9
Bitbit ang handcarry ko, papasok na ako sa departure area.
"Good Morning Mam. Have a nice flight." Bati ng FA na sumalubong sa akin.
"Thank you!" Excited kong sagot at the same time pagod na rin ako.
One of the crew members assisted me sa pagakyat sa ramp. I'm flying first class para makapahinga ako. Pagod na rin kase ako.
As soon as I settled down, humingi ako ng water and blanket. Itutulog ko ang buong flight. Nagsink in na kase sa akin na ordinaryong tao na lang ako pero siyempre, may mga ilang interviews at guestings pagdating ng Pinas pero I asked Mamu Celeste na next week na. Babawi muna ako ng pahinga. Saka ko na haharapin ang camera.
I was about to drift to sleep when the person opposite me talked.
"Miss Maine. It's nice to see you again."
Nagulat ako. Tinignan ko kung sino yun nagsasalita.
"Derrick?"
"Yeah ako nga. Nice naman to bump into you again dito pa."
Medyo naiirita ako pero pinakitunguhan ko pa rin ng maige.
"Yeah, nice to see you, too. Matutulog muna ako ha. Napagod ako sa coronation e."
"Sige. Take your time."
Actually nawala ang antok ko dahil sa inis. Wala na akong pagtingin sa kanya and I don't intend to talk to him and be friends with him pa.
I tried to sleep. Ipinikit ko mata ko. Tutal may pagitan naman ang upuan namin. Alam kong sinisilip niya ako na parang stalker.
Mukha niya. Dati na di ako sikat kung laitin niya ako ganun na lang. Tapos ngayon makikipag-usap siya sa akin? Excuse me naman diyan! Balewala na ang kagwapuhan niya sa akin. Dati iyon, nung patay na patay pa ako sa kanya. Pero ngayon, tae na siya sa akin. Hello, Reyna pa rin ako ano!
☆☆☆
The sixteen hours flight was too long. Buti di ako inistorbo ng lalaking katabi ko. At kahit pa istorbohin niya ako, balewala. Hindi ako makikipagkaibigan na sa kanya.
Nakarating kami ng Pilipinas by noon. Nandoon na si Nanay at Tatay na naghihintay sa akin. Nagmadali kase akong tumayo at umalis para di na ako makita at makausap ng Derrick na iyon. Natrauma na ako sa mga lalaki kaya toxic sila sa akin. Puro paasa at feeling. From now on, wala ng makakalapit pa sa akin na lalaki. Ayoko na muna. If ever na dumating iyon, kailangan paghirapan niya.
Ng makasakay ako sa kotse, nagkamustahan lang kami nila Nanay. Miss na miss ko na sila. Kinamusta ko ang mga pamangkin ko, ang mga ate at kuya ko.
"Maine anak. For good ka na ba dito?"
"I hope so Tay, Nay. Pero may offer sa akin na Fashion Consultancy sa New York. Pinag-iisipan ko pa."
"Sila Celeste at Pat. Kamusta?"
"Magstay pa sila doon ng one week para maiayos ang iiwan nila pero susunod sila kase may mga TV guestings ako. Nag-beg off muna ako sa camera. Pahinga muna."
"Good. Ipinabook na namin ni Tatay mo ang resort sa Batangas, sa Pico de Loro."
"I like that, Nanay. Thank you po."
"Welcome anak. Basta matulog ka muna, mahaba ang biyahe at trapik pa."
"Sige po Nanay. Napagod din kase ako."
Yakap ang travel pillow ko, natulog ulit ako. Nagising na lang ng makarating kami sa Bulacan.
When I went down, tinignan ko ang harapan at kabuuan ng bahay namin. Namiss ko ito. Isang taon din akong nawala dito. I' ll aapreciate muna ang pag-uwi ko. Tutal, my family is more important. Yun Alden at Derrick na iyon, wala ang mga yun! Di sila kawalan sa akin.
☆☆☆
Somewhere in Paris..
Matapos ang coronation, pinuntahan ko agad si Maine sa condo niya pero the receptionist said umalis na daw ito doon, umuwi na ng Pilipinas. Nalungkot ako. Malamang iniiwasan na niya ako. Baka ayaw niya talaga sa akin? O baka nakita niya ang Celebrity News about Camila Pressman. Hindi naman totoo iyon. Hinintay ko siya only to know na tinakasan niya ako. Ang saklap. Pero I won't give up on her. Never!
Di man lang niya ako hinintay makausap siya. Siguro inisip niya na nililigawan ko talaga si Camila.
Talagang ang babaeng iyon, ang baba ng tingin sa sarili!
Akala niya siguro matataguan niya akong muli lalo na ngayon na wala na siyang dapat pagtaguan, I will follow her and show her I love her...
A/N And the habulan starts now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro