11
Hindi ako makalabas. Nakita kong masayang naglalaro ang mga pamangkin ko. Kasama nila si Nanay at nakabantay ang mga yaya ng mga bata. Nasilip ko kase sila mula sa bintana ng townhouse namin. Kakainis nakatengga ako dito.
Ang hudas na lalaki naman ay naroon at nakuha pang makipagkwentuhan kay Tatay. Sana hindi sabihin na kilala ko siya.
Paano ako lalabas? Ayoko siyang makita. Paano niya ako nasundan dito? Paano niya nalaman na naka-check in kami sa Pico De Loro. Ang lakas talaga ng radar. Kakabuwisit!
Nagpapabalik-balik ako sa kwarto ko. Gusto ko ng lumabas. Imbes na makarelax ako, itong Alden naman na ito narito. Iniiwasan ko ng makadaupang palad ang mga lalaking nagpaiyak sa akin kahit di ko naman naging boyfriend pero nananadya ata ang mga ito. Sumunod pa talaga!
Kailangang makaisip ako ng paraan para makaiwas sa walanghiyang Alden na ito! Pero paano?
After an hour of going back and forth sa kalalakad, naisip ko na bakit ako ang mag-aadjust? Hello! Ako nauna dito. Kaya hahayaan ko siyang sumunod na parang asong ulol. Mag-eenjoy ako kahit pa sumunod siya. Tama, magpapakasaya ako. Deadma na lang sa kanya.
Nagsuot lang ako ng triangle bikini ko at lumabas na naka-robe. Inilagay sa may upuanang robe ko at lumusong na sa tubig. Nakita kong nakamasid ang hudas. Buwisit talaga! Ayokong umahon kase ayokong malapitan niya.
Nanatili akong nagfloating ng tawagin ako nila Baste.
"Tita Ninang tawag ka nila Lolo. Magmeryenda ka na daw."
"Mamaya na Bas! Magswimming pa si Tita Ninang." Patuloy pa rin ako sa floating spree ko.
Pero nagulat ako ng biglang tumalon sa tubig ang hudas na lalaki. Nakaboard shorts siya. Aaminin ko ang sexy niya. Pero di ako nakukuha sa ganun. Madami na akong nakitang ganun!
"Ang kulit mo! Tantanan mo nga ako!"
"What's tantanan?"
"Ewan ko sayo!"
"Basta. Nakausap ko na ang tatay mo. Pwede na daw akong manligaw."
"Baliw ka!"
"Basta maniningil na ako!"
"Ows talaga? Sa pagkakatanda ko, wala akong utang sayo!"
"Meron. Nangako ka na kapag nahintay kita, akin ka na!"
"Di ka nakapag-hintay!"
"Anong hindi? Andito nga ako diba?"
"Bumalik ka na lang kung saan ka nagmula. Wala kang mapapala sa akin."
"Hindi kita titigilan!"
"Kung kaya mo!"
"Oo kaya ko. At kahit ayaw mo pa, masanay ka ng nakabuntot ako sayo!"
"Bahala ka sa buhay mo!" Hinampas ko ang tubig para tumama sa mukha niya. Saka ako umahon at pumunta kala Tatay.
Lumapit ako kala Tatay. Umupo sa tapat nito.
"Nakilala mo na pala si Alden?"
"Sino?" Deadmang tanong ko.
"Yun lalaking kausap mo sa pool."
"Pwede ba Tay, huwag mo akong asarin."
"O bakit? Wala naman akong sinabing masama."
"Wala nga! Pero huwag mong kakausapin yun! Baka mamamatay tao iyon!"
Natawa si Tatay at Nanay.
"Ano ka ba, Meng? Si Alden ang may-ari ng limang town house dito. Sa kanya nga ako nakabili ng isa."
Napasimangot ako. So matagal na pala akong pinapasundan ng gunggong na lalaking ito.
"Pakitunguhan mo anak. Mabait yan. Kapag nasa Pilipinas siya, dumadalaw yan sa atin para kamustahin kami. Kaklase mo pala siya nung high school."
"Tay, wala akong pakialam sa kanya!"
"Bakit mainit ang dugo mo sa kanya?"
"Basta! Di ako tiwala sa lalaking yun."
"Paano yan anak?"
"Anong paano?"
"Nagpaalam na siyang liligawan ka!"
"Pumayag naman kayo?"
"Bakit hindi? Mabait siya at alam kong aalagaan niya ang bunso ko!"
"Kakainis kayo Tay! Bahala nga kayo!"
Umalis ako. Maglalakad lakad ako sa tabing dagat. Ayoko munang makita yun Alden na yun!
Pasimple akong tumalilis. Nakatakas naman ako. Nakita ko kaseng palinga-linga ang hudas. Siguro hinahanap kung saan ako pumunta. Mabuting makalayo muna ako sa kanya. Pati pala sila Tatay nakuha na niya ang loob. Paano ko pa siya maiiwasan?
Bahala na! Maghirap siya tutal ginusto naman niya yun!
It's payback time!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro