56
I am in my third month. Mas mahirap pala sa inaakala ko ang pagbubuntis ko. Naiinis ako sa lahat ng may amoy. Lalo na ang amoy ng pabango. Struggle yun paglilihi talaga. Lahat na lang ng pagkain ay inaayawan ko. Hindi naman yun katulad ng nababasa sa libro na naghahanap ng kakaibang pagkain, basta ayoko lang kumain ng ayaw ko. Lalo na yun naamoy ko yun ginisa. Ang gusto ko lang kainin ay Lays at Ruffles. Hindi naman pwede iyon lagi. Kase di naman tama iyon ganoong pagkain. Kaya I tried to eat fruits, cereals at kung anu-ano lang healthy food. Yun nga lang iyong iba, isinusuka ko na.
"Mahal, kung pwede ko lang kunin yang sama ng pakiramdam mo, ginawa ko na."
"Okay lang ako mahal. At isa pa, di mo magugustuhan ang nararamdaman ko. Ang hirap. Lagi na lang akong nahihilo."
"Kaya nga. Naaawa na ako sayo. Pero sabi naman ni Doc, malapit ng mabawasan yan. Kapag nakalagpas ka na ng first tri-mester."
"Sana mahal. Sana. Ayoko na ng naglilihi. Nakakadala."
"Hindi na muna natin susundan si Baby."
"Mahal, gusto ko ng lumabas. Napapagod na ako dito sa bahay."
"Hindi daw pwede mahal. Diba sabi ng doktor, hindi ka pwede masyadong mapagod. Madali kang makukunan."
"Kunsabagay. Nalulungkot lang kase ako minsan kapag wala ka."
"Don't worry, uuwi ako ng maaga and minsan, dito na lang ako magtratrabaho."
"Talaga mahal?"
"Para sayo. Nanakuha na rin nga pala ako ng tagabantay mo. Bukas dadating."
"Ano iyon? Bata o matanda?"
"Matanda. Ayokong mastress ka kapag bata. Isa pa, gusto ko rin na may alam na sa ganyan, para naman maalagaan ka ng maayos."
"Salamat mahal. Buti na lang ikaw ang asawa ko."
"Siyempre. Mahal na mahal kita."
Sana matapos na ang paglilihing ito. Nakakainip din sa bahay. Palitan nga sila Ate, Jan at Selena, mga kuya ko, sila Nanay pati si Mommy na nagpupunta dito sa condo para tignan ako. Nariyan din sila Allan at Joan na dumadalaw sa akin kapag hindi masyadong marami ang trabaho sa shop at kapag may papapirmahan sa akin tungkol sa mga contracts. Kaya at least may nakakausap ako. Si Alden naman ay umuuwi ng maaga o kaya naman ay sa bahay na lang siya nagtratrabaho para bantayan ako.
Wala na akong mahihiling pa.
Pero sabi nila, kapag puro saya, may biglang dadating din na problema. Sana nga lang di ganoon kalaki. Ayokong mastress dahil baka maapektuhan ang baby ko.
A/N The end is near na po talaga. I can't think of anything else na para mapahaba ang story. Ganun talaga, pero salamat kase nakaabot ako sa #59! I'm so thankful sa inyo!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro