CHAPTER 38
Sa clinic, tahimik na nakaupo si Donovan habang sinusuri siya ng doktor. Improving na ang vision niya pero kailangan niyang magsuot ng salamin.
Napahinga nang malalim si Donovan. Isa iyong magandang balita, pero hindi pa rin iyon sapat para mapanatag siya.
"Naninibago ako sa itsura mo, Donovan," komento ni Laurence nang makita ang ayos ni Donovan na nakasalamin. Mas nagmukhang domineering ito. "Magaguwapuhan din sa'yo ang misis mo niyan."
Napangiti si Donovan. "I think I should send her a photo of mine wearing glasses. Pero, baka magalit siya dahil iniwan ko siyang mag-isa at hindi man lang ako nagpaalam."
While on their way to the embassy, Donovan remained quiet. Tinitingnan niya ang mga kamay niyang nakapatong sa kanyang kandungan. Sa kanyang isip, paulit-ulit niyang iniisip ang mukha ni Raquel—kung paano siya nito tinitigan bago siya lumubog sa mahimbing na tulog.
"Babalik ako sa'yo, Raqui," mahina niyang bulong.
Tumingin sa kanya si Laurence. "Handa ka na ba?"
Hindi sumagot si Donovan. Alam niyang kahit anong paghahanda ang gawin niya, walang makapaghahanda sa kanya para sa maaaring mangyari.
Bumuntong-hininga siya, saka tumingin sa bintana habang papalapit ang sasakyan nila sa embahada ng Tien Maginda.
Ito na ang simula ng laban.
***
Nagising si Raquel sa banayad na sikat ng araw na dumadaloy mula sa bintana ng kanilang silid. Napangiti siya, iniunat ang katawan at tila may inaabot ang kanyang kamay—ngunit wala roon si Donovan. Sa halip, malamig na unan lamang ang kanyang nadama.
"Van?" tawag niya, umaasang naroon lang ito sa loob ng silid.
Walang sagot.
Bumangon siya at mabilis na lumabas ng silid, tinawag niya ulit ang pangalan ng asawa habang naglalakad sa malawak na pasilyo ng mansyon. Pumunta siya sa kusina, sa sala, sa hardin pero hindi niya ito natagpuan. Sa halip, si Mang Dudong lang ang naroon, nakaupo sa veranda at tila may iniisip na malalim.
Napahinto si Raquel sa harapan nito, bumilis ang pintig ng kanyang puso. "Mang Dudong, nasaan po si Donovan?"
Nag-angat ito ng tingin, bakas din ang pag-aalala sa mukha nito. "Raquel, umalis na siya."
Napaatras si Raquel, parang isang matalim na kutsilyo ang bumaon sa kanyang dibdib. "Ano'ng ibig niyong sabihin? Nasa embassy na siya?"
Napabuntong-hininga si Mang Dudong. "Oo."
Halos mabingi si Raquel sa narinig. Napayuko siya, mahigpit na niyakap ang sarili habang sinusubukang pigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi. Hindi siya makapaniwala na iniwan siya ni Donovan nang hindi man lang nagpapaalam.
Mabilis siyang tumalikod at tumakbo pabalik sa kanilang silid. Hindi niya napansin ang pagluha niya hanggang sa maramdaman niya ang panginginig ng kanyang balikat.
Pagpasok niya, doon niya napansin ang isang papel na nakalapag sa gilid ng mesa. Nanginginig ang mga daliri niya habang marahang pinulot ito.
Raqui,
Alam kong hindi mo ako papayagang umalis nang hindi mo ako kasama. Pero mahal, kailangan kong gawin ito. Hindi kita gustong idamay sa gulong ito, kaya gusto kong manatili kang ligtas dito. Pangako ko, babalik ako sa'yo. You're the reason why I'm willing to face everything now. Mahal na mahal kita. Can't wait to be with you for the rest of my life.
—Donovan.
Napaupo siya sa gilid ng kama, mariing nakapikit habang hinahawakang mahigpit ang sulat. Walang kasiguraduhan kung kailan ito babalik, kung paano matatapos ang bangungot na ito. Ngunit isang bagay lang ang sigurado niya—hindi niya hahayaang masaktan si Donovan nang mag-isa.
Huminga siya nang malalim, pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. Hindi siya mananatili rito at maghihintay na lang.
Kailangan niyang gumawa ng paraan. At handa siyang gawin ang lahat, kahit pa harapin niya mismo si Princess Suzanne.
***
Pagdating sa embahada, sinalubong si Donovan ng royal escort ng Tien Maginda, kasama ang representative ng prinsesa mula sa Zedria. Tahimik siya habang inaalalayan papunta sa private meeting room kung saan naghihintay si Princess Suzanne.
Pagpasok niya, bumungad ang isang eleganteng babae na may mahabang buhok, suot ang tradisyonal na gown ng Zedria. She looks so beautiful and it's evident that she's a part of the royalty.
Tumayo si Suzanne at ngumiti kay Donovan. She also bowed to show her respect.
"Prince Donovan," aniya, "It is an honor to finally meet you."
Inabot ni Suzanne ang kamay nito, at bahagya itong kinamayan ni Donovan.
"The honor is mine, Princess Suzanne," sagot ni Donovan nang pormal at may tipid na ngiti.
Habang nag-uusap sila, halatang nahihirapan si Suzanne sa Ingles, ngunit pilit niya itong itinuloy. "I have heard much... about you. You are—very admired, even in Zedria, after Duke Thalrich revealed your portrait and showed it to everyone in our palace."
Napansin ni Donovan ang sinseridad sa boses ng prinsesa, ngunit ang kaisipang hinahanap siya upang magpatuloy ang political ties sa pagitan ng kanilang mga bansa ay nagbigay ng bigat sa kanyang kalooban.
Sa kalagitnaan ng kanilang usapan, nagkaroon ng pagkakataon si Donovan na linawin ang kanyang sitwasyon.
"Princess Suzanne, there's something I need to tell you. It's important."
Napakunot ang noo ng prinsesa ngunit nanatili ang kanyang magiliw na ekspresyon. "What is it?"
Huminga nang malalim si Donovan bago nagsalita. "I am already married. I have a wife here in the Philippines. This arranged marriage of ours—I don't really approve of it."
Saglit na natigilan si Suzanne at tila nagulat. "Married? But I... no one told me..."
Pinilit ni Donovan na maging mahinahon. "I didn't mean to hide it, but it's not widely known. I'm sharing this with you now because I respect you and your country. My wife and I are living a simple life. I didn't choose to be involved in royal matters again, but circumstances have brought us here and I have to show you some respect."
Sunod ay ipinakita rin ni Donovan ang kanyang singsing sa kaliwang kamay. "This is the symbol of our marriage."
Habang nagaganap ang pag-uusap na iyon, hindi alam ni Donovan na naka-live broadcast pala ang kanilang pag-uusap sa Zedria at Tien Maginda. May media representative din ang ilang news outlets sa Pilipinas.
Nang sabihin niyang kasal na siya, mabilis na kumalat ang balita sa buong Pilipinas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro