Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

62

Nakarating kami kung saan naroon si Mafi.

"Mahal, huwag ka ng sumama, baka lalo lang mapahamak ang anak natin."

"Ayoko! Sasama ako!"

"Misis, huwag na po. Mas delikado. Sige na po. Dumito na lang kayo. Baka lalong mastress yun hostage taker, lalo ng malagay sa alanganin ang anak ninyo."

"Meng, iha, sumunod na tayo. Baka kapag nakita ka ni Mafi, lalo lang siyang magalit, baka kung ano pa gawin niya. Anak, makinig ka na muna sa kanila." Pakiusap ng Mommy ni Alden.

Ayaw ko man, pero wala akong nagawa. Hindi ko malaman kung saan ko ilulugar ang isip ko. Ang laki ng takot na bumabalot sa akin ngayon. Paano kung mawala ang anak ko? Baka ikamatay ko iyon.

Every minute is like  thousand years. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na ito. Takut na takot ako, kinakabahan, nalulungkot, naiiyak at lalung-lalo na nagagalit! Galit ako sa walanghiyang babaeng iyon.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Buti na lang dumating sila Nanay at Tatay, pati na ang mga ate at kuya ko.

"Menggay, ano ng nangyayari sa apo ko?" Tanong ni Tatay.

"Tatay, si Alaine.. Nay, baka kung anong mangyari sa baby ko. Natatakot ako."

"Magdasal tayo. Anak, may awa ang Diyos. Hindi niya papabayaan ang baby mo."

"Nanay, sana nga makaligtas ang anak ko. Maloloka ako, hindi ko iyon kakayanin. Diyos ko, sana iligtas mo ang anak ko...maawa ka sa amin."

Iyak ako ng iyak. Si Tatay ay sumunod sa taas, kasama sila Kuya. Hindi nila ako pinayagang umakyat. Baka daw makasira ako sa diskarte ng mga pulis at ni Alden.

Habang balisa ako na naghihintay sa isang kwarto sa building, napapanood ko ang mga nagaganap sa CCTV.

"Mafi, ibigay mo ang anak ko, ako ang kailangan mo diba? Huwag mong idamay ang anak ko." Sabi ni Alden.

"Hindi! Hindi na ninyo makikita ang bata. Kasama ko siyang mamamatay!" Sagot ng babaeng luka-luka.

"Kunin mo ako. Ako na lang. Sasama ako sayo, ibigay mo lang ang anak ko sa kanila. Sasama na ako sayo."

"Niloloko mo lang ako! Hindi mo naisip yan nung dati! Minahal kita. Pinangarap kong makasama ka! Pero anong ginawa mo? Ipinagpalit mo ako sa babaeng iyon! Hindi ko matatanggap na iniwan mo ko dahil sa Maine na iyon! Hindi!"

"Kahit ano, gagawin ko. Ibigay mo lang ang bata. Pangako, iiwan ko si Maine, para sayo. Huwag mong idamay ang bata."

Nakikita ko ang mga tao sa paligid nila. Nasa gitna si Alden, samantalang nasa bingit ng kamatayan si Mafi kasama ang anak ko. Ang sakit sakit dahil wala akong magawa. Hindi ko na iniintindi ang sinasabi ni Alden na iiwan niya ako, ang mahalaga na lang sa akin ay makuha ang anak ko.

"Eto ako. Ako na lang, huwag na ang bata. Sa iyo na ako. Pangako."

"Niloloko mo lang ako. Kung talagang totoo yang sinasabi mo, papuntahin mo dito yang Maine na yan! Ibibigay ko ang bata sayo, pero siya ang ipapalit ko!"

"Wala siya dito. Ako na lang."

"Hindi! Siya ang gusto ko!"

Wala na akong inaksayang oras, tumayo ako.

"Anak? Huwag! Hayaan mo na sila!" Awat ni Nanay.

"Hindi, Nay. Para sa anak ko. Ako haharap sa babaeng iyon!" "

Paano kung mamatay ka? Paano kung.."

"Huwag kayong mag-alala! Kung sakali man, yun anak ko alagaan ninyong mabuti. Nay, hayaan na ninyo ako."

"Anak, huwag! Makinig ka sa amin!"

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin pa nila Nanay. Sumunod ako sa taas. Hinabol ako ni Ate Coleen.

"Maine, mag-ingat ka!"

"Oo ate! Mag-iingat ako! Ipagdasal ninyo na lang kami ng anak ko."

Habang paakyat sa elevator, hindi ko alam kung anong iisipin ko. Basta ang mahalaga, mailigtas ko ang anak ko. Di bale ng mamatay ako, basta masiguro ko lang na mabubuhay ang anak ko.

Nang makarating kami ng pulis na kasama ko sa taas, mabilis akong lumapit kay Alden.

"Mahal, bakit nandito ka?" Tanong niya.

"Hayaan mo na ako. Ako ang  gusto ng babaeng iyan."

"Pero.."

"Andito na ako! Ako ang kunin mo, ibigay mo kay Alden ang anak ko!"

"Magaling! Kung di  ko lang naman makukuha si Alden sayo, mabuti pa na isama na kita sa kabilang buhay!" Sabi ng baliw.

"Sasama ako sayo! Ibigay mo lang ang anak ko kay Alden."

"Sige! Ikaw muna ang lumapit dito. Susunod kayo sa gusto ko!"

Lumapit ako sa kanya. Agad niya akong pinaakyat sa flatform kung saan siya nakatayo. May fear of heights ako pero di ko na iyon alintana.

"Lumapit ka dito, Alden! Kundi, ihuhulog ko ang anak at asawa mo sa building na ito!"

Unti-unting lumalapit si Alden sa amin. Kapit na kapit ako sa anak ko habang nakalagay ang mga kamay niya sa leeg ko. Isang pagkakamali lang, mahuhulog kaming tatlo.

"Hayop kang babae ka! Akala mo, bubuhayin pa kita? Nagkakamali ka!"

"Pabayaan mo na ang anak ko. Ako na lang, huwag mo na siyang idamay!"

"Dahil sa mabait pa rin ako, sige! Ibibigay ko kay Alden ang anak mo! Pero sasama ka sa akin tumalon dito!"

"Ibigay mo na muna si Alaine sa ama niya. Pagkatapos noon, gawin mo na gusto mo! Nagmamakaawa ako sayo. Huwag mong idamay ang anak ko." Umiiyak na ako.

"Hahaha! Ganyan! Umiyak ka! Pero bago ko ibigay ang anak mo, gusto kong sabihin sayo, sinundan ko yang asawa mo sa France! Hindi niya ako pinansin kahit nagmamakaawa ako sa kanya! Kaya ngayon, eto, hindi ko rin siya pagbibigyan!"

"Maawa ka sa bata!"

"Mafi! Parang awa mo na, tugilan mo na yan!" Sigaw ng Nanay niya.

"Mommy! No! I won't! Ayokong magdiwang ang babaeng ito! Hinding-hindi!"

"Anak, andito naman ako! Mahal kita!"

"Mommy, huwag ka ng makialam! Umalis ka dito! Ikaw babae ka! Sige, subukan mong magpumiglas, ihuhulog ko tayong tatlo dito!" Sigaw pa niya.
Ang lakas ng kaba ko, habang hindi pa nakakaligtas ang anak ko.

Ang sabi nila, kailangan idistract siya para makakita ng butas at mailigtas kami, o kahit ang anak ko na lang. Handa na ako sa mangyayari sa akin.

"Mafi, akin na yun bata. Huwag mo siyang idamay." Sabi ni Alden.

"Mahal na mahal kita Alden! Ako na lang! Piliin mo ako! Ipinapangako ko, bubuhayin ko ang anak mo. Pangako iyon!"

"Sayung-sayo na si Alden, huwag mo na lang idamay ang anak ko!"

"Manahimik ka!"

"Mafi, amina ang bata. Sasama ako sayo, matapos lang ito."

"Talaga? Mangako ka muna!"

"Nangangako ako. Akina ang bata."

Iaabot na niya ang anak ko kay Alden ng madulas ang isang paa niya sa bingit! Mabilis na naagaw ni Alden ang bata.

Napasigaw ako! Na-out off-balance kami. Mahuhulog na kami kaya pumikit ako, sana nga lang, nakuha ni Alden ang bata. Kumapit ako sa kahit na anong makakapitan ko. Buti na lang ay may bakal na naka-usli na nahawakan ko. Si Mafi naman ay nakakapit na din sa damit ko. Dahilan para unti-unting nasisira ang suot ko. Nagkukumahog siya sa kung anong mahahawakan niya sa akin na nagpapahirap at nagpapabigat sa aming dalawa. Konti na lang at napapagod na ako sa pagkapit sa bakal, makakabitaw na rin ako. Dala na rin ng pawis sa kamay ko, unti-unti ng dumudulas ang kamay ko.

Umusal na ako ng dasal. Humingi ng tawad sa mga kasalanan ko. Alam kong kamatayan na ang naghihintay sa akin.

Tanggap ko na ito na katapusan ko na ng maramdaman kong nakabitaw na si Mafi sa akin at tuluyan na siyang nahulog sa building. Ako na ang susunod.

Mabilis ang pangyayari, naramdaman ko na lang na may dalawang malalakas na bisig ang humihila sa akin pataas. Iminulat ko ang mga mata ko. Ang asawa ko. May bahid ng luhatat takot sa mga mata niya.

"Mahal, stay strong. Ligtas ka na. Hawak na kita."

Iyon lang at bumitaw na ako sa hawak ko at hinayaan siyang hilahin ako pataas.

Pag-alis niya sa akin sa bingit ng kamatayan, nanghina ako sa ordeal namin. Hinimatay ako. Di ko na alam kung anong nangyari.

Iyon ang huling alaalang natandaan ko bago ako nawalan mg ulirat.

A/N Ang hirap iexecute! Anyway, Epilogue is the next! Thanks sa #38! Ang saya-saya ko po! Maraming-maraming salamat sa inyo!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro