Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

40

The day of the most awaited Pre-Nup.

Naconfirm ko na si Alden nga ang Fiancè nung Mafi Dominguez. Naikwento ni Mamu na nalaman din lang  niya yun nung araw na iyon. Okay lang daw na huwag na akong punayag sa agreement pero sabi ko, ayokong masabihang bitter kaya tinanggap ko pa rin. Kuntodo pagalit at sermon ang inabot ko kay Jan at Selena. Pero kung talaga daw bang masokista ako, e di humayo ako. Actually pwede ko naman icancel kaya lang sabi nila, face your fears. O di gora pa rin kahit alam kong pahirapan makipagdeal sa Alden na yun.

☆☆☆

Maaga ako sa venue. Actually kase naroon na daw yun mga ikakasal. Hindi ko lang alam kung alam na ni Alden na ako ang stylist ng mapapangasawa niya. Siguro naman kung alam niya, pwede na sigurong sila ang umayaw diba? Pero wala. Di sila nag-cancel. Siguro nga ipapakita niya sa akin na wala na akong halaga sa kanya. E di wow! Ako din. Kaya ko ng makipagplastikan sa kanya.

Iyon na nga  pagdating namin sa venue sa Tagaytay, sinabihan kami ng team ko na mag-breakfast muna.

Good, di pa ako kumakain. And gusto kong mag-coffee. Kabahan naman ako sa gagawin ko.

Nagco-coffee ako at nagtitingin sa magazine ng sabihin ng mga tauhan ko na simulan na nila ang trabaho. Anyway, may approval na ng bride yun mga isusuot niya kase isinend ko na sa email niya yun mga designs. Okay naman at bilib na bilib sa taste ko.

Kaya nagstay muna ako sa Cafè sa hotel para makaiwas makita ang pagmumukha nung Alden na yun.

Maya-maya someone sat beside me.

"Miss Capili. May I join you?"

Tinignan ko ang lalaking pamilyar ang boses.

"Pwede ba, nakaupo ka na nga e. Di mo na kailangan magpaalam. Ako na lilipat."

"No. I want to share."

"Well, I don't!"

"Bakit? Galit ka ba dahil ikakasal na ako?" Sige nga mapagbigyan ang lokong ito. Tignan ko lang kung sino mainis sa amin.

"Mr. Richards, kung galit ako, e di sin sana, di ko tinanggap ang gig na ito. But I'm here."

"Oh really?"

"Yes,really!"

"Okay. So okay lang din ba sayo na makita na hahalikan ko si Mafi infront of you?"

"Wala akong pakialam kahit ano pang gawin mo, in the first place, di naman masyadong ieksena doon kase nakapili na yun fianceè mo."

"A ganun ba? Pero gusto ko nandoon ka."

"Huwag kang mag-alala pupunta ako doon. May hinihintay lang ako dito." Ngumisi siya.

"Sino? Boyfriend? Sabi mo single ka. Nakita ko sa interview mo."

"E ano naman sayo. Nung isang isang linggo pa iyon. Malay mo naman sinagot ko na yun isang manliligaw ko." Dumilim ang mukha niya.

Two can play this game. Kahit sa salita lang, makita niyang wala na akong pakialam sa kanya, tagumpay ng maituturing iyon sa akin.

Nanahimik ang loko. Tuloy lang ako sa pag-inom ng kape ko at pagtingin sa magazine. Minsan chincheck ko yun mga messages ko at emails. Kita ko nga na lalong naiirita ang katabi ko kapag may ngiti ako sa labi kapag nagbabasa ng messages ko. Siguro akala, boyfriend ko ang kausap ko pero ang totoo, sila Matti at Baste ang katext ko.

"Mukhang happy ka na?" Putol niya sa katahimikan.

"Yes. Never been happier."

"Hindi la naging masaya sa akin kahit kailan?"

"Excuse me, Mr. Richards, let's not talk about the past. Ikakasal ka na at masaya na rin ako sa buhay ko. Leave it that way."

Tumango lang siya. Nanahimik kaming muli. Maya-maya may biglang tumakip sa mata ko.

"Sino ka?" Pilit kong tinatanggal ang kamay na nakapiring sa mata ko.

Ng matanggal ko at lingunin ang nagpiring sa akin, nagulat ako.

"James?" Tumayo ako at humalik sa kanya sa pisngi.

Ctto: Jamie Dornan/ Christian Grey/ Fifty/Google


"I told you, I'll follow you, sweetie. I missed you!" Wow na wow. Saved by the bell. So di na ako maapi. Di ko man plinano na sumunod si James, pero andito siya para hindi naman ako magmukhang api.

"James, this is Mr. Richards,  he's the groom to this Pre-nup. Mr. Richards, this is James Knightley, he's a doctor."

"Hello." Nakipagkamay si James na inabot naman ni Alden. May ngiti ako sa labi ng makita kong parang gustong manuntok ng mukha ni Alden. Sign na apektado din siya. Ano ngayon siya? Quits na kami. Kaya para asarin pa lalo ang ex-fiancè ko, nagsalita pa ako ng pang-asar.

"Sweetie, lets go to my room, so you can rest."

"I'd love that. Come on."

"Sige Mr. Richards, tell your bride, I'll be back. Unahin ko muna ang jowa ko ha."

Iyon lang at hinila ko na si James. Ang saya. Nakapuntos din ako.

A/N Last na po muna ngayon. Bukas ulit. Itabi muna ang inis at galit. Bukas na po ninyo ilabas. Hahaha!

Goodnight!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro