Wanted Perfect Boyfriend(trick&treat)
by: Jai Jai
Wanted Perfect Boyfriend For The Lady Boss
Christian Demetri POV's
It's already midnight I'm still here in the middle of road. Hindi ko alam kung naliligaw ba ako o ano dahil nagloloko ang google map sa sasakyan ko halos tatlong oras na rin akong nandito sa daan at hindi ko mahanap-hanap ang daan pabalik sa hotel na tinutuluyan namin ng Misis kong si Vee dito sa Siquijor, wala rin akong makitang puwedeng pagtanungan. Habang nagpapahinga kami kanina ay bigla itong nag-pahanap ng fresh pineapple fruit bilang butihing asawa ay agad akong tumalima. She's three months pregnant to our first baby. I gave the name Ferrari on it even we didn't know what gender it will be.
"Fuck!" Marahas kong mura dahil sa inis nang biglang huminto ang sasakyan ko. Imposibleng naubos na gas nito? Lagi kayang akong nagfu-full tank. Huwag niya ring sabihing sira siya dahil sesentahin ko ang mga gumawa nito. I shook my head, hindi pala puwede dahil ako ang gumawa nito para sa asawa ko personal ko itong ginawa sa kanya para iregalo ko ito sa kanya matapos niyang sabihing nagdadalang-tao na siya at sa dami ng kotse namin ito ang napili niyang isama namin dito sa Siquijor.
Bumaba na lang ako at tinignan kung anong nangyari sa makina. "Baby Ferrari wait mo lang si Daddy ha? Huwag mong painitin ulo ni Mommy para 'di ako kawawa mamaya baka matulog ako sa sofa." Bulong ko pa na parang maririnig ako ng anak ko kahit na ang layo-layo ko sa kanila.
Kunot-noo akong nakadukmo sa makina. Maayos naman ang lahat bakit biglang huminto? Nasa malalim akong pag-iisip ng may naramdaman akong dumaan sa likod ko. Gamit ang flashlight sa cellphone ko ay inilawan ko ang paligid pero wala naman akong nakita kahit na isa. "Tsk!" Palatak ko pa.
'Pst!'
'Pst!'
'Pst!'
Tangna. Walang akong makitang tao pero may sumisitsit akong naririnig.
"Putcha! Hoy kung sino ka mang nantitrip ka lumabas ka sa pinagtataguan mo one on one tayo!" Hamon ko dito. Napaharap akong bigla sa sasakyan ng biglang mag-on ang engine nito. "Tangna! Sabi ko one on one tapos gagamitin mo sasakyan ng asawa ko lumabas ka diyan! Duwag!" Sigaw ko sa nasa loob ng sasakyan. Napatabi ako ng bigla itong umabante papunta sa akin mabuti nalang at mabilis akong kumilos, huminto ito 'di kalayuan sa kinatatayuan ko tinted ang sasakyan kaya hindi ko maaninag ang nasa loob. Gagong 'yon carnapper!
Ilang beses akong napamura nang pabalik-balik sa kinatatayuan ko ang sasakyan. Para kaming nagpapatintero sa gitna ng daan nakakapagod. Napaluhod akong humihingal ng sa wakas ay huminto ito sa malayong-malayo sa akin. Gagong 'yon pinagod ako.
'Awooooooooooooooh!'
Napakunot ako ng noo ng makarinig ng alulong mula sa 'di kalayuan. Iniling ko nalang ang ulo ko kailangan ko nv makabalik sa hotel pero kailangan ko munang makuha 'yong kotse dahil wala akong sasakyang iba pabalik sa hotel.
"Ginoo naliligaw ka ba?" Nasilaw ako sa ilaw na tumutok sa aking mukha. Isang ale ang nakita ko pandak ito at may katabaan singkit din ang mga mata, nakasuot ito ng itim na bestida. "Kailangan mo ba ng tulong? Mukhang hindi ka taga-rito." Saad pa niya. Napaisip ako hindi naman siguro masama kung humingi ako ng tulong
"Opo Lola 'yong sasakyan ko ho kasi mukhang nasira." Dahilan ko nalang.
"Ah, mabuti pa sumama ka muna sa akin tatawag ako ng mekaniko para maayos iyan." Saad niya. Nag-aalinlangan man ay sumama ako sa kanya.
"Lola, bakit wala long bahay sa lugar na ito?" Basag ko sa katahimikan.
"Iyon ba? Ayaw nila akong maging kapit-bahay ewan ko ba sa kanila hindi ko naman sila inaano eh pero takot sila sa akin." Malungkot nitong hayag. "Iyon na pala ang bahay ko." Turo niya sa kubo. Habang palapit kami doon ay nakakaramdam ako ng kakaibang kilabot.
"Maupo ka muna diyan at gagawa ako ng juice para inumin mo." Paalam nito.
"H'wag na po kayo mag-abala Lola--"
"Jai. Jai nalang itawag mo sa akin at hindi pa ako Lola." Putol nito sa sasabihin ko at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
"Okay Lo-- I mean Jai. H'wag kana mag-abala." Sambit ko.
"O sige, sige d'yan ka muna ha?" Ngiti nito.
Halos kinse minutos na ang lumilipas pero hindi pa rin siya bumabalik kaya naisipan kong tumayo sa kinauupuan ko at libutin ang loob ng kubo. "Jai?" Tawag ko ngunit katahimikan lamang ang sumasagot. Ngayon ko lang napansin puro manika ang andito. Geez, ang daming makokolekta bakit manika pa. Pansin ko ang iba aa manikang andito ay nakatahi ang bibig ang iba naman ay putol ang paa o kamay, mayroon pang warak ang dibdib at tiyan tapos nakalabas ang mga nasa loob nun.
Napunta ako sa isang kuwartong tanging kandila lang ang nagsisilbing liwanag. May naririnig akong boses, parang bulong hindi ko alam kung saan nang-gagaling. Sumasakit din ang tainga ko parang tinutusok ng kung ano kaya napahawak ako dito, may nahawakan akong malapot na bagay ng tignan ko ay dugo hindi lang dugo dahil may matabang uod na lumabas doon. Shit! Anong nangyayari bakit may ganitong lumabas? Napadaing ako ng biglang parang pinilipit ang tiyan ko. Fuck! What the hell is happening to me?
Kahit nahihirapan na akong huminga ay pinilit kong humingi ng tulong kay Jai. "Ow shit!" Ang mga braso ko ay biglang napunta sa likuran ko at nabuhol doon.
"Ginoo? Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ng babae. Nasa bukana ito pintuan ng kuwarto, may hawak siyang manika. Sa nanghihirapang tinig ay humingi ako ng tulong dito. Lumapit ito sa akin kung saan ako nakalugmok, ngumiti siya ng pagkatamis-tamis halos nakapikit na nga. Kung kanina wala lang sa akin ang ngiti niya ngayon iba na dahil kinikilabutan ako.
"Kapag ba tinulungan kita hindi ka aalis? Hindi mo ako iiwan?" Tanong nito sa akin.
"Kailangan kong umalis dito hinihintay ako ng asawa ko." Matatag kong sagot na ikinatalim ng tingin niya sa akin, napansin ko ring humigpit ang hawak niya sa manika kasabay noo ay ang paghihirap kong huminga.
"Alam mo bang ikaw ito?" Tanong niyang nakangisi tukoy niya sa manikang hawak. "At alam mo ba kung anong gustong kong gawin sa manikang ito ay mararamdaman mo ang epekto noon? Alam mo kung paano nangyari iyon? Alam mo rin ba kung bakit ka naligaw? Kung bakig naranasan mo lahat ng naranasan mo kanina?" Tuloy-tuloy niyang salita. "Ito ang tinatawag na kulam. Isa akong mangkukulam, ang lahat ng kanaranasan mo mula sa pagkaligaw, pagkasira ng kotse pati ng google map mo, at paghahabol sa'yo ng kotse mo ay ako ang dahilan." She proudly said. "At kung gusto mong maligtas ang asawa mo hindi mo na siya babalikan." Dugtong pa niya.
Damn! Do I have choice? Anong laban ko sa mangkukulam na 'to baka mapaano pa ang baby namin ni Vee. Pero hindi ako papayag na dumito nalang, ofcourse I have choice. I'm sorry baby Ferrari, my wife Vee.
"Just kill me. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa manatili dito kasama ang katulad mo." Saad ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro