Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

I woke up disoriented. Bakit ako nandito? Parang panaginip lang kase ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga inakala na ako ang mapipili. Malayo sa katotohanan ito. Parang panaginip ngunit tunay na naganap. Hindi maabot ng isip ko. Katuwaan lang kase ito. Isang hamong tinanggap ko. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang patunayan na totoo ang sinasabi nila Nanay. Na maganda ako. Na ako ay ipinanganak na magiging bituin sa langit.

I am the reigning Miss Intergalactic Beauty 2017. Kakaiba diba? Excuse me pero di mga bakla ang kasali dito. Tunay silang mga babae. Kakatwa man ang pageant na ito,pero karamihan sa sumali ay nagmula sa iba't-ibang bansa. At ako, na pinalad na maging Binibining Intergalactica 2017 ng Pilipinas ang representante sa International Pageant na ito. Na nanalo, dahil sa kagandahan at katalinuhan ko kaya hawak ko na  ang korona. As in literal na hawak ko ang korona.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Tanda ko pa noong bata ako, hindi ako pansinin. Para lang akong display sa gilid ng bahay. Hindi ko mapantayan ang kagandahan ng mga kapatid ko. Ni hindi papasa sa panlasa ng madlang pipol. Basta, simple lamang ako. Masaya sa tabi na magbasa at magpantasya ng mga kakaibang bagay tulad na lang ng pagpanalo sa patimpalak na ito.

Nagbago lang ang pananaw ko sa sarili ko ng ang kaisa-isang crush ko ay harapan akong sinabihan na hindi ako maganda. Na kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan. Ang sakit diba? Hindi pa nga ako nakakaporma, nasopla na agad ako. So ipinangko ko sa sarili ko, na gagawin ko ang lahat, maipakita lang sa kanya at sa lahat ng tao na maganda rin ako. Na pwede rin akong mahalin at tanggapin hindi lang dahil sa ganda, kundi dahil sa angking busilak na kalooban.

To make the story short, ginawa ko ang lahat mabago lang ang pananaw ng iba. At eto nga, hindi ko inaasahan na sa karamihan ng naggagandahang contestant, ako mapipiling pinaka-magandang sa lahat. Ako na beauty queen. Totoo na ito at hindi produkto ng kathang-isip ko. Ito na ang katotohanang matagal ko ng hindi iniintindi dahil inubos ko ang panahon ko sa self-pity at pag-iisa.

Sila Nanay lang naman kase ang nagsasabi nun sa akin. Hindi ko pa ata naringgan ang iba na i-compliment ako na maganda ako. Ngayon lang. Ngayong nasa akin na ang korona.

At ngayon iba na! Ang typical at simpleng dalagang ako, ay isa ng babaeng pinapantasya ng mga kalalakihan.

A/N Pasulpot-sulpot po ako ngayon ha. Sa dami ng gawaing bahay at may party na pupuntahan pa mamaya, hindi ko maipapangako na makikilala na niyo ang FicAlden. Pero rest assured, malapit na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro