CHAPTER 5
Matapos ang palabas na yumanig sa kanyang damdamin, nagmadali si Raquel palabas ng studio. Bitbit ang maliit na envelope na naglalaman ng kanyang participation fee. Sa wakas, natapos din ang pakulo ng YouTube channel. Ngunit habang naglalakad siya palabas sa tudio na malapit sa parking lot, isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.
"Ms. Raquel."
Napahinto siya at napalingon. Si Donovan pala ang lalaki.
'Ano bang kailangan sa'kin ng damuhong ito?'
Nakatayo ito sa tabi ng isang simpleng kotse, nakapamulsa at may halong tampo sa mga mata.
"Hi. Ano 'yon, Sir?" tanong ni Raquel, nagtataka at tila alanganin at may kalakip na sarcasm ang tono. Gusto na niyang umuwi at kalimutan ang lahat ng nangyari kanina. It was embarrassing.
"Can we talk?" walang pasakalyeng tanong ni Donovan.
"Huh? Para saan? Tapos na ang show, diba? Hindi ba't malinaw naman na ayoko sa'yo?" sagot ni Raquel, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib. Ayaw niyang pakatitigan ito, baka bumigay siya.
Ngunit sa halip na mapikon, lumapit si Donovan nang marahan. Hindi niya magawang tanggapin ang sinabi ni Raquel kanina—hindi dahil sa pride, kundi dahil may naramdaman siyang koneksyon sa babae na hindi niya maipaliwanag. He can't just let her go like that and it's something that he can't explain. Parang may mind games na nabuo sa pagitan nila dahil sa mga kaganapan.
"Kanina, sinabi mong hindi mo ako kayang piliin dahil masyado akong 'perfect' para sa'yo," simula niya. "But I don't think that's true."
"Pa-humble naman. Kung hindi ka perfect, anong adjective naman ang pwede kong gamitin sa'yo?" Naiiling si Raquel at iniangat pa ang mukha kay Donovan. Matangkad kasi ito, tantiya niya ay nasa 6'2 ft tall ang binata. Model material.
"Walang taong perpekto. Hindi ako si Jesus Christ. Okay?" Tinawanan siya ni Donovan pero may halong pait ang tawang iyon. "Alam mo ba kung bakit ako sumali sa show na 'to?"
"Para makahanap ng babaeng maganda at ka-level mo? Gano'n naman lahat ng lalaki, 'di ba?" sarkastikong sagot ni Raquel.
Napailing si Donovan. "Sumali ako dahil gusto kong makahanap ng isang tao na makakapagpaalala sa akin kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay—honesty, simplicity, authenticity. Pero bakit parang para sa'yo, wala akong karapatang maghanap ng gano'n? Dahil ba mukha akong mayaman at successful? Kapag ba mas angat ka, hindi ka pwedeng mag-adjust? Hindi pwedeng mag-yearn ng simplicity?"
"Walang espesyal sa pagiging simple. Saka ang mga tulad n'yo na nand'yan na sa taas, hindi na dapat bumaba. Lalo na kung alam n'yo ang pakiramdam ng nasa ibaba. Gusto n'yo pang makaranas ng suffering? Ano 'yan, self torture?" Napaatras si Raquel. Masyadong relentless ang lalaking kausap niya pero hindi siya pwedeng magpatalo. But in fairness, may sense naman itong kausap. May laman ang sinasabi. Hindi puro papogi lang.
"If you're a government system, you'd be a communist one," sabi nito. "You have rigid expectations."
"Gosh! Ayoko ng politika! Ayaw ko na ng ganyang usapin! Natapos na ang phase ko dyan. Pero okay naman din 'yan. Para iwas korapsyon."
"Dyan ka nagkakamali, kahit anong ruling system, may oppression at corruption. Kahit nga rito sa bansa ninyo. Open secret na 'yan sa inyo, ever since you've been colonized. Right?" Challenging ang sinabi ni Donovan.
"Bakit kami lang? Hindi ka ba Pinoy? Ayaw mo bang maging Pinoy?" Nakuha pang magbiro ni Raquel. Kung titingnan nga naman, mukha rin namang may foreign lineage ang binatang ito. Pero common na ang ganoong itsura sa kanila, since ang dami nang AFAM na sumakop na rin sa mga kababayan niyang Filipina. Wala naman siyang objection sa gano'n, at wala siyang pakialam.
Napakurap din siya. Hindi niya inaasahan ang ganitong sagot. "Pero nasa democratic country tayo. We can say what we want to say. We can fight for what we stand for. We can do whatever we want. Kaya nga pwede kitang i-reject."
"Pero kapag nasa isang controlled state ka, hindi mo pwedeng gawin lahat ng gusto mo. Alam mo, pwede kang ipatapon sa communist country or sa mga authoritative state kung pwede lang," biro ni Donovan. "Gusto mo ba?"
"Ay sige. Pwede naman! Kung may pagkakataon lang talaga na umalis sa bansang ito, matagal na akong wala rito! Wala naman sa bokabolaryo ko ang ipaglaban ang bansang ito. Nakakapagod na kaya!" Naiiling ulit si Raquel saka inilibot ang tingin sa paligid. "Teka nga, bakit ba tayo nag-uusap nang ganito? Dito malapit sa parking lot? Ano bang agenda? Isasali mo ba ako sa kilusan? Hindi ako interesado. Mahirap ma-red tag."
Donovan gave up, but he admired Raquel's witty responses. What she said made sense.
"Pero alam mo, parang goods din na makipagtalakayan nang ganito. Sino bang gusto mong pabagsakin?" Napaupo si Raquel sa bakanteng wooden bench. Sumunod na lang din sa kanya si Donovan.
"Wala namang pababagsakin," he laughed.
"Tama na ang politics. Ayoko muna niyan. Balik tayo sa agenda mo at kung bakit mo ako kinakausap. Sa tingin mo ba walang epekto ang status sa relasyon?" tanong niya. "Sa 'modern-dating era' ngayon, kailangan may mai-offer ang bawat isa. Hindi pwedeng puro pagmamahal at anumang emosyon. Kung walang maayos na basehan, maghihiwalay din kayo sa huli. Hindi sustainable ang gano'n. Kahit nga pantay kayo ng status, hindi pa rin garantisadong mag-work."
Huminga nang malalim si Donovan, na para bang naghahanap ng tamang sagot. "Alam mo, ang daming state or nation, gaya ng Tien Maginda, na hindi lang naghihirap dahil sa sistema ng lipunan, kundi dahil iniisip nilang hindi sila deserving sa mas magandang buhay. You remind me of that."
Napataas ng kilay si Raquel. "Wow. Kasasabi ko lang na ayoko na ng political na usapan. Ano naman ang kinalaman ko sa Tien Maginda? Wala nga akong masyadong makuhang information tungkol sa monarch state na 'yan. Pero in fairness, mukhang peaceful naman doon."
"Simpleng tanong lang," sagot ni Donovan. "Naniniwala ka ba na sapat na ang maging mabuti para kilalanin? Na ang isang taong hindi perfect ay deserving pa rin ng pagmamahal, respeto, at pagkakataon?"
Natigilan si Raquel. Hindi niya alam ang isasagot. Honestly, sa buong buhay niya, naniwala siyang hindi siya sapat sa kahit sino. Palaging iniisip na wala siyang karapatang mangarap nang malaki. Pero bakit parang may tama sa sinasabi ng binatang ito? Parang ine-encourage siya na lawakan ang perspectives niya sa buhay?
"Hindi ako perpekto. At kahit na mukha akong successful, marami rin akong iniisip na hindi ko maamin sa kahit sino. Pero alam ko kung ano ang gusto ko—at gusto ko ang isang tao na totoo sa sarili niya, kagaya mo."
Natahimik si Raquel. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napansin niyang hindi lang galit o tampo ang nararamdaman ni Donovan—nandoon ang tunay na intensyon, isang damdaming hindi niya basta maitatanggi sa presensiya nito. Ganito ba ang nauusong budol o scheme? Wala siyang maisagot sa ipinukol nitong sentiments. Hindi siya pwedeng magpatalo na lang.
"Wala naman tayo sa fairy tales na sapat na ang pagiging mabuti para magkaroon ng prince charming or knight in shining armour or ano mang ka-echosan. Pagiging mahina ang magpasalba sa kahit sino," tanging naisagot ni Raquel.
"Hindi pa ba strength ang pagiging mabuti? Weakness ba 'yon dahil nati-take advantage? Rigid nga talaga ang mindset mo," naiiling na sagot ni Donovan.
"Kung tunay mong iniisip na hindi ka sapat para sa akin, siguro kailangan kong patunayan na mali ka," dagdag ni Donovan, na may maliit na ngiti sa kanyang mga labi.
"Bigyan mo ako ng chance na makilala ka nang mas mabuti. Kung ayaw mo talaga, fine. Pero gusto ko lang subukan. Sabi mo nga, nasa democratic country tayo. We can say what we want to say. We can fight for what we stand for. We can do whatever we want."
"Ang lala mo. Nakabisado mo pa 'yon. May Chatgpt bang naka-install sa'yo?" Raquel laughed, unaware that her laughter was a breathtaking sight in Donovan's eyes.
Hindi alam ni Raquel kung paano sagutin ang binata. Sa kabila ng lahat, nararamdaman niya ang sinseridad nito. Ngunit kaya ba niyang hayaan ang sarili niyang maniwala?
"Okay Fine," sa wakas ay nadagdag ni Raquel, na may halong kaba at inis. "Pero huwag kang mag-expect. Wala akong mai-o-offer sa'yo. As in, wala."
Napangiti si Donovan sa sinabi ni Raquel, ngunit halata ang bahid ng pang-aasar sa kanyang mukha. Hindi niya mapigilang magustuhan ang pagiging prangka nito. "Sapat na 'yong ganito para sa akin. Kahit magsimula tayo bilang magkaibigan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro