53
This chapter is dedicated to my students, joymiecs and yssangxyssaw10. E di batiin diba? Hehehe.. may mga kwento pa kayong di nasasabi sa akin. Upuan na nati yan pagpasok bukas.
When Alden fetch me, agad niyang tinanong ang araw ko. Actually okay naman talaga ang araw ko. Ang hindi lang maganda e yun nalaman kong pumunta si Mafi sa office para mang-giyera.
"Mahal, I'll talk to Mom. Hindi na nakakatuwa pinaggagawa nila. Nung last last week, si Mommy sumugid sayo, tapos sumunod naman yun Mafi na iyon. Di na sila nakakatuwa."
"Hayaan mo na mahal. Di lang siguro matanggap na kasal na tayo."
"I won't let them harm you. Kakausapin ko sila Mommy."
"Do I need to be there?"
"No need na siguro. Pero if you want, pwede naman."
"I'll be there with you, mahal. Para kung galit man ang Mommy mo, I will show her, I love you. Para matanggap na niya ako."
"I hope so mahal. I hope so.."
Ang hirap kapag may nakikialam na pamilya sa relasyon ng isang tao. Masuwerte na lang ako kase my family supports me. Kung hindi, malamang mahihirapan kami. Basta ang importante, magkasama kami sa labang ito. Iyon lang ay kuntento na ako.
☆☆☆
After dinner, we decided to just watch a movie. Ayoko naman na lagi na lang harutan. Kahit naman bagong kasal kami, dapat pa rin meron usapan. Nagluto ako ng cheese sticks and made some tacos para habang nanunuod kami ng pelikula ay may kinakain kami.
"Mahal, gusto ko itong ganito." Sabi niya habang sumusubo ng pagkain.
"Ang alin?"
"Eto, yun after work, may ganito tayo. Ang sarap umuwi kase may naghihintay na ganito sa akin."
"Kunsabagay. Lalo na kapag may mga anak na tayo, maybe magiging mas masaya kapag magkakasama tayo dito sa family room."
"Do you want to buy a new house? I mean, gusto ko dito habang tayong dalawa pa lang. Pero kapag magka-baby na tayo, kailangan natin ng mas malaki para may iikutan ang mga anak natin."
"Mga talaga?"
"Oo mga! Madami kailangan!"
"Ilan ba gusto mo?"
"Ilan ang kaya mo?"
"Mahal, kailangang may family planning tayo, ayoko naman ng taun-taon."
"Siyempre mahal. Yun apat siguro pwede na. Para masaya."
"Okay."
"Payag ka?"
"Bakit hindi?"
"Good. Sana may laman na yan tummy mo."
"Sana."
Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo ng biglang may magdoorbell.
"Do you have a visitor, mahal?" Tanong niya sa akin.
"Wala naman. Sino kaya yun?"
"Ako na magbubukas."
Lumapit siya sa pinto para tignan sa peephole kung sino ang kumakatok.
"Si Mommy." He mouthed.
Napailing na lang ako.
"Open it, mahal."
Binuksan niya ang pinto at pinapasok ang mommy niya.
"Why are you here, Mom?" Bungad niyang tanong.
"Bakit? Ayaw mo ba akong makita? I missed you, son."
Lumapit ako sa kanila at inayang pumasok ang biyenan ko.
"Pasok po Mam."
"Mam? Diba kasal na kayo?"
"Mommy, don't talk to my wife like that."
"Sorry." Tumango lang ako.
"Upo po kayo. Ano pong gusto ninyong inumin? Kainin?"
"Okay lang ako. Di naman ako magtatagal. Gusto ko lang kamustahin ang anak ko."
Umupo siya sa single couch at kami namang mag-asawa ay magkahawak ang kamay na umupo sa mahabang couch.
"Di na ako magpapaliguy-ligoy pa. I know magpakasal na kayo ng anak ko. At kahit ano pang gawin ko, alam kong hindi ko na iyon mababago. Kaya nagpunta ako dito para sabihing tinatanggap ko na yang ginawa ninyo."
"Talaga Mommy?" Masayang tanong ni Alden.
"Ayoko namang maging kontrabida sa inyo, naisip kong di nga pala pwedeng ipilit ang pagmamahal. Kaya oo, hahayaan ko na kayo."
"Salamat po, Mam."
"Mommy na rin. Manugang na kita. Sana nga lang, alagaan mo ang anak ko."
"Opo! Makakaasa kayo, Mommy." Masaya ako dahil sa wakas, tinanggap na rin niya akong anak.
"Mommy, thank you! Pinasaya mo kaming mag-asawa. Salamat! Salamat!" Si Alden naman ang nagpasalamat sa Mommy niya.
Maluha-luha ako dahil sa wakas, wala ng problema, tanggap na kami ng Mommy niya. Sana nga lang, totoo iyon.
"O bweno, kelan ang kasal ninyo sa simbahan? Siguro naman may plano na kayo?"
"May plano na po kami. Gusto ko rin naman mabigyan ng magarbong kasal ang asawa ko. She deserves that."
"Good. O paano, aalis na rin ako at ng makapagpahinga kayo." May ngiti na ito sa labi na lalong nagpasaya sa akin.
Bago ito tuluyang umalis, niyakap ko ito at personal na nagpasalamat.
"Salamat po. Pinasaya po ninyo kaming mag-asawa." Sabi ko sa kanya.
"Walang anuman. Di naman ako masamang tao. Gusto ko lang kaseng pagbigyan yun kumare ko. Pero yun nalaman ko na nag-iskandalo si Mafi sa Shop mo, nahiya ako. Di ang ganung klase ng babae ang hahayaan kong mapangasawa ng anak ko."
"Marami pong salamat." Yumakap ako sa kanya at ganun din siya.
Masaya naming inihatid ang Mommy niya hanggang makasakay ito sa elevator.
"Mahal, finally! Maayos na ang lahat."
"Oo mahal. Salamat sa Diyos."
Iyon lang at magkahawak kamay kaming bumalik sa unit namin.
A/N Gonna update one more later. Malapit na po ang pagtatapos. Within this week, matapos na ito. Marami pong salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro