CHAPTER 26
Isang malamlam na gabi, si Donovan ay nabulabog ng isang nakakabahalang panaginip. Sa kanyang panaginip, mayroong hindi kilalang tao na nagtangkang mamakit sa kanya. At sa gitna ng kaguluhan, nakita niya ang sarili na tumakas at sa hindi inaasahang pagkakataon, nadamay si Raquel. Pinilit niyang makalayo mula sa mga anino sa panaginip, ngunit hindi siya makaligtas. Nang siya'y magising mula sa takot at kalituhan, tumagaktak ang kanyang pawis at parang hindi na makahinga pagkagising.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras at pinindot ang alarm sa buzzer ni Raquel. Gusto niyang siguraduhin na ligtas ito, at hindi niya kayang maghintay pa.
Nagising si Raquel dahil sa alarm at mabilis na lumabas ng kwarto. Nakita niya si Donovan na pilit kinakapa ang bawat daan nang may pagmamadali. Ang tingin nito ay puno ng kalituhan at kaba kaya agad siyang lumapit at hinawakan ito sa mga balikat.
"Donovan, ano'ng nangyayari?" tanong ni Raquel habang tinutok ang mga mata sa binata. He looked so uneasy, as if something was haunting him even in his waking moments.
"Raqui..." ang mahina nitong sagot, at napansin niyang tila umaasa si Donovan sa presensya ni Raquel. "I thought something bad happened. I thought you were in danger. I just had a worst nightmare."
Napalunok si Raquel, naguguluhan at hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyayari. Ang nakita niyang takot sa mata ni Donovan ay nagpatibay sa kanyang desisyon na manatili sa tabi niya. Bilang kanyang caregiver, hindi siya maaaring magpabaya.
"Thank God, Raqui... You're safe." Ang kanyang tinig ay puno ng pasasalamat, ngunit mayroon ding isang kakaibang kalungkutan na hindi niya maipaliwanag. "Will you stay with me in this room?"
Tumango lamang si Raquel, naguguluhan at nag-aalangan. Wala siyang ideya kung ano pa ang ibang nararamdaman ng binata maliban sa takot, ngunit alam niyang hindi niya ito maaaring pabayaan.
"Donovan, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Raquel habang marahang ginigiya ang mga kamay nito upang makausap ito nang mas mahinahon. "Nandito na ako."
Hindi na nagsalita pa si Donovan. Wala nang mas sasaya pa kundi ang magkaroon ng isang tao na talagang nagmamalasakit sa kanya—si Raquel.
Though Raquel began to doubt and question her own feelings, she understood that their relationship ran deeper than just that of a simple caregiver to him and her employer. Hindi pa niya alam kung anong ibig sabihin ng mga haplos at yakap na ito bukod sa pinanghahawakan niya na maaring driven by confusion lang ang lahat kay Donovan dahil sa kalagayan nito, ngunit isa lang ang sigurado siya; sa gabing iyon, siya at si Donovan ay hindi maghihiwalay at walang makapaghihiwalay sa kanila.
Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, para bang nagsimula na naman ang isang bagong kabanata sa kanilang kwento, hindi lamang bilang mga taong magkasama sa iisang lugar, kundi bilang mga kaluluwa na may mga lihim at pangarap na malalantad sa paglipas ng panahon.
Habang nakayakap si Donovan kay Raquel, nagkaroon siya ng hindi inaasahang pakiramdam na parang isang bata na hindi kayang harapin ang kanyang takot. Nagkaroon siya ng isang malalim na takot na mawalan ng koneksyon kay Raquel, kaya't hindi na niya kayang bitawan ito.
Ngunit si Raquel, na nagsimulang mag-alala, biglang napaigtad at sinubukang alisin ang mga bisig ni Donovan mula sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya, pero ang kalagitnaan ng mga emosyon ay nagdulot sa kanya ng isang kakaibang kilig na hindi niya kayang itago.
"Van," tawag niya dito, isang pabulong na palayaw na tila naglalaman ng pagkabahala. "Bakit mo ako niyayakap?"
A long moment of silence passed before Donovan spoke again, his voice filled with fear and vulnerability.
"Because I'm scared that you might run away from me... At ayokong mangyari 'yon," pag-amin ni Donovan, na hindi kayang itago ang sakit at kaba sa kanyang mga salita. Para sa kanya, si Raquel ay naging isang mahalagang tao, hindi lamang bilang kanyang caregiver kundi bilang isang tagapagligtas mula sa kanyang magulong mundo.
Nanatiling tahimik si Raquel, habang ang mga mata ni Donovan ay naghahanap ng sagot mula sa kanya dahil sa mga salitang iyon. Hindi na niya kayang alisin ang kanyang mga kamay mula sa katawan ni Raquel, dahil sa takot na baka mawala siya.
"Kapag umalis ako, babayaran ko ang kontrata. Wala akong pera to breach that," sagot ni Raquel, tinatago ang kakaibang kilig sa kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may pakiramdam siya ng saya sa mga salitang iyon. Sa kabila ng kanyang mga nararamdaman, iniisip niya pa rin ang mga praktikal na bagay.
"Kung pakakasalan kita, papayag ka ba?" tanong ni Donovan, na walang ideya na ang kanyang mga salitang iyon ay magdudulot ng mas malaking gulo. Wala siyang intensyon na ilahad ang kanyang pagiging tunay na prinsipe sa Tien Maginda. Hindi niya alam kung anong epekto ng kanyang tanong kay Raquel, ngunit tila nahulog na siya sa isang sitwasyon kung saan ang sariling emosyon niya ay hindi na niya kayang kontrolin pa. He needs to know what's in her heart, before it gets too late. Kailangan na niyang makasiguro.
Nagdulot ng matinding katahimikan ang tanong na iyon sa silid. Raquel didn't know how to answer that. Hindi pa niya lubos na nauunawaan ang kanyang nararamdaman kay Donovan—kung ito ba ay isang malalim lamang na pagkakaibigan o isang pagmamahal na mas mahirap ipaliwanag. Pero hindi niya maloloko nang matagal ang sarili, alam niyang mahal na mahal na niya ang binata matapos niya itong halikan nang ilang beses.
Sa mga sandaling iyon, hindi rin niya kayang tanggihan ang pakiramdam na may koneksyon sila, na may isang bagay na nag-uugnay sa kanilang mga puso. Na kahit gaano pa man kakomplikado ang kanilang mga buhay, sa mga oras ng takot at pangangailangan, tila ang kanilang mga kaluluwa ay nagsasalita sa isang Wika na tanging sila lamang ang nakakaunawa.
Raquel, though somewhat confused but unable to let the moment slip away, didn't answer right away. Yet, in her eyes, a deep question lingered. If she followed the flow of what she was feeling, mixed with fear and desire, would she be able to handle the pain once more?
Habang naramdaman ni Raquel ang presensya ni Donovan na humihigpit, tumagos ang mga salita nito sa kanyang isip. The air in the room seemed to shift, and the warmth of her body surged in that moment. Napansin niyang mas malapit na siya kay Donovan kaysa dati, at sa bawat galaw nito, tila natutulungan siya nitong magbigay ng sagot sa mga tanong na patuloy niyang itinatanong sa kanyang puso.
"I'm serious, Raquel. Just say yes or no." Ang mga salitang iyon mula kay Donovan ay nagsundot sa kanyang puso, at nagbigay ng ilang sandali ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Naramdaman ni Raquel ang kabiguan ni Donovan nang hindi siya agad sumagot, kaya't pinaikot niya ang kanyang katawan at bahagyang umiwas. Ang mga mata niya ay puno ng kalituhan at takot.
"Hindi," aniya, ang boses ay medyo nanginginig. "Dahil hindi kita kilala. Hindi ko alam kung saan ka galing. Ang alam ko, engineer ka, pero kung engineer ka lang, hindi ganito kagarbo ang buhay mo, at wala ka dapat sa mansyon na ito. At wala kang pamilya, so... Hindi. Hindi kita pakakasalan."
Mahalaga sa kanya ang mga prinsipyo, kaya't mahirap para kay Raquel na magbigay ng mabilis na sagot, lalo na't alam niyang may mga bagay na hindi pa siya tiyak, lalo na sa identity nito.
Nagpatuloy si Donovan. "Kunsabagay, pinahirapan kita, Raqui. Pero pag okay na ang paningin ko, pakakasalan pa rin kita. Mas lalo kong ipipilit ang sarili ko sa'yo."
"Bakit? Hindi na ba magbabago ang isip mo? I mean, dati hindi ka pa bulag noon at sinabi ko na agad na nabubulagan ka lang. Tapos ngayon na temporary blind ka na, ako pa rin ba talaga?" tanong ni Raquel. She wants to stay honest with Donovan, ngunit mas nangingibabaw pa rin ang pagkalito. Hindi na siya sigurado kung ang nararamdaman niya ay pagmamahal o pagkahulog lang sa isang sitwasyon na hindi niya kayang kontrolin dahil kailangan niya itong bantayan bilang kaibigan, at kailangan din niya ng trabaho.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro