalikuran sya.
Pagkalapit ko sa team ay agad akong inakbayan ni Jixcel na babaliwalain ko naman sana not until makita kong seryoso ang mga mata ni jandrey na nakatitig dun kaya agad ko itong siniko na kinatawa ni Jixcel.
Nag discuss na si Couch sa magiging plano sa laro. Seryosong nakikinig ang lahat nang biglang mautot si Kascer,
"Fuck." Daing ko, dahil sa baho ng amoy nun.
"Puta pamatay, pre." Reklamo ni Winver na nakatakip pa sa ilong maging ako ay nakatakip na din.
"Ilang araw ka nang hindi natae 'dre? Apakabaho tang'na mo!" Hindi malaman kung seryosong tanong ni James
"Parang bombang sumabog! Puta ang baho talaga!" Gatong ni Jixcel,
"Fuck you mga 'dre" nakamiddle finger ang mga kamay nito na pilit pinakikita sakin.
Napatingin ako sa gawi ni Jandrey na panay ang pagtawa, bigla ay napangiti ako habang pinagmamasdan yun.
Nang magumpisa ang laro ay mas lalong naging mailap sakin si Jandrey hindi ko na nakita pang nilingon ako kahit pa nasa five ako.
In the middle of the first quarter humigpit ang laban. No. 6 is in front of me making his defense, sya yung nagpakilalang Dyke.
"Uy, uy," nadidinig kong singhal nya tuwing susubukin kong makawala sa depensa nya. Ang ingay nya.
Napasimangot ako, "wag mo na tangkaing kumawala pa sa depensa ko napanood ko ang last game nyo alam ko na butas sa depensa mo." Nagyayabang na sabi nito. Marahil ay isa iyon sa stratehiya nya para malihis ang isip ko, isang beses na panonood makukuha na agad ang kung anong mali sa depensa ko? Hindi ako naniniwala.
Pero mukhang seryoso ito sa sinabi dahil talagang lahat ng gawin ko ay nabablock nya.
Nasa ilalim kami ng Ring kaya't nung namali ang tira ni James. Ay nag umpisa na kaming magsitalunan nag uunahan na makuha ang bola for a rebound.
Nang akmang maaabot ko na ang bola ay may kamay na nakuha nun. Parang nakuha rin nun ang lakas ko at nawalan ng balanse sa ere.
Napapikit ako nang lumapat sa sakin ang braso ng nagtangkang sumalo sakin.
"Ahh." Singhal nito bago lumapat ang labi nito sakin na agad nagpamulat sa mga mata ko sa gulat.
Agad kong naramdaman ang dibdib nyang dumidiin sa dibdib ko, init ng hininga nya sa gilid ng ilong ko at lambot ng labi nya sa labi ko.
Hindi ako nakagalaw lalo't napagtanto kong si Jandrey yun. At halos mawalan ako ng hininga ng unti-unti itong gumalaw sa ibabaw ko.
Mas dinidiin nya ang katawan sakin, mas pinalalim ang halik na namamagitan samin.
At halos mabaliw ako dahil dun sa sobrang kabaliwan ay nagawa ko pang ipatong ang mga braso ko sa batok nya para mas manamnam ko halik na yun.
Sya ang pumutol sa halik na yun, hinihingal nyang pinagtapat ang mga mukha namin, "aaminin mo na kay Coach at sa team ang totoo, pagtapos ng interhigh..." Tinulungan nya akong tumayo naging mahirap para sakin yun dahil nanghina ang tuhod ko dahil sa tindi ng kabog ng dibdib ko.
Ngumiti ito hanggang mata nang makaayos ng tayo. "...liligawan kita." Hindi ko na napigilang ngumiti bago sunod sunod na tumango.
Nang init ang pisngi ko ng makitang lahat ng atensyon ay nasa amin pala. At ang anouncer sinasabi nya ang bawat detalye kanina.
Mapanuksong mga tingin at mapanghusgang mga camera ang nakatutok samin.
Pero bago pa man kami makagawa ng hakbang upang ipagpatuloy ang laro.
Nakakabinging pagsabog ang bumalot sa paligid. Namalayan ko na lang na nakahiga na kong muli sa malamig na sahig.
Namamanhid ang buo kong katawan, habang patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa ulo. Samu't saring pagdaing at mga yabag ang aking narinig sa paligid.
Bago pa ko tuluyang mawalan ng malay hinagilap ng mga mata ko si Jandrey. Nakita ko sya sa hindi kalayuan walang malay at duguan. Dumaloy ang mga luha sa mga mata ko dahil sa pinaghalong pamamanhid ng katawan at pag-aalala sa kanya.
Pinilit kong abutin ang kamay nya pero bago ko pa man yun magawa ay bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang maipikit ko iyon at hindi na muling naidilat pa.
--------------------->
:) Woi, end na. Juk 😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro