Undecided
by: Ailyn Claraval
Noong unang panahon.😎 Panahon bago dumating ang mga Hapon.😄Nang sumapit ang isang dapit-hapon.😅 Pagala-gala sa loob ng masukal na kagubatan ang isang babaeng maliit na may suot na damit na parang gawa sa papel de-hapon.😆 Patalon-talon pa siyang habang humuhuni-huni ng awiting siya lamang ang nakakaintindi. 😂
Sa isang banda naman ng kagubatan ay may isang nilalang na pinagmamasdan ang babaeng maliit. Araw-araw nalang siyang nanggigil dito dahil sa sobrang ingay at kulit. 😂 Mabilis siyang pumitas ng prutas na mukhang patatas mula sa puno at agad ibinato sa munting babae. Sapul agad ang mukha nito.
"Ayy Paniking pogi!!" sigaw nito sa sobrang gulat.
"Hoy Kapre!!! Alam kong ikaw ang nambato sa akin!! Lumabas ka diyan sa pinagtataguan mong balete at magtutuos tayo!!" gigil na gigil nitong sigaw habang palinga-linga sa paligid.
"Anong ginagawa mo sa teritoryo ko Nuno??? Sinusubukan mo talaga ang galit ko sayo!!" mahinang sabi nito pero dumagundong ang boses ng pagkalakas. Sa sobrang lakas pati natutulog na Alien ay magigising.
"Huwag mo akong sigawan!! Hindi ako bingi!! Lumabas ka diyan sa punong yan kung ayaw mong dalhin ko ang baboy at kambing na nakita ko sa labas ng gubat!!"
"Tae ka hindi kita sinisigawan!"
"Ah basta!! Sigaw na yun sa akin. Lumabas ka diyan!! Sinasabi ko sayo!! Kaya kong dalhin sila dito ng walang kahirap-hirap!!"
Agad lumabas ang tinawag na Kapre ng babae mula sa puno ng balete. Yumanig pa ang lupa sa unang hakbang nito na ikinatumba ng babae. Agad itong tumayo at gigil na humarap sa kanya habang winasiwas ang hawak nitong patpat.
"Dahan-dahan naman. Nananadiya ka eh!! Porke't alam mong maliit ako."
"Ang lakas mong maghamon subalit kaunting kilos ko lang nawawalan ka na ng balanse. At ano iyang hawak mo? Sa tingin mo matatalo mo ako sa patpat na yan na kasing liit mo?"
"Maliit ako pero huwag mo akong minamaliit! Kung kahapon nanalo ka, puwes ngayon tatalunin kita!!"
Mabilis pa sa alas cuatro na binunot ng babae ang kanyang itinatagong mga anik-anik at ginawa ang orasyon na itinuro sa kanya ng nakilala niyang kaibigan mula sa mundo ng mga tao. Inilabas din nito ang isang kopita kung tawagin ng kanyang nakilala at nilagyan ng kung anu-anong dahon. Mabisang panangga di-umano sa mga magtangka siyang saktan.
"afdhdjhdydhduudhdjdmjgty"
"Nuno!! Anong binubulong-bulong mo diyan??"
"Wala kang paki. Manahimik ka!!! Huwag mo akong distorbohin. Kailangan kong magpokus para epektib!"
"Nuno para matalo mo ako, ito dasalin mo." pang-uuto niya sa babae.
"Maniwala ako sayo Kapre!!"
"Oo nga. Ito ibulong mo, ESPIRITU NG TANGKAD, SUMAPI KA SA KATAWAN KO!"
"Sabi na nga ba eh. Sapakan na lang tayo oh!!!"
"Ingay mo. Umuwi ka na nga sa punso mo!"
Dali-daling tumayo ang babae at naglakad papunta sa puno ng balete.
"Saan ka pupunta nuno?" mabilis na tanong ng Kapre.
"Sa punso ko. Magkapitbahay lang tayo. Nakalimutan mo na ba na nasa paanan lang ako ng punong yan?" Sarkastikong sagot ng maliit na babae at patuloy na naglakad pauwi sa kanyang punso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro