CHAPTER 39
Hindi maitago ni Princess Suzanne ang disappointment, ngunit sa kabila nito, nagawa niyang ngumiti. "I appreciate your honesty, Prince Donovan. I respect you more for it. But, may I ask? Why didn't you... tell the world earlier?"
Tiningnan siya ni Donovan na puno ng determinasyon. "For her safety. I love her too much to let her become a target. This isn't just about us; it's about protecting her from the expectations and dangers of this world."
Napabuntong-hininga si Princess Suzanne, na tila naiintindihan ang pinanggagalingan niya. "You are a good man, Prince Donovan. But you know...this revelation will change everything. Are you ready for that?"
Ngumiti si Donovan na puno ng tapang. "I am. For her, I'll face anything."
Pagkatapos ng pag-alis ni Donovan, tahimik lang na nakamasid si Princess Suzanne mula sa loob ng embassy. Sa kabila ng lungkot na nararamdaman niya, hindi niya maiwasang mamangha sa tapat na pagmamahal na ipinakita ni Donovan sa kung sinumang asawa nito.
Napabuntong-hininga siya, saka bumaling sa kanyang royal adviser. "Now I understand why he rejected this arrangement. That's the kind of love that no duty nor crown can replace."
***
Habang papunta si Donovan sa kanyang sasakyan, umugong ang sigawan ng mga reporter at media personnel na nakapaligid sa embassy. Ang mga camera ay nakatutok sa kanya, umaasang makakuha ng pahayag tungkol sa kanyang rebelasyon.
"Prince Donovan! Totoo bang kasal ka na?"
"Sino ang asawa mo?"
"May epekto ba ito sa relasyon ng Tien Maginda at Zedria?"
Pero sa gitna ng lahat ng ingay, napatigil siya sa biglang ibinulong ni Laurence na nasa likod niya at kasama sa mga royal escort.
"Van, nandito raw si Ms. Raquel, hinatid ni Mang Dudong."
Napahinto si Donovan at kumawala agad sa nakapalibot na royal escorts. Isa lang ang hinanap ng kanyang paningin, walang iba kundi ang kanyang asawa. Even though a huge crowd had gathered outside the embassy just to catch a glimpse of him and Princess Suzanne, he still braved the sea of people to find Raquel. And when he finally saw her, as if she had deliberately hidden herself among the masses, his world stood still.
Sa sandaling iyon, tila nag-slow motion ang paligid. Hindi siya nagdalawang-isip. Mabilis niyang tinakbo ang distansya sa pagitan nila. Sa harap ng lahat, mahigpit niya itong niyakap.
Ang ingay ng media, ang mga ilaw ng camera, at ang bulungan ng mga tao ay tila naging malayo at hindi na mahalaga. The only thing he saw was the woman he loved with all his heart—the very same woman he had left that morning for her protection, yet now she stood before him, steadfast and unafraid.
Napaluha si Raquel habang tinitingnan siya ni Donovan. Hindi niya alintana ang mga matang nakamasid, hindi niya alintana kung sino ang nasa paligid. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang katotohanang nasa harapan niya ngayon si Donovan, na handa siyang ipagmalaki sa mundo.
"Anong nangyari?" naiiyak na tanong ni Raquel.
"Sinabi ko na kay Princess Suzanne na may asawa na ako. Tinanggap niya ang katotohanang 'yon," masayang pag-amin ni Donovan. Sa kabila ng lahat, sa harap ng madla, mahigpit niyang niyakap si Raquel at hinagkan ito sa labi para bigyan ng isang halik na puno ng pangungulila, ng pagmamahal, at ng pangako na hindi na sila muling magkakahiwalay.
Napalakpakan at nagsigawan ang ilang tao sa paligid, habang ang mga cameraman at reporters ay tuloy-tuloy sa pagkuha ng larawan at video. Mabilis na kumalat sa social media ang eksena—ang prinsipe ng Tien Maginda, sa kabila ng kanyang pagiging maharlika, ay nagmamahal ng isang ordinaryong babae.
Humiwalay si Donovan mula sa halik, pero hindi niya binitiwan si Raquel. Hinawakan niya ang mukha nito at marahang pinunasan ang mga luha.
"Raqui..." bulong niya.
"Bakit mo ako iniwan nang hindi nagpapaalam?" mahina ngunit punong-puno ng emosyon na tanong ni Raquel. "Akala mo ba matitiis kitang hindi sundan?"
Napangiti si Donovan. "I should've known you'd do this. Pero Raqui, you didn't have to put yourself at risk."
"Huwag mong sabihin sa aking wala kang balak bumalik," sagot ni Raquel, pilit na hinahadlangan ang muling pagpatak ng luha.
Umiling si Donovan. "Of course, babalik ako. For you—for us."
Muling yumakap si Raquel sa kanyang asawa, mas mahigpit pa sa kanina. Alam niyang marami pa silang haharapin—ang pagkakaipit ni Donovan sa politika ng kaharian, ang mga akusasyon ng rebelyon, at ang mga taong nais siyang mawala. Pero sa sandaling ito, wala nang mas mahalaga kundi mayakap nila ang isa't isa.
Samantala, hindi nakaligtas sa media ang mainit nilang pagtatagpo. Sa loob lamang ng ilang minuto, umalingawngaw na sa internet at telebisyon ang headline:
"Prince Donovan ng Tien Maginda, Piniling Maging Tapat sa Asawa—Kasal na Pala sa Isang Ordinaryong Pilipina!"
Sa gitna ng isang mundong puno ng politika, kasikatan, at kapangyarihan, pinili ni Donovan ang pagmamahal.
Doon din nila napagtanto na si Donovan din pala ang dating contestant sa reality show na Find Your Dream Match at ang babaeng ni-reject din sa show noon ni Raquel. They didn't expect that Donovan was serious about pursuing Raquel at that time.
"Siya ba ang asawa mo, Prince Donovan?"isang reporter ang nagtanong.
Ngumiti si Donovan, walang pag-aalinlangan, at saka mahigpit na hinawakan ang kamay ni Raquel. "Oo. Siya ang asawa ko. At wala nang makakapagpabago niyan."
Muli niyang tinitigan si Raquel, saka marahang bumulong, "I told you Raqui, babalik ako sa'yo."
At sa harap ng maraming tao, pinatunayan ni Prince Donovan na ang tunay na pag-ibig ay hindi kailanman kayang talunin ng kahit anong korona.
At that moment, they were both overwhelmed with people's presence, especially the media. Habang hawak ang kamay ng Raquel, hinigpitan ni Donovan ang kanyang kapit at para tangkain na lumusot sa gitna ng nagkukumpulang mga tao.
"Prince Donovan! Ano ang plano niyo ngayon?"
"Raquel, ano ang pakiramdam na ikaw ang pinili ng isang prinsipe?"
"May epekto ba ito sa relasyon ng Zedria at Tien Maginda?"
Pero sa halip na sumagot pa, pumara si Donovan ng isang taxi na una niyang nakita na napadaan lang sa hindi kalayuang kalsada ng embahada.
Napatingin si Raquel sa kanya, halatang naguguluhan. "Van? Anong binabalak mo?"
Ngumiti lang si Donovan at tinulungan siyang sumakay sa taxi.
Pagkapasok nila, mabilis na isinara ni Donovan ang pinto ng sasakyan. "Manong, sa Intramuros po tayo."
Agad umarangkada ang taxi, iniwan nila sa ere ang reporters at cameramen na hindi inasahang bigla silang aalis nang ganoon.
Napanganga si Raquel at hindi napigilang matawa. "Talagang iniwan natin sila nang walang sagot?"
Nagkibit-balikat si Donovan. "Alam mo namang ayoko ng ganyang eksena. Besides, this moment is ours. Hindi para sa kanila."
Napangiti si Raquel at mahigpit na hinawakan ang kamay ng asawa. Sumandal din siya sa balikat nito. Kahit pa alam niyang mas lalo lang silang pag-uusapan dahil sa ginawa nilang pagtakas, wala siyang pakialam. Sapat na ang tahimik na paghawak nila sa kamay ng isa't isa upang iparamdam kung gaano sila kasaya sa sandaling ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro