Unforgettable Night
by: AiLab Yuu
Clara's POV
--------
Nakatanga at nalulula akong nakatayo sa harap ng malaking gate ng isang malaki at modernong mansyon. Pano nga ba ako napunta dito habang disoras na ng gabi? Ahh. Oo. Inutusan lang naman ako kanina ng isang ale na mukhang hukluban dahil nakacloak ito ng itim na dalhin itong regalo niya na nakasilid sa isang medyo di kalakihang box na kulay itim at may pula pang laso ang nakatali dito. Uso naman ang lbc o kaya jrs diba? Pero bakit ako pa inutusan eh diko naman kilala yun? Saka medyo may kalayuan din ito sa syudad at mapuno ang paligid. He only gave me the address saka nawala nalang na parang bula sa harapan ko. Kanina habang pabaling baling ako sa higaan para matulog na ay wala talaga sa plano ko ang magpunta sa lugar na ito pero dahil butihing mamamayan ako kaya ako naririto ngayon na hindi ko naman pinagsisihan dahil ang rangya pala ng mansyong ito. Sana pwede pumasok. Makisilip lang sana hindi naman ako magnanakaw eh. Tiningnan ko ulit yung kahon. Di naman siya masyado mabigat minsan narin akong kainin ng curiosity at pinag isipang buksan kaya lang baka may pasabog pala ito eh. Bomba or confetti. Pansurpresa kahit isang buwan pa para sa pasko. Kanina pa ako pasilip silip sa mga rehas ng gate pero wala akong maaninagan na tao sa loob. Hindi kaya haunted mansion ito? Nobyembre pa naman at uso ang ghost hunting. Naramdaman kong tila may nagmamasid sa akin mula sa likuran kaya dali dali ko ring nilingon. I found no one but nether the less I feel someone watching. Napalunok ako ng wala sa oras. Di ako matakutin at mas lalong di ako umiinom ng kape pero ramdam ko ang biglaang paglamig ng paligid kasabay ng pagtayuan ng mga balahibo ko sa batok. Napayakap ako sa sarili saka pilit na iwinaglit ang anumang kabang nararamdaman at muling humarap sa gate.
"Ay kapre!!!" Malakas at matinis akong napasigaw dahil sa nadatnan ng mata ko. Isang malaking anino ng isa ring malaking tao na ngayon ay nakasandal sa may bukana ng gate. Hindi ko maaninag mukha dahil medyo madilim ang paligid at tanging ang ilaw lang mula sa loob ang nagbibigay liwanag. Nanginginig naman akong napaatras. Teka lang bakit ba ako natatakot? Kapre lang naman yan dyosa ako. Sa kaharian ng engkantasya mas mataas ang trono ko sa kanya. Pero hindi wala ako sa engkantasya at lalong hindi totoo ang ang mga kapre pwera nalang sa dyosa dahil isang malaking patunay ako na Goddess do exist.
"You've been here for awhile what do you want?"
Napataas ang kilay ko sa narinig. Taray. Englisherong kapre. Pero ang totoo bodyguard siguro siya dito. Brusko at katakot takot ang tinig. May diin ang bawat salita at tila di mabiro biro. Maskulado din at malaki ang pangangatawan hindi ko lang maaninag ang mukha. Kaya sure to the ball bodyguard nga ang isang ito.
"Ahh kuya. Gusto ko kasing makausap yung may ari ng mansyon eh." Sagot ko naman sa kanya. By this time nawala na ang takot ko. Bahagya akong lumapit sa kanya.
"What do you need from him?"
"Ito po oh may nagpapabigay po sa may ari." Inabot ko naman sa kanya ang itim na box.
"I don't have time for shits lady. I still have important things to do." Mabilis ang ginawang pagtalikod nito pero mabilis din kasi ako kaya bago pa niya maisara muli ang gate ay nakapasok na ako pero pinagsisihan ko rin agad dahil mabilis din ang paglapat ng mga palad niya sa leeg ko. Nabitawan ko ang kahon at napakapit sa kamay niya. Mulat na mulat ang mga mata ko dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa leeg ko kaya naman kitang kita ko rin ang gwapong nilalang na nasa harapan ko na binabalot ng maitim na awra. Gusto ko mang purihin siya sa isipan pero katakot takot ang pag apoy ng mga mata niya that anytime soon ay makakapatay siya ng dyosa definitely ay ako. Tumulo ang luha ko dahil hindi ko na magawang huminga.
"I don't have fucking patience so if you still love your shitty life, leave this place before I'll rip your head's off." Napaupo ako at umubo ako ng paulit-ulit matapos niya akong bitawan. Putcha naman. Ako na nga tumulong ako pa napahamak. Pero ang pag aakala kong wala na akong boses ay mali dahil nagsusumigaw at tumili naman ako dahil sa nakita ko sa may paanan. Nakalas na ang laso ng kahon at bukas narin ito. Kaya naman kitang kita ko ang pares ng mata na nakatitig sa akin. Pugot na ulo ng babae ang nasa loob ng kahon at may sticky note na nakadikit sa noo. Gamit ang dugo ay may isinulat doong "SAVE YOUR WIFE 'TIL JUST TONIGHT MR.DIMARCO."
Natuod ako sa kinasasadlakan at takot na sinalubong ang mga nagbabagang mata ng kaharap.
"Who fucking sent you?" Madiin at nagtatagisan ang mga ngiping tanong nito sa akin. Napalunok ako ng paulit-ulit sabay iling dahil hindi ko naman talaga kilala yung ale.
"I-I ddont know whho sshe is. Sshe only t-told me tto bring tthat t-to you." Humibikbi at nanginginig kong sagot. Mas katakot takot pala ito sa kapre. Pinagsisihan ko na rin ngayon yung pagiging good samaritan ko.
"I am warning you--"
"HINDI KO NGA KASI TALAGA KILALA EH. NAPAG UTUSAN LANG AKO!" Naisigaw ko na sa kanya dahil sa halong takot at frustration ko. "P-pero naalala ko k-kung san siya pumunta k-kasi sinundan ko siya itatanong ko sana sa kanya k-kung k-kanino ipapadala kasi address lang naman binigay niya pero diko na naabutan kasi pumasok na siya--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla niya nalang akong kinaladkad papunta sa isang magarang sasakyan at pasalampak na ipinasok sa loob. Masakit ang rahas na paghila niya sakin kanina at mahigpit din ang pagkakahawak ng bisig ko kaya naman humulma ang mga daliri nito na ngayon ay pulang pula na.
"Show me the way." Malamig na utos nito pagkapasok niya sa loob ng kotse.
"S-sasabibin ko nalang sayo kung s-saan but I-Im not going with you. Ayokong madamay." Nanginginig parin ang boses ko at nanlalamig din ang katawan ko dagdagan pa na malakas ang aircon.
"Kung di kalang naman pakialamera eh di sana mapayapa ka pang natutulog ngayon. But since you're now here. Damay kana. Now tell me where." Nagtatagalog din pala anh isang ito. Alam kong tama siya. Pakialamera ka kasi Clara eh.
Imbes na makipagtalo sa kanya ay itinuro ko nalang kung saan ko huling nakita ang ale.
"You sure about this?" Tumango lang ako sa kanya habang yakap yakap ang sarili dahil nilalamig na talaga ako. Alas onse na ng gabi at heto kami ngayon sa isang abandonadong gusali. Walang katao tao at napakatahimik ng lugar at wala ding kailaw ilaw. Liwanag lamang mula sa flashlight ng cellphone namin ang nagsilbing ilaw namin. Pinihit pabukas ng kasama ko ang seradura ng pinto na bumuo ng katakot takot na ingay. Bumukas naman ito agad at dahan dahan akong sumunod sa kanya nang pumasok siya sa loob. Ramdam ko ang kakaibang pag ihip ng hangin nang tuluyan na akong nakapasok. Mas lalong lumamig ang paligid at nakakabingi ang katahimikan. Sobrang dilim ng paligid at limitado lang ang abot ng liwanag na mula sa selpon na hawak namin.
Gulat akong napatalon dahil sa biglaang pagsara ng pintuang aming dinaanan.
"Get off your hands from me." Mahina pero madiin paring utos ng kasama ko dahil kumapit ako sa braso niya. Hindi ako chumachansing pero kasi takot ako sa sobrang dilim at unang beses kong sumubok ng ganito kahindik hindik na sitwasyon lalo na at bumabalik balik sa balintataw ko ang pugot na ulo at ang matang naninitig kanina.
"N-No. You brought me here. K-kasalanan mo. So bear with me." Bulong ko naman sa kanya kahit ang totoo ay gusto ko siyang bulyawan for dragging me here.
"Tss. Some girls are totally cowards."
"Ahh!" Muli naman akong napatili at napatalon dahil sa gulat nang may tumunog na cellphone.
"Fuck! Shut your mouth or I'll kill you?" Inis naman nitong baling sa akin at inilagay ang cp sa tenga kaya naman ay bumitaw ako sa kanya at bahagyang lumayo."Yes Ares... Someone sent me my maid's head.... I don't fucking know where in hell this shitty fucking place is. Just track my location and be here already. I'm expecting you three."
"M-Mister." Tawag ko sa kasama ko na kunot noo namang lumingon sa akin. Tila may bikig sa lalamunan ko at nahihirapan akong magsalita habang nakatingin lang sa may likuran niya. Guni guni ko lang ata to eh. Hindi naman ako naniniwala sa mga superstitious pero nakikita ko talaga. Kitang kita ng dalawang mata ko na may duguang nakaputing tao sa likod ni DiMarco. Mahaba ang nakalugay na lampas balikat nitong blonde na buhok. Nanlilisik ang duguang mga mata nito habang nakatitig sa likod ng lalaki kaya naman ay nanginginig din ang mga kamay ko habang hawak ang cp ko, nakatuon ang flashlight nito doon kaya kitang kita ko ang babae.
"Hey." Tawag pansin naman ni DiMarco sa akin.
"W-wag kang lilingon." Hindi ko alam kong bakit yun ang nasabi ko kahit na ang gusto kong gawin ngayon ay tumakbo palayo. Nag iilawan kami pareho kaya kitang kita ko narin ang namumuong mga pawis mula sa noo niya. May hinugot siya mula sa likuran niya and I was stunned for awhile nang mapagtantong isang baril iyon. Matigas ang ulo nito kaya naman habang hawak ang baril at cellphone ay lumingon ito sa likuran. Pero wala na doon ang nakita ko. Namamalikmata lang ba ako? He turned to face me pero bigla ding napaatras. Gulat ang mukha nito at takot na nakatingin sa akin. Nasilaw pa ako sa flashlight niya na diretsong nakatuon sa pagmumukha ko.
"What?" Inis kong bulyaw sa kanya dahil natakot pa ata sa mukha ko." I saw a woman standing before you kaya sabi ko wag kang lilingon mukha kasi siyang multo pero guni guni ko lang ata nawala bigla eh."napapapalatak naman ako. Letse kasi. Takot na nga ako pero mukhang ako pa nakakatakot para sa kanya.
"What the-" napamaang at napaatras ako dahil sa sunod niyang ginawa. He's now aiming his gun to me. Shit mas nakakatakot pala ito sa multo eh."W-wag kang magbiro ng g-ganyan. Alam mo bang n-nakakamatay yang hawak mo?"ilang ulit pa akong napalunok ng sarili kong laway pati siguro dila ko malapit ko ng malunok. Nagkakarerahan na ang mga dugo ko sa puso habang ito naman ay nanginginig na itinutok sa akin ang kanyang baril. Paatras pa ako ng paatras.
"Don't fucking move." Mahina pero kinakabahan nitong utos sa akin habang inaasinta ang baril sa dako ko. Bakit naman siya kakabahan? Multo ba ako sa paningin niya?
"I-I swear to my g-grave if you'll gonna kill me. I-I'll hunt y-you down to death. Mmumultuhin t-talaga kita. Babalik balikan kita hanggang sa mamatay karin." Tuloy parin ang pag atras ko.
"I said don't fucking move there's someone behind you!" Napaigtad ako dahil sa pagsigaw niya at pagputok ng baril. Takot naman akong muling napaigtad paatras habang otomatikong napatakip ng tenga at nahulog pa ang selpon ko. Akmang pupulutin ko na ang cp ko nang may duguang paa akong nakita next to my phone. Otomatiko naman akong napatakbo patungo kay Mr. DiMarco.
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!"humagulhol na ako sa iyak dala ng takot at walang pakundangang yumakap sa taong estranghero man para sakin dahil apilyedo lang nito ang alam ko. But hell I care less about it.
"Fuck! Fuck! Get away or you'll never see the sunrise tomorrow." Mura lang ito ng mura. Muli akong napatalon dahil sa pagputok ng baril nito.
"Y-yoko na dito!!!! Bakit ba kasi d-dinala moko ditoo. Totoo ang m-multo!! I wanna go home!!!" Akmang tatakbo na ako papunta sa pintuan dahil gusto ko na umuwi. Pero nahila din ako pabalik ng isa ding katakot takot. Tao nga lang siya at dipa multo. Pag ito naging multo matatakot ang ibang multo dito. Ayoko na. Sabi ko kasi to see is to believe. Di ako naniniwala noon kasi wala naman akong nakita. Dito lang pala nag boboard yung mga multo.
"You dragged me here first. You said my wife is here. I need to save her and you'll not gonna go home unless I found her. I'm still doubting if maybe it's really you who abducted my wife." Hinila niya ako palapit sa kanya.
"Aminin mo narin kasing takot ka din. Saka hoy hindi ako kidnapper." Tinanaw ko yung selpon ko na nakataob na kanina sa kinatatayuan ko. Wala na doon ang multo. May powers pala yung mga multo. Nawawala sila tapos lilitaw ulit. Bakit di nalang sila nag superhero hindi yung nananakot sila.
"Guniguni mo lang yun. Ghost don't exist." Wika naman ng kasama ko. Wow. Binawi agad kanina lang alam kong natakot din siya o baka naman katakot takot talaga ang kagandahan ko? Kitang kita ko kaya. Kumapit nalang ako sa damit niya nang magsimula siyang maglakad ng dahan dahan. "Go to the door. I think the switch is there. Turn it on." What? Lumapit kami sa selpon ko at pinulot iyon at binigay sa akin. "Now go." Dali dali ko namang kinuha sa kanya ang selpon ko. Inilawan ko muna ang pintong pinasukan namin. Di pa naman kami masyadong nakalayo. Mga sampung dipa lang naman ang pintuan mula sa kinatatayuan namin. Pero kasi may mga lahing the flash yung mga multo mas una pa silang makarating doon. Pero may naisip din ako.Pinto. Oo. Pwede akong kumaripas ng takbo palabas diba? Pero baka bago pa ako makalabas nahila na ulit ako ng multo.
"Ahhhhh!!!!" Sigaw ko naman ulit at nagtakip pa ng mata dahil biglang bumukas ang pintuan at bumulaga ang nakakasilaw na liwanag. Wait. Liwanag? Kukunin naba nila yung mga kaluluwa dito para malagay na sa tahimik? "Ahhhh!!!" Nagsusumigaw naman ako hindi nalang sa takot kundi pati sakit dahil may malakas at malaking kamay ang mabilis na hinila ang dalawang braso ko patalikod. Narinig ko pa ang paglagutok ng mga buto ko. Fuck ang sakit."H-hindi po ako yung multo. Mali po kayo ng sinundo. Pakawalan nyu po ako hindi pa po ako patay." Nahihirapan ko namang pakiusap kasi sobrang sakit na halos masubsob na ako sa lapag. Ang tatanga pala ng mga grim reaper minsan nangunguha ng kaluluwa ng buhay pang tao. Pero sheyt? Baka naman talaga patay na ako? Nabaril ba ako kanina tas diko lang napansin? Multo narin ba ako?
"She's with me Jan. Let her go. Lee and Ares check the area my wife is still not yet found." Kilala ni Mr. DiMarco yung grim reaper? Mabilis naman akong pinakawalan ng Jan na iyon pero masakit talaga buto ko.
"Sabi sa inyo eh di pa ako multo.Bakit flashlight gamit mo?" Nagtataka ko namang tanong dito dahil sa malaking flashlight na dala nito. Taghirap ba ngayon sa mga grim reaper o baka sadyang brownout lang? Pero natural na liwanag kasi dapat eh. Maskulado din ang isang ito. Tiningnan lang niya ako ng masama. Okay no comment nalang baka isama pa ako ng mga ito. Gusto ko pa sa Earth.
Biglang bumaha ang liwanag sa buong paligid.
"Wahhhhhhh multooo!!!"ako yun. Sino paba ang sigaw ng sigaw dito? Ako lang naman ang biniyayaan ng malakas at matinis na boses kasi. Pero kasi pagkabukas na pagkabukas ng ilaw bumulaga sa akin, malapit na malapit sa mukha ko ang nakalutang sa ere na katawan ng tao. Yun yung kaninang nakita kong babae sa likod ni DiMarco.
" Tss."
"Women."
"Tsk."
"Fuck!"
Magkasabay na sambit naman ng apat na lalaking kasama ko. Teka apat? Minulat ko muli ang mata dahil napapikit ako kanina sa takot. May tumutulong dugo malapit sa paanan ko kaya sinundan ko iyon ng tingin and again I was horrified when I saw a blonde girl hanged on a rope at the ceiling.
"You came late." Nabaling naman ang paningin ko doon sa bagong tinig na nagmula sa may hagdan. And there she is. Oh my???Ito ba ang mastermind ng mga multo? Ang dumukot sa asawa ni DiMarco? Si Anne Curtis? In her fitted black jeans at black sando na pinatungan ng itim din na jacket. Teka nasa shooting ba ako? Bagong pelikula ba ni Anne ito?
"Are you okay?" Pagkuwan ay nag aalalang tanong ni Mr. Dimarco kay Anne saka lumapit sa babae. Nagtinginan naman ang tatlo pang lalaki slash grimreapers sa tabi ko na animo ay nag uusap gamit ang link minds nila. "What exactly happened here?" Tanong ni DiMarco sa babae nang makababa na ito ng hagdan saka inalalayan siya ni DiMarco sa paglapit sa amin.
"That bitch got me and killed yaya Tessa(bagong recruite na tauhan ni Clara haha). She deserved to die though. She's a spy of someone na nagkakalkal ng impormasyon tungkol sayo." Napatingin ulit ako sa babaeng nakabitay. So she was murdered? Kaya pala di mapalagay ang kaluluwa niya kasi gusto niya maghigante. Kung ako naman talaga magmumulto talaga ako kapag bigla nalang akong pinatay na walang hustisya. Tatakutin ko yung pumatay sakin saka gagayahin ko yung mga ginagawa ng multo sa movie. Napaatras naman ako ng unti unti itong nahila pataas.
"And that's her apprentice." Dagdag pa ng babae sabay turo naman doon sa may kaliwang bahagi. Napalunok nalang ko sa hindik dahil sa nasaksihan ng mata ko. Nakabitay din ang lalaki at nasa leeg ang lubid kaya naman ay pareho ding nakatirik ang mata. And I noticed na konektado ang dalawang bangkay. Kung titingnan ay para silang nakabitay sa seesaw dahil kung tataas yung isa baba din ang isa and so on and fort. Bumabalik pala sa pagkabata kapag patay na? Naglalaro pa sila eh. Kaya pla bigla nalang itong nawawala kasi nahihila pataas. Ibig sabihin di talaga totoo ang multo? Walang multo? Prank lang yun? Joke time? April fools lang?
"Hi Anne." Kimi ko namang bati sa kahawig ni Anne Curtis na ngayon ay nakatikwas ang kanang kilay na nakatingin sa akin. "Fan mo po ako. Nanonood po ako lagi ng showtime para abangan ka. Kumusta pala ang asawa mong si Erwan?" Dagdag ko pa at ngumiti ngiti pa. Syempre fan talaga ako ni Anne sobra. Ang ganda niya pala sa personal. Mamaya siguro pwede magpapicture saka fs narin.hehe.
"What the hell are you talking lady?" Kunot noo namang tanong ni Mr.Dimarco.
"Dimo siya kilala? Si Anne Curtis to! Artista siya at sikat!" Pakilala ko naman kay Anne kay mukhang tanga na si DiMarco.
"Who the fucking hell is Erwan? And for your fucking information the woman standing next to me is my wife Alyssa Fay Cabrera DiMarco."
Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya. Maang na napasulyap ako kay Alyssa daw. Tinaasan lang ulit ako ng kilay.
"I'm more beautiful than your so called Anne Curtis.'' Walang emosyon nitong saad. Napailing naman ako.
"Ay hindi po. Pinakamaganda po si Anne."depensa ko naman sa idolo ko.
"You want to die?" Napalunok nalang ako dahil sa naging tanong nito. Tama talaga ang kasabihang wag kang matakot sa multo dahil wala na yung masamang magagawa sayo kundi takutin kalang mas matakot ka sa buhay na tao dahil may kakayahan silang gawin kang multo. And it sunk to me that these persons with me are strangers. They are savage and dangerous. Sa klase ng mga tingin sa tayo sa pananalita ay alam kong hindi mga karaniwang tao ang mga ito. I am not ignorant of what is happening around the world. Make sense of the internet ika nga. But one thing is for sure these people are capable of killing. Aside of that they're all fucking dropped dead gorgeous pumangalawa nga lang sa kagandahan ko itong si Alyssa at mas gwapo pala si Mr. DiMarco sa maliwanag. Nakakalaglag panty ang mukha nito kahit may pagka misteryoso at lamig ang anyo buti nalang pala bago yung panty ko ngayon kaya di pa maluwag ang garter. Pero kailangan ko na talagang sumibat kahit nakakapag laway pa ang kagwapuhan at kamatchohan ng mga adonis saking harapan. Ang sarap sanang picturan para magdamag kong tititigan kaso baka mas mabilis pa sila sa multo at bago ko pa maclick ang camera pugot na ulo ko kaya wag nalang.
"Sabi ko nga po aalis na ako." Saka ako kumaripas ng takbo papunta sa pintuan but before going out I faced them one more time.
"MRS. DIMARCO TAKOT PALA SA MULTO ANG ASAWA MO!" I shouted to Alyssa and made my way out.
"At last. I'm safe. What an unforgettable horrifying night." Nausal ko nalang nang tuluyan na akong nakalabas. Mas nakakatakot talaga pala ang magagawa ng tao at katakot din makakita ng ganung klaseng krimen. Mas nakakatakot pa sa multo ang mga taong naiwan doon sa loob. Natigilan din ako pagkuwan dahil first and foremost it's just 1 in the morning. I am in the middle of nowhere with criminals. I don't owned a car and I have no one to call to fetch me here.
Now Im doomed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro