25
Days passed by and no news about Alden. Pinuntahan na ako ng mga ate ko sa hotel ni Alden just to convince me to go home. Nag-iiyakan kami dahil ayokong tanggapin na iniwan na niya ako ng wala man lang paalam. Maybe he realized he does'nt love me anymore.
Kasabay ng sama ng loob ko dahil sa hindi niya pag-uwi ay ang katotohanang baka buntis ako kase I'm delayed na ng three days. Ang saklap naman kung iiwan niya ako tapos buntis pa ako. Kawawa naman ang magiging baby namin.
But I did not tell them about it. Unless na magkatotoo, saka ko na sasabihin. Ang mahalaga ngayon ay hihintayin ko siya dito sa pad niya. Hangga't kaya ko.
It's been two weeks na pero wala pa rin akong balita sa kanya. Posible kayang bumalik na yun dati niyang girlfriend at may anak sila kaya di na niya ako binalikan? Nag-iiyak ako. Hindi na ako mapatahan ng mga ate ko. Pati sila Nanay at Tatay ay wala ng magawa.
Pinilit nila akong umuwi. Inilagay na lahat sa maleta ko ang mga gamit ko. Si Nanay at Tatay ay hirap na hirap s pag-akay sa akin pababa ng hotel dahil nanghihina ako. Hindi yun panghihina ng katawan, pero panghihina ng kalooban. Ayoko ng kumilos. Gusto ko na lang mahiga at tumingin sa kawalan. Ang gusto ko lang ay marinig ang boses niya. Makita siya at mayakap. Malaman ko lang na hindi niya ako iniwan, lalakas ako. Pero wala pa rin siya. Ang sakit. Di ko maipaliwanag kung gaano kasakit. Wala na akong ganang mabuhay.
Kaya walang magawa sila Tatay kundi iuwi ako at bantayan ako. Siguraduhing hindi ko pinapatay ang sarili ko.
So whether I like it or not, pumayag na ako. Wala na naman dahilan pa para magstay ako doon sa hotel niya. Baka nga iyon ay paraan para sabihin niyang umalis na ako sa buhay niya. Nasasaktan ako pero wala akong magawa. Sana nga lang malagpasan ko ito.
Kailangang malagpasan ko ang trahedyang ito sa buhay ko para kala Nanay, sa Tatay ko, sa mga kapatid ko at sa mga pamangkin ko na pilit akong pinatatawa sa kabila ng kalungkutan. Kailangan kong lagpasan ito at matutong bumangon. Sana nga lang hindi siya mag-iwan ng bakas niya sa akin. Kahit buong pagkatao ko ay naangkin na niya.
☆☆☆
Kinakaya ko ang bawat araw. Hindi na ako tumanggap ng kahit na anong trabaho na makikita ako sa telebisyon. Mas gusto kong pagtuunan ng pansin ang ipinapatayo kong McDo.
Nanatili ako sa Bulacan. Ayoko munang bumalik pa ng Maynila. Dinadalaw na lang ako nila Mamu Celeste at Papu Pat. Sila kase ang ilan sa mga taong sumusuporta sa akin ngayon, sa panahong lugmok ako.
I stay sa kwarto ko during times na nalulungkot ako. Di naman masamang umiyak kaya ibinubuhos ko para maubos.
Natanggap ko na rin na hindi na siya babalik kase pagkapatos ng tatlong linggo ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng balita sa kanya.
Pero sa kabila ng kalungkutan ko, nakaramdam ako ng pag-asa ng magkaroon ako ng menstruation. Buti na lang ay hindi ako buntis. Magiging kawawa lang ang magiging anak ko. Nakahinga ako ng maluwag. Narealize ko na wake up call ko iyon para magmove on. Para kalimutan ang yugto ng buhay ko na may kinalaman si Alden.
Nagbabasa ako ng mga news sa France mula business at celebrity news pero walang balita tungkol sa kanya. Kung talagang gusto niyang ipakita sa akin na buhay siya at may inaayos lang na importante, magpaparamdam siya sa akin. Pero ang tatlong linggo ay sobra na para maghintay pa ako. Wala naman balitang namatay siya o naaksidente. Marahil sinadya niyang hindi na bumalik at tuluyan na akong iwan kase nakuha na niya ang pakay niya sa akin. Napakasakit diba? Pero kakayanin ko.
Iwawaksi ko na ang alalahanin tungkol kay Alden. Pagod na ako. Panahon na para mahalin ko na lang ang sarili ko at kalimutan na siya ng tuluyan.
At sisimulan ko na iyon mula ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro