13
I came back to Tatay and Nanay whobis busy looking at the kids.
"Anlalaki na ng apo natin ano?" Narinig kong sabi ni Tatay kay Nanay.
"Oo nga. Masarap talagang may apo. Tubo na ang investment natin." Sagot naman ni Nanay.
Habang nakikinig ako sa usapan, may biglang umakbay sa balikat ko.
"Tanggalin mo yang kamay mo, baka masapak kita!" Sabi ko.
"Sobra ka naman. Diba sinagot mo na ako?"
"Basta tanggalin mo! Baka makita ni Nanay at Tatay!"
"E ano naman. Tayo na naman e."
"Kahit na! Sabihin pa nila kanina nag-iinarte ako tapos isang oras pa lang tayo na."
"So tayo na nga?"
"Ang hina ng pang-unawa mo! Obvious ba? Gusto mo pa ng confirmation?"
"Siyempre naman. Di ako assuming!"
"Bahala ka!"
"Oo na nga naniniwala na ako. Sabihin na natin para pwede na tayo magkiss sa harap nila!"
"Gago! Nakakahiya kala Tatay! Di ako pinalaki ng ganun! Ikale mo yang nguso mo!"
"Okay po, Mahal na Reyna!"
Nagkukulitan kami ng magsalita si Tatay.
"Andiyan na pala kayo. Parika na dito at magmeryenda. Alden, join us. Nagkausap na ba kayo?"
'Tay, ano ba pinagsasabi mo?"
"Sinagot ka na ba ng baby ko?"
"Ako po? Opo! Kami na nga po e.."
"Tatay, huwag kayong maniwala!"
"Ambilis naman ata anak?" Tanong ni Nanay.
"Nanay! Hindi ah!" Sagot ko.
"Di ka man lang nagpakipot?" Tanong ulit ni Nanay na may ngisi sa labi.
"Nay, hindi nga sabi.."
"Nanay, kami na po. Sinagot na niya ako. Matagal ko na itong nililigawan, nung nasa Paris pa lang kami.." Sabat ng lokong Alden na ito. Napataas ang kilay ni Nanay.
"Alden ano ba? Sinisiraan mo ako!" Hinampas ko siya sa braso.
"Aray! Nay, Tay ang bayolente ng girlfriend ko o!" Sumbong pa niya kala Tatay.
"Meng anak, alam na namin matagal na nakipagdate ka na kay Alden. Huwag mo ng itago. Nasabi na niya yan dati pa. Kaya lang di pwede sa kontrata mo."
"Ang daldal mo!" Hampas ko kay Alden.
"Ganun talaga babe. Kailangan malaman na nila Tatay ang intensiyon ko sayo bago mo pa malaman." Sagot naman ng loko.
Umupo ako sa tapat ni Tatay at Nanay. Sumunod naman ang loko.
"Nay, Tay, pasensiya na. Di ko agad sinabi."
"Anak malaki ka na. Alam mo na dapat gawin. Panahon na naman pati na sumaya ka. Di kami tutol ng Nanay mo. Ikaw Alden, alagaan mo ang anak ko. Kundi mananagot ka!"
"Opo Tatay!"
"Kelan mo pa naging tatay ang Tatay ko?" Tanong ko sa lalaking katabi ko.
"Basta, Tatay na rin tatawag ko kay Tatay.
Huwag ka ng umapila."
"Hay! Tay, gusto ko ng chicken sandwich at mashed potato. Pati Four seasons. Gutom na ako."
"Babe, ako na mag-order. Diyan ka lang. Pagsisilbihan kita." Tumayo agad ito at pumunta sa resto inside the hotel.
Kasabay ni Alden, nagpaalam si Nanay na titignan ang mga apo niya.
"Ang swerte mo sa boyfriend mo anak." Bungad ulit ni Tatay.
"Bakit po nasabi ninyo yan?"
"Kase pabalik-balik siya sa atin anak. Nagpapaalam na ligawan ka at hihintayin lang niya na matapos ang kontrata mo."
"Eh bakit di ninyo sinabi ni Nanay?"
"Tumawag agad siya sa amin na susunod siya dito sa Pilipinas para pasagutin ka na. At nakiusap kase siya sa amin na huwag muna sabihin sayo, saka na niya daw sasabihin pag-uwi mo dito. Siya talaga ang nagplano na dalhin ka namin dito kase nung puntahan ka niya sa condo mo sa Paris, nalaman niyang umalis ka na at uuwi dito. Sabi niya, isama ka namin dito at magsisimula na siyang manligaw."
"So nagpauto kayo sa hudas na yun?"
"Anak, alam namin kung seryoso o hindi ang manliligaw ninyo. Sa kaso ni Alden, nagustuhan namin siya para sayo kase mahal ka niya anak."
"Hindi ko alam Tay. May Camila ek ek pa kase siyang dinate dati."
"Wala iyon. Ikinuwento rin niya sa amin iyon."
"Naniwala naman kayo?"
"Siyempre. Mahirap magtiwala pero sa kaso ni Alden, nakita namin ang sinseridad sa kanya kase siya pa pumunta dito sa Pilipinas para sabihin lang iyon."
"Ginawa niya iyon?"
"Oo anak. Kaya masaya kami kung siya mapapangasawa mo."
"Wala ng problema Tay?"
"Kayo na nga diba? Kung kami tatanungin mo, tagal mo ng nagpabebe."
"Tay naman e."
"Ang anak ko talaga! Dalaga na!"
"Tay, ang tanda ko na."
"Oo pero baby pa rin kita."
Yumakap ako kay Tatay. Napakasupportive ng tatay ko sa amin.
"Andito na Prince Charming mo. Puntahan ko lang ang Nanay mo doon sa mga bata."
"Sige po Tay." Tinapik ni Tatay si Alden sa balikat.
Umupo ito sa tabi ko at kinuha ang mga kamay ko.
"Babe, ginagawa na nila yun food mo."
"Thank you."
"Siyempre para sayo."
"No, thank you!"
"Saan?"
"Dito. Sa paghihintay sa akin. Sa paglapit kala Tatay at sa pagpapaalam na liligawan mo ako."
"Wala iyon. Basta sa babaeng mahal ko. Ang reyna ng buhay ko. Gagawin ko iyon. Mahal kita, babe."
Yumakap ako sa kanya.
"I love you, too.."
Napalayo siya at tumingin sa akin.
"Talaga? Kailan pa?"
"Matagal na. Unang kita ko pa lang sayo.."
Posible ba? Siguro. Ewan ko. Pero sa una pa lang malalaman mo na ang halaga ng isang tao sa buhay mo. Mararamdaman iyon agad. Yun nga lang madami pang tanong, pero makita mo na ang future sa kanya, sa unang tingin pa lang.
Yun kase ang naramdaman ko nung bago kami naghiwalay nung unang date namin. Ramdam ko yun lungkot na di maipaliwanag nung sinabi kong di pwede dahil sa kontrata ko. Pero ngayon, pwede na. Sa wakas, may nagmamahal na sa akin. At may tao na akong makakatuwang sa problema ko.
I'm so happy today. Walang kasing saya.
Because of him. Because my Alden. Mine talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro