CHAPTER 33
Napalunok si Raquel. Gusto niyang ibigay ang sarili niya rito pero mas nangingibabaw ang bigat ng sitwasyon nila ngayon. Mahal niya ang kanyang asawa, at may karapatan na ito upang maangkin siya. But despite everything, she wants to feel that they're both ready and not being overwhelmed by their problems.
"Van..." mahinang sabi ni Raquel, halatang nahihirapan siyang magsalita.
Lumapit si Donovan, hinaplos ang kanyang pisngi. "Raqui, hindi kita pipilitin. Pero mahal na mahal kita. Sa lahat ng pinagdaanan natin, ikaw lang ang naging sandigan ko. Gusto ko lang maramdaman na buo tayo, na wala nang alinlangan sa pagitan natin."
Hinawakan ni Raquel ang kanyang kamay at marahang ngumiti. "Mahal kita, Van. At alam kong walang makakapantay sa pagmamahal mo sa akin. Pero... pwede bang hayaan mo muna akong mag-isip? Gusto ko lang na siguruhin na tama ang bawat hakbang na gagawin natin, hindi lang dahil gusto natin sa ngayon, kundi dahil handa tayong harapin ang outcome pagkatapos."
Tumango si Donovan, bagamat halata ang lungkot sa kanyang mukha. "Naiintindihan ko, Raqui. Hihintayin ko ang tamang panahon, kahit gaano pa katagal."
"Salamat, Van... Kung okay lang sa'yo, iki-kiss na lang kita," nahihiyang sambit ni Raquel, na para bang ito ang unang beses na may pagsasaluhan silang halik.
Ngumiti si Donovan. He's the first to move and initiate the gentle kiss between them.
***
Kinabukasan, nagising si Raquel sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana ng kanilang kubo. Agad niyang napansin si Donovan, nakaupo sa labas at nakatingin sa dagat. Lumapit siya rito, dala ang tasa ng kape na itinimpla niya.
"Ang aga mo yata," bati niya, sabay abot ng tasa.
Napangiti si Donovan. "Hindi ako makatulog. Iniisip ko lang ang sinabi mo kagabi. Raqui, thank you for being honest."
Umupo si Raquel sa tabi niya at marahang nagsalita. "Van, hindi naman sa hindi kita mahal o hindi kita gusto. Pero naniniwala ako na kapag ginawa natin ang isang bagay, dapat handa tayong tanggapin ang lahat ng responsibilidad na kasama nito. At ngayon, gusto ko lang na mag-focus tayo sa pagbawi mo ng lakas dahil kababalik lang naman ng paningin mo. At mas mainam din na isipin muna kung paano tayo sa makakalaya."
Hinawakan ni Donovan ang kamay ni Raquel tumango. "Tama ka, Raqui. At mas lalo kitang minahal dahil diyan. Pipilitin kong maging mas mabuti para sa'yo."
Sa mga sumunod na araw, tuloy-tuloy na ang paggaling ni Donovan. Sa tulong ng masinsinang pangangalaga ni Raquel, nababawasan na rin ang pananakit ng kanyang ulo, at mas lumilinaw na ang kanyang paningin.
Habang unti-unting bumabalik ang lakas ni Donovan, naging mas malinaw sa kanilang dalawa na ang pagmamahalan nila ang naging dahilan kung bakit nila nalagpasan ang lahat. They felt like they could stand the test of time.
Ngunit sa kabila ng kasiyahan, alam nilang hindi pa tapos ang laban. Patuloy pa rin silang nag-iingat, dahil anumang araw ay maaaring dumating ang monarkiya ng Tien Maginda na posible silang matunton sa isla.
Every night, under the stars, they pray side by side for a future of freedom, where nothing can stand in the way of their love. At habang buo ang kanilang tiwala sa isa't isa, ramdam nila na darating din ang tamang panahon upang mabuo ang kanilang mga pangarap.
***
Habang nakaupo si Raquel sa maliit na patio ng kanilang kubo, tahimik niyang pinunasan ang mga luhang biglang dumaloy sa kanyang pisngi. Hindi niya napansin si Donovan na papalapit mula sa likod.
Nang marinig naman ni Donovan ang mahinang paghikbi ni Raquel, agad siyang lumapit at umupo sa tabi nito.
"Raqui... umiiyak ka ba?" he worriedly asked.
Umiling si Raquel, pilit na ngumiti ngunit halata pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. "Wala ito, Van. Huwag mo nang alalahanin."
Ngunit hindi siya tinigilan ni Donovan. Hinawakan niya ang kamay ni Raquel at tinitigan ito. "Raqui, sabihin mo sa akin. Ano ang bumabagabag sa'yo? I'm your husband now. You can't just hide secrets from me. Tayong dalawa lang ang nasa lugar na 'to."
Sa wakas, bumigay si Raquel. "Van, bukas na kasi ang tatay ko. Dati, kahit anong mangyari, palagi akong umuuwi para makasama siya sa espesyal araw niya. Pero ngayon..." Tumigil siya sandali, pilit na nilulunok ang bigat ng kanyang damdamin. "Hindi ko siya makakasama. At pakiramdam ko, hindi ko na magagawa iyon dahil sa sitwasyon natin."
Napahinto si Donovan sa narinig. Alam niyang tama si Raquel. Dahil sa kanya, napilitan itong iwan ang tahimik at normal na buhay nito. Bigla siyang nakaramdam ng bigat sa kanyang dibdib.
"Raqui," mahinang sabi ni Donovan. "Patawarin mo ako. Parang napahirap ko ang buhay mo dahil sa kasal natin."
Agad na umiling si Raquel at hinawakan ang kamay ng kanyang asawa. "Huwag mong sabihin 'yan, Van. Hindi mo kasalanan. Pinili ko 'to dahil mahal kita. Pero hindi ko lang maiwasan na maalala ang pamilya ko, lalo na sa ganitong mga araw."
Donovan nodded and did nothing but to agree. "Susorpresahin natin ang tatay natin. Okay?"
***
Kinagabihan, habang natutulog na si Raquel, hindi mapakali si Donovan. Patuloy niyang iniisip ang sinabi nito kanina. Alam niyang kailangang gumawa siya ng paraan para mapagaan ang loob ni Raquel at maipakita kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng sakripisyo nito.
Agad niyang kinuha ang phone sa gilid ng papag para tawagan si Mang Dudong.
"Mang Dudong," simula ni Donovan, "kailangan kong humingi ng tulong sa inyo."
"Anong kailangan mo, Van?" tanong ni Mang Dudong sa kabilang linya at halatang interesado.
Ipinaliwanag ni Donovan ang kanyang plano. Gusto niyang ipagdiwang ang kaarawan ng ama ni Raquel sa simpleng paraan kahit na hindi sila makauwi sa pamilya nito. Kahit papaano, gusto niyang maramdaman ni Raquel na hindi ito nawawalan ng koneksyon sa pamilya nito.
"Kailangan padalhan sila ng pagkain, at kahit anong regalo na magpapakita ng pagmamahal ni Raquel sa tatay niya," sabi ni Donovan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro