Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

It's been two months. The construction of my Franchise Business is now at it's height. Actually may two months pa bago ito matapos.

I made myself busy. Hindi ko na itinuloy ang pagkuha ng bahay sa Manila kase wala na naman akong dahilan para tumira doon. I wanted to stay with my parents.

I'm coping up with life. And I can say na I'm slowly moving forward now. Natanggap ko na hindi na siya babalik.

His name is not allowed to be mentioned sa bahay o whoever I'm close with. I just don't want to hear it.

Hinubad ko na rin ang engagement ring ko kase ayoko ng maalala ang panloloko niya sa akin. I almost threw it sa bintana but Ate Coleen told me to keep it hidden na lang. If ever, ibenta ko na lang daw para maipandagdag sa pagpapagawa ng Mcdo ko. Pero ayoko! Naisip ko na if in case magkita kase kami, I will throw it to his face.

Life must truly go on! And I'm on my way to freedom na. Freedom from this heartbreak na  idinulot niya sa akin.

Anyway, may mga ibang bagay naman na pwedeng magpasaya sa akin. Like yun business ko. It keeps me busy and occupied. My family who sees to it na may weekly bonding kami kahit sa bahay lang o sa kung kung saan kami dalhin. But not in Pico de Loro. I asked Tatay na ibenta na yun membership niya tutal there's no way na maisasama pa niya ako doon. Never! I've made up my mind. So Tatay sold it to one of his businessman friend who was interested.

I never changed my number. I would want to see kung buhay pa nga siya. And if ever magparadam siya, malalaman ko. Not because I want to make amends with him, but because I want to say to him all the things I wanted to say.

Ang lungkot na dati ay nagpapahina sa akin ay napalitan ng galit. I made my sadness my inspiration to gain my strength. I won't back down on this. Kinaya ko nga dati na hindi pansinin at laitin ni Derrick, what more si Alden pa? He's nothing to me now. Isa na lang siyang masamang panaginip!

I kept myself away from the limelight. Alam kong nagtataka ang ilan kase di na nila nakikita ang Beauty Queen na may mayamang boyfriend sa kung saan. But I don't care! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. I will find my true love even if it's not now, pero I know eventually.

Mamu Celeste told me that the offer in New York still stand pero I'm totally declining it now. I don't want to go far away from my family anymore. Sila kase ang tumulong sa akin para makabangon ako.

Sa ngayon, nakakangiti na ako. Nakabawi na rin ako sa mga taong naging mabuti sa akin, like my family, Mamu and Papu. Masaya na ako sa kabila ng lahat.

Kung babalik man siya, huwag na lang niyang balaking bumalik sa akin. Masaya na ako at di ko na isusubo pa ang iniluwa ko na. Not again!

A/N Malapit na nating malaman kung saan napunta ang FicAlden. Wait lang! Magsampay lang ako ng labahin! Ahahaha! Para pahinga lang bukas at puro update. At ng matapos ko na rin ito kase may bago akong prompt! I hope matapos na nga kase baka mawala pa yun nasa isip ko.

Thank you nga pala sa lahat! From #378 down to #267! Ang galing po ninyo! Salamat ng marami!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro