Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue


I woke up to the aroma of brewed coffee,  strawberry syrup and pancakes. Nagutom akong bigla.

I immediately went to the bathroom to take a morning shower. Matapos maligo, nagbihis lang ako ng cotton dress and went out of my room.

Naaamoy ko pa ang kape. Ang sarap gumising sa ganito.

Sinundan ko kung saan nagmumula ang amoy ng kape. Sinalubong ako ng isang magandang tanawin.

My husband and my dear baby girl is playing at the garden. When they saw me, agad tumakbo ang anak ko palapit sa akin.

"Good Morning, baby!" Bati ko sa anak ko.

"Good Morning Mommy! Come on, we made pancakes and coffee for you."

"That's nice. Good morning, mahal." Bati ko naman kay Alden.

"Mahal, mas good ka pa sa morning." Sagot niya.

Habang naglalakad kaming magkakahawak papunta sa gazebo sa garden namin, I can't help but feel complete.

"How was your sleep?" Tanong ng asawa ko.

"It was good. Bakit di mo ako ginising agad?"

"Gusto kong makatulog ka ng matagal. Lalo na ngayon, kailangan mo ng rest."

"But I want to cook for you and Alaine."

"No need! Ikaw ang reyna kaya dapat pinagsisilbihan kita."

"Thank you mahal! Thank God, I have you, and Alaine."

"Ako ang nagpapasalamat sa Diyos for giving you two, to me. Wala na akong mahihiling pa, mahal! Mahal na mahal ko kayo ng anak ko!" He kissed me.

"Mommy and Daddy! You're kissing again! It's gross!"

Nagtawanan kaming mag-asawa.

"Kain na tayo." Sabi ko. Ipinaghila ako ni Alden ng silya pati na rin ang anak namin. Tapos umupo siya sa tabi ko.

Hindi ko malubos maisip na halos mag-apat na taon na kaming mag-asawa. Di pa kasama ang ilang beses na paghihiwalay namin bago kami nagpakasal.

Naalala ko tuloy ang araw na wala ng ibang taong magkakapaghiwalay sa amin. Ang araw na kinuha ang anak ko ni Mafi. Hindi ko malubos maisip na dinanas namin ang trahedyang nagpatatag lalo sa pagsasama naming mag-asawa.

Si Mafi ay namatay din ng araw na iyon. Humingi ng tawad ang ina nito sa ginawa ng anak niya. Sinabing, wala kaming kasalanan, dahil sadyang nagmahal lang ang anak niya. Pinatawad namin ito at sinabing kakalimutan na lang ang nangyari. Pero mahirap kalimutan ang lahat. Matagal pa bago mawala sa isip namin. Pero tapos na ito kaya ngayon, maayos na kami. Matagal na naman natapos ang nangyari kaya nakamoved on na rin kami.

Si Mommy naman ay lalong napalapit sa akin. Nakita daw niya kung gaano ako kabuting ina sa anak ko. Para isakripisyo ang buhay ko para masagip lang ang anak namin ni Alden.

Sila Nanay at Tatay naman kasama ng mga kapatid ko ay masayang namumuhay sa Pilipinas. Minsan, dumadalaw sila dito sa France at minsan kami naman.

Oo, napagpasyahan namin ni Alden na dito na sa France tumira, malapit sa negosyo niya. At minsan na lang umuuwi sa Pilipinas para dalawin ang pamilya ko.

Si Selena at Jan naman ay nanatiling matatalik kong kaibigan, minsan ay dumadalaw sila dito sa France kasama ang mga asawa nila at anak.

Sila Mamu Celeste at Papu Pat naman ay sumama sa amin dahil mas gusto daw nila ang klima dito kaysa sa Pilipinas na mainit. Nag-ampon sila ng batang Pranses para makumpleto ang pamilya nila.

Dito na kami naninirahan sa Cannes, kung saan una kaming nagkasama ni Alden. Gusto ko talaga ang malapit sa beach. Ang tubig ang aking elemento.

Si Alaine naman ay three years old na at humihingi na ng mas batang kapatid. Na pilit namin ginagawan ng paraan ni Alden.

"Mahal, di mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ng asawa ko. Nakatitig lang kase ako sa kawalan. Bigla akong nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo.

"Anong nangyayari, mahal? Napaano ka?"

"Mahal, nahihilo ako. Natupad na ang wish ng baby natin."

"You mean to say?"

"Yes! Buntis ako! Kanina ko lang nalaman, nung nag-PT ako bago ako maligo. Ilang araw na kaseng mapait ang panlasa ko."

Tumayo siya at niyakap ako.

"Mahal, salamat! Mahal na mahal kita, kayo ni Alaine at ng magiging baby pa natin! Ang ganda ng blessing ngayon. Magsimba tayo!"

"Yes, mahal. Magpasalamat tayo sa magagandang regalo sa atin ng Diyos."

Tunay ngang ang pag-ibig ay hindi kailanman mawawala, anuman ang pagdaanan, mananatili ito. Sa kabila ng mga lungkot at problema, may naghihintay na kaligayahan. Huwag lang bibitiw at mawawalan ng pag-asa. Tulad ng sa amin ng asawa ko, marami mang hadlang sa amin, pero nanatili kaming matatag at nagmamahalan. Hanggang may buhay, kami pa rin dalawa, ang magkakasama.

The End.

A/N I hope you liked this one! Thank you for reading. May prompt na ako ng bago kong fanfic. Balak kong dalawang libro isulat ng sabay. Sana nga lang kayanin ko po ang pressure at maabot ko ang expectations ninyo! Maraming salamat sa suporta!

Hanggang sa muli!

-ava-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro