39
Today is the opening of my Shop. Excited ako. Kumpleto ang mga kapatid ko, mga magulang at kaibigan. Sila Mamu Celeste nag-invite din ng mga talents niya at co-Managers niya. Maraming tao. Ang saya lang na finally natutupad na ang ibang pangarap ko.
I was interviewed by the media about my shop. Bakit daw ako nagtayo ng ganitong business? Bakit daw dinecline ko ang mga offers na mag-artista ako at kung anu-ano pa? Pero sinabi ko na I want to be behind the camera. Sawa na ako sa limelight and mas gusto ko ng maging private citizen though, puro celebrities at models din ang gagayakan ko. Sabi ko okay na iyon kase iyon ang trabaho ko sa New York bago ako umuwi sa Pilipinas last two months ago. Naunawaan naman ng mga press people ang katayuan ko at sinabi pa nga nila na mas maganda nga daw na walang intriga.
Pero may tanong kung kamusta daw ang lovelife ko. Sinabi ko lang na I'm still single and busy pa ako sa trabaho ko kaya wala akong panahon na mag-entertain ng mga manliligaw. Inuuna ko munang maayos ang business ko bago yun lovelife. Sakit lang kako sa ulo yun. Kaya nagtawanan sila. Sa ganda ko daw, sayang naman. Kaya lang ngumiti na lang ako para matapos yun tanong tungkol doon. Sensitive topic kase para sa akin iyon.
Maagang nagpaalam ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Si Selana at ang hubby niya ay umuwi rin after dinner kase nga masama ang pakiramdam ni Selena dahil naglilihi na siya. Si Janeeva naman ay nanatili kasama si Jerald. Sila yun katulong ko sa pag-aasikaso ng party. Pati na rin sila Mamu ay naiwan din.
May mga ilan pang dumadating na bisita. Masaya ako kase alam kong tatangkilikin ng karamihan ito.
Maya-maya may dumating na isang manager na kaibigan din ni Mamu.
Ipinakilala ako ni Mamu dito.
"Meng, Miss Sandara, kaibigan ko." Sabi ni Mamu. Actually bakla rin ito.
"Hi po."
"Hi! Ang ganda ng shop mo and I see you have beautiful taste. Gusto kong kunin ka sa isang big event. Actually, pre-nup iyon. I'm doing a favor kase sa alaga ko na magretiro na sa modeling."
"Wow talaga po?"
"Oo naman."
"Hoy bakla, huwag mong baratin ang alaga ko ha! Galing New York itong si Maine. Puro Hollywood celebrities ang client niya. Maganda ang resumè ng alaga ko!" Sumabat si Mamu.
"Oo naman. Siyempre. Kapag nagustuhan ng alaga ko, diretso hanggang wedding niya."
"Sige po. Kelan po ba?"
"Next month na. Kaya mo naman siguro?"
"Oo naman. Magaling itong anak kong si Meng." Sagot ni Mamu na nagpalawak ng ngiti ko. Sa wakas may client agad.
"Kailangan ko pong makita yun bride-to-be para makita yun sukat niya at bagay na make sa kanya."
"Don't worry dadating siya. Hinihintay lang niya yun fiancè niya. Galing kase sa airport at ihahatid niya sa hotel para nakapagpahinga."
"Good po. Sana pati si Groom sa amin na rin. May men's styling team din ako."
"I hope."
"Salamat po. Teka iwan ko muna kayo. Mag-enjoy po kayo, Miss Sandara."
Inasiste ko muna ang ibang mga bisita. Sinigurado na masaya ang lahat at nag-eenjoy.
☆☆☆
Nag-uusap kami ni Janeeva ng lapitan ako ni Papu.
"Meng, nandiyan na daw yun alaga ni Baklang Sandara."
"Salamat Papu. Sunod ako doon. Jan, ikaw na muna bahala dito ha."
Sumunod ako kay Papu.
Paglapit ko sa table nila, nagulat ako. Ang babaeng kasa-kasama ni Alden doon sa araw ng kasal ni Selena ang alaga ni Miss Sandara.
"Meng, this is Mafi, yun alaga kong ikakasal." Pakilala ni Miss Sandara.
"Hi! Ikaw pala ang magiging stylist ko? Ex-beauty queen. I'm so priviledged." Sagot nung Mafi. Sa isip ko, pati ex-girlfriend ni Alden.
"Naku di naman. Pero salamat."
"Miss Sandara, okay na sa akin si Miss Capili. Huwag na tayo maghanap. Baka magbago na naman ang isip ni Alden kapag nagpalit pa tayo ng stylist." Ouch! Ang sakit. So sila nga. Nangilid ang luha ko. Napansin ni Mamu iyon ng marinig ang sinabi nung Mafi. Pero professional dapat kaya ngumiti ako kahit sasabog na sa sakit ang puso ko.
"Sige, Miss Mafi ako na mamili ng Pre-nup outfits mo. Just send me the theme of the pre-nup para maihanda ko. Anyway, may kakausapin pa ako ha. Enjoy kayo."
Tumalikod na ako kase maiiyak na ako. Bakit sa akin pa? Nagmo-move on na ako pero ginagalit ata ako ng pagkakataon kase sa akin pa sila magpa-style. Nang-aasar lang?
Dumiretso ako sa CR at doon ngumalngal. Ang sakit talaga. Eto na parusa ko. Sa kaartehan ko, ako ngayon ang nasasaktan.
Pero sa tagal kong nag-iisip, napagtanto ko, bakit ako dapat masaktan? Ako na nga biktima sa lahat ng ito kase ako ang kinawawa tapos ako pa nasasaktan ng husto. Asan naman ang hustisya doon? Pero dapat hindi ako patalo sa sakit na ito. Ipapakita ko sa Alden na yan na wala lang sa akin yan pagpapakasal niya. Hindi na ako dapat masaktan.
Kaya bago ako lumabas sa CR, iflinush ko sa bowl yun lahat ng sakit at galit sa puso ko. Dapat maging masaya ako sa kabila ng lahat kase may dahilan pa rin akong maging masaya. Iyon ay ang nakita ko kaagad na hindi lahat ng sinasabi sa akin ay dapat kong pinaniniwalaan. Ang ilan ay nagsasabi lang ng maganda kase may kailangan. Pero di naman pala seryoso at palabas lang.
Ngayon, natuto na ako. I need to be strong.
Let me show them na matapang ako at hindi ako api-apihan. Lalo na sa Alden na yan, papatunayan ko sa kanya na hindi siya kawalan.
A/N At dahil pinahaba ko, kailangan ng panibagong twist. Huwag po magalit. Kilala naman ninyo si Author, may pang-asar bago mag happy ending.
Goodnight na po!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro