Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Meet the Characters


Mamu Celeste is being played by Oreo and Papu Pat is PatchyPie. The rest is the same person's name but the chronological order's age is not.

I was drinking my coffee  overlooking the rest of the city of Paris when my Manager  Mamu Celeste came.

"Maine, meron kang prescon at two mamayang hapon. Better be ready."

"Mamaya pa pala. I just want to feel the alone time. Malamang simula mamaya, lagi na lang akong palilibutan."

"E diba yan naman gusto mo?"

"Oo nga pero, siyempre, ako pa rin ito Mamu. Yun simpleng babae sa likod ng koronang ito."

"O basta magready ka bago magtwelve. Magpamakeup ka pa bago ang presscon. Yun mga isusuot mo, naipadala ko na lahat dito. Nasa walk in closet mo. Natulog ka kase agad kagabi."

"Ah thank you, Mamu."

"Sige samantalahin mo na yan. Teka, nagustuhan mo ba itong pad mo? Buong taon ka dito. Eto daw ang official house for the reigning Intergalactic Beauty."

"Actually, I love it here. Ang ganda, sobra!"

"Good. So see you later, Maine."

"Yes Mamu! Ingat ka!"

"Ciao!"

Close kami ni Mamu Celeste. Siya kase ang nagtiwala na kaya kong ilabas ang itinatago kong kagandahan. Actually, Mamu Celeste is gay. Pero he serves as my second mother, mentor and best friend. Masaya siyang kasama, sila ng live-in partner niyang si Papu Pat. Si Papu naman ay tomboy. Diba ang saya lang? Bakla at Tomboy na nagmamahalan. Sila ang frequent companion ko sa labang ito. Nagsisilbing mga kaibigan slash magulang ko.

My biological parents are businessmen kaya hindi sila makakadalo sa kalokohan kong ito. Si Coleen at Nikki na mga ate ko ay busy sa kani-kaniyang asawa at anak. Ang mga kuya kong si Dean at Nico naman ay mga certified playboy at wala silang panahon na samahan ako dito kase ayaw daw nila ng foreigner. Ang nga kuya ko ay may mga angking kakisigan at kahiligan sa kotse. Kuya Nico is driving a red Mustang and kuya Dean the younger among the two is sporting a Jaguar. Sunod sa layaw ang mga kapatid kong lalaki kase my Dad is a car enthusiast. We are filthy rich pero it does'nt sink in sa isip ko. Kase nga, we grew up na hindi nakukuha ang lahat ng  gusto namin. Di kami inispoiled.

I was the bunso. Lahat ng kagandahan at kapogian, nakuha na nila. Wala ng natira sa akin. Minsan nga kapag may get together sa bahay, hindi ako napapansin ng mga bisita. Hindi kase ako kasing ganda ng mga kapatid ko. Hindi kasing puti o kasing kinis ng balat nila. Saan nga kaya ako ipinaglihi ng Nanay ko? Bakit konti na lang natira sa akin? Bakit sila pansinin? Bakit ako hindi?  Pero noon iyon. Iba na ngayon. Ako na si Miss Intergalactic Beauty 2017! Feel na feel ko, aba!

Natatawa na lang ako sa sarili ko kase nakuha ko pang mag- catwalk habang suot ang kapa ko at korona na mag-isang nagwe-wave sa loob ng pad ko. Di ko pa kase maalis sa isip ko na wagi na ako! At malamang, paparangalan ako sa Pilipinas pagdating ko. O diba, itsura lang ng lalaking crush ko noon na hindi ako pinansin dati. Siguro naman nakikita na niya ang mukha ko sa TV at Social media. Gusto ko ng makita siya ng personal para ihambalos sa mukha niya ang korona ko! Ahahaha! Pero anyway, past is past. Move on na dapat. Napatunayan ko na naman na iba na ako at may ibubuga pa. Okay na yun. Malamang sising alipin siya ngayon. Ang laki ng sinayang niya. Ang laki-laki! Dahil ako na ngayon ang Miss Intergalactic Beauty 2017!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro