61
Alaine made it to full term. Today is the day na iuuwi na namin siya sa bahay.
Since I checked out sa hospital, everyday din dinadalaw namin si Alaine. I just don't want to leave her there alone. Naiiyak nga ako kapag gabi dahil gusto kong makatabi ang baby ko.
Kaya now na iuuwi na namin siya, I'm so happy. Wala ng mapagsisidlan ang ligaya ko.
"Are you ready, mahal?" Tanong ni Alden.
"Never been ready my whole life, mahal. Just don't forget yun camera and the baby carrier ha."
"Nasa kotse na. Tara na. Sunduin na natin ang prinsesa natin."
"Tara!"
We went to the hospital to get our baby. I was the one who waited sa nursery until Alden came back from the billing station to settle our bills. After sinundo na niya kami.
"I will carry our baby, mahal. Ikaw na sa mga gamit niya." I said.
"Kaya mo na ba? Baka bumuka yun tahi mo."
"Mahal magaan lang naman ang baby natin, isa pa, I want to smell her."
"Okay. Tara na." They released my baby and then diretso kami sa lobby. Kukunin na lang ni Alden ang kotse para di na ako mahirapan pang maglakad.
While waiting for Alden, tinitigan ko ang baby ko. She's yawning. Ang cute lang na may batang nabuhay sa sinapupunan ko. I can't help but cry. Sobrang saya sa pakiramdam na may anak na ako.
"Mahal, halika na."
On our way to our condo wala akong ginawa kundi tignan at hawakan ang kamay ni Alaine. She's so pretty. She completes me.
As soon as makarating kami sa condo, inalapag ko kaagad si Alaine sa kama namin.
"Mahal, look at her o. Ang puti. Mana sayo."
Lumapit si Alden sa aming mag-ina at hinalikan sa paa ang baby. Dumapa siya sa tabi ng anak namin samantalang ako ay nakaupo naman sa gilid ng kama.
"Mahal, salamat. Ang ganda-ganda ng anak natin."
"No, Thank you! Kundi dahil sayo, wala ang baby ko ngayon. Salamat mahal."
"Promise mahal, hindi ko kayo pababayaan. Mamahalin ko kayo hanggang nabubuhay ako."
Naiiyak ako sa usapan namin habang pinagmamasdan ang anak namin. Wala na siguro akong mahihiling pa. Nasa akin na ang lahat.
☆☆☆
It's been six months since I gave birth. Today is the blessing of our new house. Pinarenovate lang namin ang bahay na nabili namin dito sa Alabang. Tutal naman medyo bago pa ito nung nakuha namin.
Maingat din ako kase nga bagong opera ako.
Busy kaming lahat. Si Alaine naman ay nasa Mommy ni Alden. Siya daw muna ang mag-aalaga habang inaayos namin ang lahat dito sa bahay.
We were busy arranging all the necessaries sa blessing when someone called.
"Hello?" Nagulat si Alden. Di ko pa alam ang nangyayari.
"Ano? Paano?" Balisa siya habang kinakausap ang tao sa telepono. Bigla niyang ibinaba ang telepono.
"Mahal? Ano yun? Bakit?" Sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
"Mahal, si baby Alaine.."
"Anong nangyari kay Baby Alaine? Alden ano?"
"Mahal, si baby Alaine, kinuha ni Mafi!"
"Noooooo!" Napaupo na ako. Di ko na kinaya.
"Mahal don't worry, Mommy called the police. Makikita natin si baby. Pupuntahan ko si Mommy! Dito ka na lang."
"Hindi! Sasama ako! Gusto kong makita ang anak ko! Sasama ako!"
"Huwag na mahal! Makakasama pa sayo. Bagong opera ka."
"Hindi! Mamatay ako dito kapag di ko nakita ang anak ko! Sasama ako."
"Mahal?"
"Hindi, Alden! Sasama ako!" Tumayo na ako kahit nanghihina pa ang mga tuhod ko.
Hinawakan niya ako sa kamay at tinungo ang kotse.
Dumiretso kami sa bahay nila Mommy sa Makati.
"Ma! Tumawag na ba yun Mafi na yun? Hayup siya! Mapapatay ko siya sa ginawa niya!" Galit na galit si Alden. Ako at si Mommy naman ay iyak ng iyak.
"Mga anak, sorry. Di ko alam na gagawin niya yun. Pumunta siya dito para humingi ng paumanhin sa mga nagawa niya. Akala ko mabuti intensiyon niya. Mukha kaseng nagbago na siya at natanggap na hindi mo siya magugustuhan Alden, pero nagkamali ako. Kase nung nalingat lang ako, kinuha niya si Alaine. Sorry mga anak. Huwag kayong mag-alala, tumawag na ako sa police station. Naka-manhunt na siya sa ngayon."
"Mommy naman! Bakit mo pinagkatiwalaan ang babaeng iyon? Paano na ngayon? Baka kung anong gawin niya sa baby namin?"
"Mommy, tinawagan ba ninyo yun nanay ni Mafi? Baka alam niya kung nasaan na yun anak niya?" Sabi ni Alden. Nakaupo lang ako at umiiyak. Di ko talaga kakayanin kung mawawala ang baby ko. Ikamamatay ko iyon.
"Tinawagan ko na. Di daw niya alam na gagawin ni Mafi iyon. Anak, tumawag na ako ng mga pulis."
"Ma, hindi ako makakapaghintay dito. Kailangan kong gumawa ng paraan." Pabalik-balik si Alden. Ako naman ay nakaupo lang sa isang tabi at balisang-balisa. Ang mommy niya ay umiiyak na rin. Wala akong masisisi sa nangyayari. Dapat di ko na lang ipinagkatiwala muna sa Mommy niya ang bata, e di sinsana, masaya kami ngayon. Di tulad nito na nawawala ang anak namin.
Maya-maya lang ay may tumawag. Si Alden na ang sumagot.
"Hello! Ano? Saan? Pupunta na kami diyan!" Sigaw niya sa telepono.
"Alden, anak? Sino yun tumawag? Ano ng balita?"
"Ma, si Mafi, nakita na siya! Hinostage niya ang baby ko. Nasa taas siya ng building. Kapag di ko daw siya pinuntahan, tatalon siya kasama si Alaine!"
Lalo na akong natakot. Ang anak kong walang kamuwang-muwang, nadadamay sa kalokohan ng babaeng iyon.
"Alden, ang anak natin? Sagipin mo ang anak natin."
Umalis na kami nila Mommy para puntahan kung nasaan si Mafi. Halos hindi na sumayad ang gulong ng sasakyan namin. Walang ni isa ang nagsasalita. Walang masisi. Lahat ay nag-iisip.
Paano na ang baby ko? Maaabutan ko pa kayang buhay ang anak ko? Baliw na ang babaeng iyon, para idamay niya ang anak ko.
Kinakabahan man, kailangan naming magmadali at abutan si Mafi. Wala ng oras. Naloloka na ang babae. Desperada na siyang makuha muli si Alden. Wala na akong pakialam, basta ang mahalaga, makuha ko ang baby ko ng ligtas.
Panginoon, sana tulungan ninyo kami.
A/N bukas na po ulit!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro