Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7

We continued talking. Asking questions about ourselves. We decided to retire for the night around 12 and promised to spend the next day together till the time we'll back to Paris.

Bakit ganun? Kung kelan magkakalovelife ako, saka naman hindi pwede. My contract states that I should not be seen dating and bawal ang magkaroon ng lovelife. Kaya whether I like it or not, kahit kumakatok na ang pagkakataon, kailangang pigilan. I kept thinking, it's been only a day na nagkakilala kami ng lubusan pero bakit feeling ko, malaki ang mawawala sa akin if ever pinalagpas ko pa ito? I don't know. Pero iyon ang kutob ko sa nangyayari.

Nakapasok na ako sa kwarto para magpahinga pero binabagabag pa rin ako ng napag-usapan namin. Although he assured me na maghihintay siya pero it seems malabo iyon. Feeling ko lang naman. Isa pa bawal pa kami makitang magkasama. So pwedeng mawala iyong sindi ng apoy. I will be constantly going in and out of Paris kase for the whole year as the reigning queen. So ibig sabihin, hindi kami magkikita. Pero bakit ba? Hindi pa naman kami. At kahit pa nagsabi na siya ng intensiyon, di naman pwedeng magjump into the water ano. It's too early for that. Kaya nga mabuti na rin na malaman na niya yun challenge habang maaga pa para may panahon for him to backout.

It was almost two in the morning when I fell asleep. Napagod din ako sa ginawa ko today. My body says rest while my mind says the opposite. Kaya struggle talagang matulog. I need to stay focused. Sa sitwasyon kong ito, dapat paganahin ang utak. Hindi lahat ng pagkakataon naibibigay sa mga tulad ko. And sa dami ng paghihirap ko, hindi ko pwedeng iisantabi over lovelife which does not give me the assurance na magiging maganda. Iyon ang huling bagay na nasa isip ko bago ako tuluyang nakatulog. Kaya I'm firm when I say, let destiny find it's way. If we're destined for each other, then let it be.

☆☆☆

Nagising ako around eight in the morning. Naamoy ko yun tinapay na binebake sa baba at ang aroma ng coffee being brewed.

Naligo agad ako at naghanap ng pwedeng isuot. May mga dress naman sa supot na masasabi kong kumportable. 

Bumaba ako to find Alden sa dining area.

"Good Morning." Bati ko sa kanya. He was reading a news paper.

"Good Morning. Kain na tayo. Hinintay talaga kita bago ako kumain. What do you like?"

"Okay lang ako. Can we go back na sa Paris after breakfast? May aasikasuhin lang akong mga ilang bagay before the Fashion Show."

"Gusto mo na ba talaga?"

"Yes. Isa pa, diba sabi mo naman na maghihintay ka,I guess the more memories na gagawin natin today might make a big deal after. Kaya mabuti ng huwag na muna ngayon."

Nakita kong nalungkot siya pero kailangan na namin gawin iyon para na rin sa akin. Ako kase ang hindi pwede. Ako ang may kontrata.

"Okay. Pagkakain, babalik na tayo."

Kumain kami in silence. After noon, nag-ayos na ako.

He was already waiting sa baba.

"Are you ready?"

"Yep. Tara na."

We did not ride the helicopter. Nagtravel kami by land. Nakiusap siya na kahit sandali pa ay magkasama kami. Mamimiss daw kase niya ako. Pumayag na ako. Pero sinabi ko rin sa kanya na makikita pa rin naman niya ako pero hindi lang pwedeng lapitan kase iyon ay nakasaad sa kontrata ko na "No Boyfriend Policy"

Tahimik lang kami sa kotse. Mahaba kase ang biyahe. 3 hours from Cannes to Paris. Maganda ang view pero di ko talaga maappreciate. Nalulungkot ako na di ko mawari.

"Hindi ba talaga pwede na kahit kaibigan?" Basag niya sa katahimikan after an hour na walang salitaan.

"Kaibigan is okay. Pero papahirapan lang natin ang sarili natin."

"Does that mean gusto mo rin ako?"

"I did not mean it that way. Pero I know na pwede akong mahulog sayo which is not good sa career ko."

"Yun ba ang importante sayo?"

"Ang tagal kong pinangarap maging Beauty Queen. And kahit naabot ko iyon, gusto ko pa rin tapusin ang nasimulan ko. Besides, kakakilala pa lang natin, hindi naman siguro tayo makakasiguro na we will be together at the end. There's no such assurance. Kahit gusto mo ako. Or magustuhan kita. We' re not sure kong mag-click tayo together. Im just being practical."

"I understand. But just remember, andito ako. Maghihintay ako sayo."

"I hope mapanindigan mo yan"

"I will."

Balik sa katahimikan.

Ng makarating kami sa labas ng pad ko, he held my hand. He kissed it.

"Maghihintay ako. I promise you that."

"Alden, don't say that. Just do it."

"You're right. Ingat ka. I'll be here watching you."

"Thank you. Ikaw din. Take care." Humalik ako sa pisngi niya para pakonswelo sa mga nagawa niya para sa akin ng isang araw.

Pagbaba ko ng sasakyan. Diretso ako sa elevator at pumasok na.

Pagsarang-pagsara ng elevator, di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot. Lungkot na may kasamang luha. I never know kung ano ito pero ramdam ko, I tasted my first heartbreak.

A/N Happy Sunday everyone.

Toxic na naman sa Twitter at IG sa post ni Oreo sa Twitter. Nagkakagulo na naman. Ayoko na sana makakita ng ganun at magkasama sila kahapon at mukhang masaya naman sila pero umandar na naman ang overthinking skills ng ilang ADN kaya si Maine nadadamay. Ang mga fans talaga, hilig mag-assume at magkulay sa mga nababasa. Wala naman pinangalanan si Oreo pero feel na feel na binasag sila ni Oreo. I think it's not about AlDub dahil hindi nila sisirain ang nagpapakain sa kanila at bumubuhay, pero dahil magaling magkulay ang ibang fans, ayun todo bash si Pat at Oreo. Pati book launch ni Meng, sinasabing iboycott. Asan ang hustisya diba? Mga tao talaga, walang magawa!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro