23
Pabalik na naman si Alden sa France tomorrow morning. As usual gusto niyang sumama ako pero sabi ko hintayin ko na lang siya. Gusto ko rin na umuwi sa Bulacan tomorrow pagkahatid ko sa kanya. Anyway, pagbalik niya ay maglalakad na kami ng papeles para sa wedding namin and pag-uusapan na rin namin ang details ng kasal namin. Excited ako but at the same time nalulungkot. Anyway, one week lang naman siya doon. Baka nga daw bumalik siya ng mas maaga kase ayaw daw niya akong iwan ng matagal.
We have talked to our agent na rin regarding sa pagbili ng lot para patayuan ng house. He wanted it to be around Taguig or Makati din kase gusto daw niyang malapit pa rin sa city. I have nothing against it kase iyon din naman ang gusto ko. We both decided on it and wala naman ng problema. Magbabayaran na lang pagbalik niya.
As for my Franchise ng McDo, it's been going on. Nagbayad na ako ng down. And upon completion ng structure ang full payment.
Everything is going on smoothly. And I'm so happy. We both are so happy.
☆☆☆
I brought him to the airport and then proceeded to Bulacan. Doon muna ako hangga't di pa siya umuuwi dito. Gusto ko naman na intindihin ang family ko.
Kaya the rest of the three days na nasa Bulacan ako, parati kong kasama ang tatlong batang makukulit and sometimes si Nanay. On my fourth day, bumalik ako dito sa BGC. Gusto kong magpahouse cleaning dahil gusto ko, pagbalik ng boyfriend ko ay maayos.
Habang mag-isa sa hotel, nagpupunta ako sa mall. Maglilibang lang ng konti para di ko masyadong maisip si Alden. He'll be back three days from now. May text messages naman ako from him or minsan we video call. Miss na miss na namin ang isa't-isa. Kaya lang konting tiis pa. Malapit na ulit siyang bumalik dito sa piling ko.
☆☆☆
I was waiting at the airport kase today is his arrival. Excited ako. Habang nag-uusap kami kagabi bago siya pumunta ng airport, sinabi niya na marami siyang uwi sa akin. Napakagenerous talaga ng husband-to-be ko. Wala na akong mahihiling pa.
Habang hinihintay ko ang paglapag ng eroplano niya, I bought an Iced Coffee. Medyo mainit din kase dito sa arrival area.
When I saw sa screen na arrived na ang eroplano niya, tumayo na ako at naghintay sa bukana ng airport. Pinagtitinginan nga ako ng mga tao. Some asked pa para sa PhotoOp at some asked for an authograph. Naengganyo ako kase nakakatuwa ang mga taong ito. Di ko namalayan na naglalabasan na ang mga pasahero kaya I excused myself para makita agad ako ni Alden.
Medyo nauubos na ang tao pero hindi ko pa siya nakikitang lumalabas. Hanggang sa naubos na ang tao ay hindi pa rin siya lumalabas. Iba ng set ng passengers ang nasa arrival area. What happened kaya sa kanya? Immediately, nilabas ko ang cp ko to see kung may tawag or text. Pero wala. So I went to the security kung nakalabas na ba ang lahat ng mga pasahero ng flight niya. And he said they already did kanina pa. E bakit wala si Alden?
Naghintay pa ako ng kaunting panahon pero wala. Nakakatwo hours na ako doon na nakatayo sa tapat ng arrival area pero walang Alden na dumating. Ano kaya ang naging problema? Wala naman siyang message na di siya makakauwi at wala rin naman calls. Kinabahan na ako. Kung anu-ano na pumasok sa isip ko. Niloko kaya niya ako? I tried to remove that thought. Hindi mangyayari iyon kase when we talked kagabi, everything is good. Masaya pa rin kami and he said he missed me and gusto na niya akong makita. Pero bakit di siya nakarating?
After three hours of waiting. And napagod na akong maghintay, I drove back home to his hotel. Thinking na sana, umuwi siya doon. I will still wait for him. I'll give him a chance to explain. Sana nga lang valid ang reasons niya. Kase kundi, kalimutan na niya ako.
And I mean it!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro