Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45

We just slept that night. Yun yakap na matagal namin di nagawa, sa wakas nangyari na ulit. Basta we know, gusto muna naming maging mapayapa ang kalooban sa mga oras na iyon kaya wala munang nagsalita.

Kinabukasan, nagkasundo kami na hindi magsabay umuwi. Sasabay ako sa mga kasamahan ko at siya naman ay uuwi mag-isa. Pero susunod siya sa condo ko.

Si James naman ay didiretso na sa Airport dahil kailangan na niyang bumalik sa Amerika. Pero bago kami umalis sa Tagaytay, nakapag-usap na sila ni Alden at ibinilin nga ako na alagaan at huwag ng sasaktan. Maayos silang nagkasundo. Bagay na ikinatuwa ko.

Isa na lang ang problema, yun Mommy ni Alden. Ang alam kase niya ay magpapakasal na si Alden at Mafi. Pero hindi na mangyayari iyon. Sinabi ko kay Alden na ayusin muna ang sa kanila ng Mommy niya bago siya pumunta sa akin. Ayoko namang lumabas na mang-aagaw dahil in the first place, akin na naman siya. Nagkahiwalay lang kami dati dahil sa ex niya at sa pagkamatay ng ama niya. Pero ngayon, sa tingin ko, pwede na namin ituloy ang pagmamahalan namin. Sana nga maayos na sila ng Mommy niya kase di ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ito sang-ayon.

☆☆☆

Ng nasa Manila na kami, nagpababa lang ako sa Van sa tapat ng condo ko. Malayo pa kase ang uuwian nila kaya hindi na rin sila nagtagal. Di na rin ako makakabalik sa shop kase tanghali na at pagod na rin ako. Meron naman akong mga tao roon na kayang humarap sa mga kliyente kung sakaling may magwalk-in. Medyo maganda rin kase ang reception ng tao sa aking negosyo na nakakataba ng puso. Malamang dala na rin ng pagiging beauty queen ko dati.

Pag-akyat ko sa unit ko, ibinaba ko lang ang mga gamit ko at natulog na ako. Napagod din ako sa biyahe. Hindi ko naman inaasahan na dadating agad si Alden sa condo. Kaya nagpahinga muna ako.

Makalipas ang ilang oras na pag-idlip, nagulat na lang ako kase may nagdoorbell.

Nagmadali akong maghilamos at lumabas upang tignan kung sino ang bisita ko. Sinilip ko muna sa peephole kase baka wrong door na naman ng room service.

Nakita kong si Alden kaya mabilis kong binuksan ang pinto.

"Mahal? Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya kase para siyang pinagbagsakan ng langit.

"Nag-away kami ni Mommy."

"O bakit? Halika umupo ka muna. Anong gusto mo?"

"Water na lang muna, mahal."

Tumayo ako at ikinuha siya ng tubig. Pagbalik ko ay iniabot ko sa kanya at umupo sa center table sa tapat niya.

"Nagalit si Mommy kase di na matuloy yun kasal."

"..."

"Sinabi kong di ko mahal si Mafi. Pero ayun nagalit siya. Sinabi kong nagkabalikan na tayo. Nag-away na kami."

"Ayaw pa rin niya sa akin?"

"Di naman sa ganun, kaya lang kase matalik niyang kaibigan ang Mommy ni Mafi, ano na lang daw sasabihin niya sa kumare niya at hiniwalayan ko si Mafi at di na pakasalan?"

"Ganun pa rin ba sa ngayon? Fixed marriage?"

"Di ko alam kay Mommy. Ang sabi ko kung mahalaga ako sa kanya at mahal niya ako, di niya ako pipiliting pakasalan si Mafi."

"O anong sabi niya?"

"Importante daw yun Palabra de Honor."

"Anong sabi mo?"

"Mas mahalaga ang tunay na pag-ibig. Aanhin yun palabra de honor na sinasabi niya kung di naman ako masaya. Isa pa, hindi naman ako pumayag sa ganun. Sinabi ko na nung una na hindi ko papakasalan si Mafi dahil mahal kita. Pero si Mommy, madali siyang nakumbinsi nung mag-ina nila Mafi."

"Ano ng gagawin mo ngayon?"

"Magpakasal na kaya tayo. Para wala na silang habol."

"Alden, di yan ang sagot."

"Alam ko. Pero ayoko ng malayo sayo. Lalo na at nagkabalikan na tayo."

"Papayag ka ba na ikasal pa rin kay Mafi?"

"Hindi. Ayoko!"

"So di natin kailangang magmadali. E di harapan mong ipakita na hindi ka papayag na magpakasal kay Mafi kase di rin kayo magkakasundo at palagi langag-aaway. Isa pa, baka iyon pa maging dahilan para magkasala ka. Kase kung di mo mahal, hindi ka rin makakali sa bahay ninyo. Ipaliwang mo sa kanila iyon."

"Mahal, mahirap."

"E anong gagawin mo?"

"Pwede bang dito na lang muna ako. Hanggang marealize ni Mommy na ayaw ko kay Mafi. At di napipilit ang pag-ibig."

"Ikaw ang bahala. Kaya lang asan ang gamit mo?"

"Nagdala na ako. Kukunin ko lang sa kotse ko. Kapag naiakyat ko na dito ang gamit ko, aalis ako at ihahatid ko yun kotse ko sa opisina. Mag-grab na lang ako pabalik. Para di malaman ni Mommy kung nasaan ako."

"Okay. Ikaw ang bahala. Kaya lang lagi ako sa shop."

"Okay lang din. Hihintayin na lang kita dito mahal ko. Ako na magluluto ng pagkain mo."

"Marunong ka ba?"

"Oo naman."

"E maglaba?"

"Oo."

"Magplantsa? Magsaing? Maglinis? Kaya mo ba yun?"

"Siyempre naman."

"Okay you're hired!"

"Love you mahal."

"Love you, too! Gutom ka na? Magluto na ako ng dinner natin?"

"Di pa pero pagkahatid ko ng kotse, kain na tayo."

"Sige. Akyat mo na yun gamit mo tapos, magluto na ako. Para pagbalik mo, dinner na tayo. Oaky ba yun?"

"Yes Mam!"

At kinuha na niya ang gamit niya. Nanganganib ang puri ko sa mga oras na ito. Sa totoo lang, lalo na kung magkatabi na kami matulog ulit. Kinakabahan ako.

A/N Pasensiya na po sa late update. Marami lang ginawa sa school. Pero sana natuwa kayo sa ud ko tonight!

Happy No classes bukas sa public schools!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro