57
We were on our way to the doctor for my monthly check up. It's my fifth month sa pagbubuntis. Medyo nabawasan na yun sama ng pakiramdam pero meron pa rin. I guess buong pagbubuntis ko, kailangan kong tanggapin na ganun. Anyway, nasasanay na ako. Few meals lang ako para di ako magsuka.
Alden was driving the car with utmost care. Gusto niyang masiguro na hindi gaanong matagtag para di ako mahirapan. Kase pakiramdam ko minsan, parang mahuhulog yun laman ng tiyan ko lalo na kapag naglalakad ako. Ganun daw iyon. Kaya doble ingat kami.
The check up went well. Malapit na daw akong makalagpas sa six months delicate period. Konting tiis na lang daw. Kaya lang sinabi pa rin ng doktor na mag-ingat pa rin ako kase nga may tendency na mag-early labor ako kung hindi ako mag-iingat. May nanganganak daw ng seven months. At least seven months nga daw. Kaya kailangan ko pa rin na bedridden hanggang sa makapanganak ako.
Maayos din naman ang nakuha ni Alden na tagapagbantay ko, si Manang Helen. Maalaga siya. Pinapayuhan nga niya ako ng mga dapat kong gawin. Sa apat daw na anak niya, halos lahat daw ay maselan ang pagbubuntis niya. Ganun pa man, naipanganak naman niyang lahat ng maayos ang mga anak niya. Malalaki na daw ito at may mga pamilya na kaya napagpasyahan niyang mamasukan. Magkasundo kami ni Manang at napagkakatiwalaan namin siyang mag-asawa.
☆☆☆
I woke up na masama ang pakiramadam. Hindi yun may masakit o may dinaramdam na hirap, masama pakiramdam ko kase gusto kong pumunta sa Mall para mamili ng gamit ng baby ko. Ni isa ay wala akong nabili dahil ang lahat ay bigay ng mga ate ko o kaya nila Nanay at Mommy. Pero ayaw ni Alden akong palabasin. Sinabi ko naman na ayos lang ako. Pwede naman akong magwheel chair pero ayaw niya talaga. Kaya ayun, ang ending naiirita ako sa kanya. Ganumpaman, sinunod ko pa rin siya kase ayoko naman din mailagay sa alanganin ang baby ko.
"Mahal, baka pumunta ako sa France sa makalawa. Ayoko sana kaya lang, kailangan daw talaga. Kaya mo bang mag-isa?"
"Oo naman. Okay lang ako. Sige go!"
"Di mo ba ako pipiitin?"
"Bakit naman?"
"Wala lang. Di mo ba ako mamiss?"
"Sus, Alden! Sandali ka lang doon diba?"
"Two weeks."
"Ha? Bakit matagal?"
"Dami daw kase kailangang asikasuhin. Tapos pupunta pa ako ng Cannes. Bibisitahin ko yun resthouse natin doon. May buyer nga and he's offering double the price. I'm thinking of selling it nad ilagay yun pera sa trust fund ni baby."
"Okay."
"Okay lang sayo? Diba gusto mo yun lugar na iyon?"
"Sayo naman iyon. Di akin. Kaya pwede mong gawin ang gusto mo."
"Mahal galit ka ba? May nagawa ba ako? Mainit ata ang ulo mo? Kanina Alden lang tawag mo sa akin."
"Ano ka ba? Sensitive mo naman. Wala lang iyon. Huy, di ako naiinis. Kase naman, ano kase, gusto ko lumabas. Magseven months na tiyan ko papagod na ako dito sa bahay tapos iiwan mo pa ako. Ano ng gagawin ko? Kawawa naman ako."
"Ay kawawa naman talaga ang mahal ko. Pero konting tiis na lang mahal. Promise pagbalik ko, aalis tayo. Promise iyon."
"Talaga? Tawagan mo ako palagi ha?"
"Oo naman. Pero Mahal, baka hindi ko ubusin yun 2 weeks, uuwi ako kapag wala na akong gagawin doon."
"Okay, mahal." Sumimangot ako pero pinilit niya akong ngumiti. Pinipitik niya ilong ko.
"Kakainis ka! Laki na nga ng ilong ko e!"
"Hindi naman. O sige kase medyo matagal ako mawala, bukas magdinner tayo sa labas. Isasakay nga lang kita ng wheelchair para di ka mapagod."
"Yes! Thank you!" Hinalikan ko siya. Pinupog na halik ang buong mukha niya. Nagawa ko iyon kase nakakandong naman ako sa asawa ko.
"Yan, masaya na misis ko."
"Pero mahal, may isa pa."
"Ano yun?"
"Punta rin tayo ng mall. Gusto ko bumili ng ilang gamit ni baby."
"Marami na mahal ah."
"Basta. Sige na. Gusto ko naman na ako ang pipili ng iba."
"Okay. Pero sandali lang ha?"
"Yes! Promise! Love you!"
Halik ang iginanti niya sa akin.
Pagkatapos noon ay napagpasyahan naming pumasok na sa kwarto. Binuhat niya ako papunta sa bedroom namin. Masaya ako kase makakalabas ako bukas bago siya umalis papunta sa France. Can't wait na gumala bukas.
A/N Bukas na po. Konti na lang. Last two chapters na lang siguro. I hope.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro