15
After my Talk Show interview, we went to a restaurant sa BGC sa baba ng hotel ni Alden.
Some people look at our direction. Malamang nakikilala nila ako. Pero hindi naman ako pinagkakaguluhan. Mas napapansin pa nga nila ang lalaking kasama ko na kanina pa nakahawak sa beywang ko.
Iniwan na namin sila Mamu Celeste at Papu Pat sa studio, kase kakain kami ng early dinner. After kase nito ay magstay muna kami sa place ni Alden.
"Babe, do you see that guy."
Iginala ko ang mata ko.
"Saan?"
"There at the left. Kanina ko pa napapansin na nakatingin sayo yun lalaki. Naiinis ako." Inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo. Napangiti ako. Napakaterritorial ng boyfriend ko.
"Just don't mind him."
"I can't! Kanina pa nakatingin sayo! Parang hinuhubaran ka na!"
"Ano ka ba? Wala naman yun. Stop with that. Hindi naman ako makukuha sayo."
"Alam ko. Pero I think dapat, magpropose na ako sayo."
"What?"
"Sabi ko dapat magpropose na ako sayo para sa akin ka na lang!"
"Teka nga babe, dahil lang doon. Sira ka talaga!"
"Ayaw mo ba?"
"Di naman sa ganun. Kaya lang it's too early. Kilalanin muna natin ang isa't-isa."
"Okay." Pero nakapout siya. Parang bata lang.
"Babe, I'm yours already. Ang tanga ko na lang kung iiwan pa kita. Not gonna happen!"
Ngumiti na ang loko.
"Talaga?"
"Talagang-talaga!"
He intertwined our hands and kissed mine. Sinadya pa talagang ipakita ang paghalik sa kamay ko sa lalaking kanina pa nakatingin sa amin.
Napatawa ako. Ibang klase pala magselos ang lalaking ito. Padalus-dalos sa desisyon.
After dinner, tumuloy kami sa hotel room niya.
"What do you want, babe?"
"Wala naman."
"Order tayo ng coffee?"
"Meron naman diyan supply diba?"
"Ayoko niyan. Gusto ko ng Cafe Americano."
"Okay. Ako, Caramel Macchiato."
"Cake?"
"Sige. Blueberry cheesecake."
"Okay. I'll call on room service lang."
Iniwan na muna niya ako. Tinanggal ko ang high heels ko. Nakakapagod. Minamasahe ko ang parteng ankles ko when he came back.
"Masakit?"
"Medyo."
"Babe?"
"Ano?"
"Masahe gusto mo?"
"No na. Ako na lang."
"Sige na."
"Nakapalda ako. Ayokong itaas ang paa ko."
"Palit ka muna."
"Wala akong damit dito."
"Pahiramin kita."
"Hindi na."
"Sige na." Hindi pa ako nakakasagot, binuhat na niya ako.
"Ibaba mo nga ako."
"Masakit ang paa mo. Huwag ka ng magheels."
"Di pwede."
"Ibibili kita ng naraming rubber shoes."
"Ano ka ba? Tigilan mo!"
"Basta." Dinala niya ako sa bedroom. Kinakabahan ako sa ginagawa ng taong ito.
Binuksan niya ang cabinet niya at kumuha ng white shirt at boxers niya.
"Anong gagawin ko sa boxers mo?"
"Isusuot mo."
"Gago! Ang laki niyan. At isa pa, nagamit mo na yan! Di ko yan isusuot."
"Okay. Pero yun tshirt na lang. Mahaba naman siguro sayo yan."
"Lumabas ka na. Magbihis na ako."
Ngumisi pa ang lalaking ito.
Nagpalit ako. Iniwan ko ang damit ko sa may silya sa tabi ng kama niya. Medyo mahaba naman. Hanggang mid-thigh. Pero kapag tumuwad ako, malamang makikita niya ang kaluluwa ko. Parang inilalagay ko sa kapahamakan ang sarili ko. Kaya kinuha ko ang bathrobe sa bathroom. Isinuot ko iyon.
Paglabas ko, inaayos na niya ang coffee na dineliver ng bellboy.
"Babe, saan mo gusto inumin ito? Sa dining o dito na lang?"
"Dito na lang. Gusto kong tumingin sa labas. Ang gandang tignan ng mga ilaw."
"Mahilig ka pala sa ganito."
"Yeah. Nung nasa Paris ako, gusto kong magsight seeing ng city lights. Nostalgic talaga."
"Why?"
"Nung bata ako, lagi akong namamangha sa ilaw ng siyudad kapag naka-check in kami sa hotel. Naiisip ko, bata pa rin ako kapag tumitingin ako sa mga ilaw."
"Do you want to sleep here."
"Meron nito sa condo ni Dean."
"Wala naman Alden doon."
"So?"
"Gusto kitang katabi matulog."
"Tapos?"
"Yakap at kiss.."
"And?"
"Okay na sa akin yun. Saka na kapag gusto mo na."
"Magbehave ka ba?"
"Oo naman. Yakap at kiss nga lang. Please. Dito ka na matulog."
"Okay."
"Talaga?"
"Ayaw mo ata?"
"Hindi, gusto! Gustung-gusto."
"Madali akong kausap."
Napangiti na lang ako kase para siyang bata na naexcite.
I'm old enough to handle this. If ever may maganap, matanda na ako para doon, pero kailangan ko ng tibay ng loob. Mas masaya kase kung after marriage iyon. But if di na nakayanan, hindi ko alam. Basta, magbehave! Basta tibayan ang loob. Iwaksi ang thoughts na yan.
Pero ang gwapo ng mamang ito. Kayanin ko kaya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro