Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Dumating si Raquel sa isang hotel function room na nagsisilbing venue para sa orientation ng mga napiling participants. Napansin niya ang dami ng tao na mukhang nagmula sa iba't ibang walks of life, maraming propesyonal at presentableng tingnan. May mga confident na nagpakilala, may mga tahimik lang sa gilid tulad niya.

"Hi, first time mo rin bang mag-try sa show na 'to?" tanong ng isang babaeng nakaupo sa tabi niya. Nakangiti ito at mukhang approachable.

"Oo, ikaw?" tanong ni Raquel habang pilit na ngumingiti.

"Candice nga pala. Ikaw?"

"Raquel."

Mabilis silang nagkapalagayan ng loob habang hinihintay ang simula ng programa. Habang nag-uusap, sinisikap ni Raquel na hindi ipakita ang kaba. Sa totoo lang, hindi niya lubos maisip na nandito siya ngayon. Pero dapat hindi siya kabahan, alam naman niyang walang magkakainteres sa kanya. She's a minimum wage earner at wala siyang panama sa mga board passers na kalahok at siguradong pipilahan ng mga lalaki sa upcoming show na ito.

Sa parehong oras, pumasok si Donovan—o si Van Elias, suot ang simpleng polo at maong. Hindi halata sa kanyang postura na isa siyang prinsipe ng Tien Maginda. Dumiretso siya sa registration area, saka ibinigay ang kanyang fake ID, at ngumiti nang kaunti sa receptionist.

Habang pumapasok siya sa function room, hindi niya maiwasang mapansin ang iba't ibang mukha ng mga tao.

Napaisip siya kung alin sa kanila ang narito para sa totoong pag-ibig at sino ang kagaya niya, narito para takasan ang realidad. Pero sana, ang mapili niya ay katulad na lang niya na iisa ang layunin. Sa gulo ng sitwasyon njya, napagtanto niya na hindi pa ito ang oras para humanap ng pag-ibig. Kailangang ipaglaban ang ordinaryong mamamayan na nasasakupan nila laban sa hindi pantay na karapatan ng mga ito sa Tiens na nasa elite and royalty status. Gusto niya, na kung sakaling matakasan man niya ang kasal kay Princess Suzanne, eh maisulong din niya ang reporma sa ruling system ng monarkiya, pero alam niyang imposible iyon. Wala siyang kakampi at walang makikinig sa hidden prince na katulad niya.

Pag-upo niya sa isang bakanteng upuan, nagtama ang kanilang mga mata ni Raquel. Saglit siyang natigilan, ngunit mabilis din niyang iniwas ang tingin.

Si Raquel naman, bagama't saglit lang ang tagpo, napansin niya ang kakaibang aura ng lalaki. Simple ito ngunit parang may kung anong misteryo ang dating.

'Ang gwapo niya. Parang siya lang ang pinakagwapong nakita ko rito. Pero bakit siya naghahanap ng ka-match sa ganitong show? Napakaimposible, kung may hatakin itong stranger sa labas, baka sumama pa ang stranger na 'yon eh. Pero sana ako na lang 'yong stranger...'

Tumaas bigla ang kilay niya nang mapagtantong nag-i-imagine na siya ng kung anu-ano.

"Good day, everyone! Welcome to 'Find Your Dream Match!'" masiglang bati ng host na pumasok sa entablado, na sinundan ng masigabong palakpakan mula sa participants.

Habang nag-uumpisa ang orientation, parehong tahimik sina Raquel at Donovan sa kanilang mga pwesto, ngunit hindi nila maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam ng pagkakasama nila sa iisang espasyo.

***

Dumating na ang araw ng shooting ng Find Your Dream Match. Ang venue ay isang malaking studio na may eleganteng setup—mga malalaking screen na nagpapakita ng profiles ng mga kalahok, maliwanag na ilaw, at isang main stage kung saan magaganap ang pagtatagpo ng mga potential pairs.

Si Raquel ay tahimik na nakaupo sa isang sulok, nakayuko habang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. Simple lang ang kanyang suot, isang pastel dress na hindi masyadong revealing pero bagay sa kanya. Habang pinapanuod niya ang mga profile ng ibang kalahok na lumalabas sa widescreen, napansin niya agad ang isang lalaking tila kuha mula sa isang perpektong imahinasyon.

Si Donovan.

Halos natulala si Raquel nang makita ang mukha nito sa screen. Looks so tall, with a strong presence, and that— jawline! It seemed like it was sculpted by the gods. She could feel the slight flush on her face as she secretly admired his profile.

"Wow... Ano kayang ginagawa ng ganitong klaseng lalaki sa dating show na 'to? Seryoso pala talaga. Siya rin 'yong nakita ko na pinakagwapo sa function room," bulong niya sa sarili, habang pilit na iniisip kung ano ang maaaring dahilan ng pagsali ng isang kagaya niya rito.

Sa kabilang banda, nasa likod lamang si Donovan, tahimik na pinagmamasdan si Raquel mula sa malayo. Suot niya ang simpleng polo shirt at dark jeans, mukhang ordinaryong lalaki ngunit hindi maikakaila ang kanyang aura. Nakangiti siya, tila nagugustuhan ang reaksyon ni Raquel habang nakatingin ito sa kanyang larawan sa screen.

"Interesting," mahina niyang sabi sa sarili habang sinusuri si Raquel. Ang larawan ng dalaga na nakita niya kanina sa screen ay umakma sa aktwal na itsura nito. Mukhang vulnerable, inosente, at higit sa lahat, ordinaryo. Walang bahid ng pagiging materyosa o mapagmataas. Tama ang iniisip niya—si Raquel ang perpektong pagpipilian.

"Kung siya ang pipiliin ko, magiging madali ang lahat," isip niya. "I can marry her, escape my responsibilities, and live the life I want without anyone suspecting who I really am."

Habang abala sa pagmamasid si Donovan, muli niyang napansin kung paano tila nahihiya ngunit humahanga si Raquel sa kanyang larawan. Hindi niya maiwasang mapangiti. Mukhang madali ang plano niya—tila type siya ng babae, at hindi magiging mahirap ang pakikitungo dito.

Sa loob ng studio, biglang tumugtog ang upbeat music, hudyat na magsisimula na ang programa. Isa-isang pinapasok ang mga kalahok sa para ipakilala ang sarili.

Nang tawagin si Raquel, halos hindi niya alam kung paano haharap sa mga tao. Nanginginig ang tuhod niya habang lumalakad papunta sa stage. Ngunit habang papalapit siya, muling napatingin siya sa screen kung saan muling lumabas ang profile ni Donovan.

"Diyos ko, ang gwapo niya talaga..." bulong niya, sabay kagat ng labi. Hindi niya alam, nasa audience na si Donovan, palihim na sinusundan ang bawat galaw niya.

Nang tawagin si Donovan para umakyat sa stage, agad na napatigil si Raquel. Nagpantig ang tenga niya nang marinig ang pangalan nito, at bigla siyang napalingon. Sa unang pagkakataon, nakita niya ito nang malapitan.

'Oh no,' sa isip niya habang natutunaw ang kanyang puso. Mas gwapo talaga ito sa malapitan, mas matangkad, at ang paraan nitong maglakad—parang nasa runway. Parang kinurot ang puso niya sa hindi maipaliwanag na paghanga.

Ngunit sa likod ng lahat ng ito, si Donovan ay may ibang iniisip. As he walked toward the stage, his eyes met Raquel's. He offered her a subtle yet gentle and captivating smile.

"Game on," naisip ni Donovan. Habang tumitindi ang palakpakan ng audience.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro