Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25

Ang halik ng binata ay hindi mapilit, hindi rin pabigla—kundi puno ng pag-aalaga. Parang may gustong iparating si Donovan, isang bagay na hindi niya kayang ipahayag sa salita.

Nang maghiwalay nang saglit ang kanilang labi, kapwa sila tahimik at nagbawi ng hininga. Hindi makatingin si Raquel kay Donovan na nakangiti nang bahagya dahil pakiwari yata nito ay may nakuha itong premyo.

"Raqui, don't leave," mahina nitong pakiusap.

Hindi alam ni Raquel kung paano tutugon. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot o magalak. Pero isang bagay lang sigurado niya—hindi na niya kayang itanggi na may nararamdaman siya para kay Donovan at mas lalong hindi na niya kayang itanggi na unti-unti na siyang nahuhulog sa binatang ito.

Lumalim pa ang gabi, at ang malamlam na ilaw sa kwarto ang nagbigay ng malambot na liwanag sa kanilang paligid. Sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga labi, tila ba nawawala ang distansya at may pag-amin na mula sa kanilang mga puso. Ang mundo sa paligid nila ay naglaho—mga ingay, mga lihim, mga alalahanin, at mga tanong na hindi pa nasasagot.

Tumigil sandali si Raquel, napansin niya ang ilang pagtutok ni Donovan sa kanyang mga galaw.

"I'm sorry," sambit niya, at naramdaman ang bahagyang pagkapahiya.

Hinawakan ni Donovan ang kanyang mga pisngi, at ang malambot na tinig nito ay umabot sa kanyang puso. "Does that mean that you feel the same way about me, Raqui? What does your kiss mean then?"

Ang mga mata ni Raquel ay puno ng hindi matukoy na emosyon— pagkalito, takot, at marahil... kaligayahan?

Sumagot siya sa pamamagitan ng isang malalim na hininga. "Hindi ko alam ang ibig sabihin, Van," sabi niya sa mahinang boses. "Wala sigurong meaning. Dahil gift lang naman iyon na hiniling mo."

Mabilis na lumapit si Donovan at inilapit ang kanyang noo sa noo ni Raquel, at ang kanyang mga kamay ay mahigpit na humawak sa mga balikat nito. Dahil sa ilang beses na magkalapit sila nang ganito at madalas na maglandian nang palihim, madaling nahahanap ni Donovan ang direksyon ni Raquel. Nagigng guide niya rin ang familiar scent nito.

"I can wait, Raqui. I'd wait for you forever if I have to," he whispered. "And thank you for that meaningless kiss."

Hindi na nakayanan ni Raquel ang malalim na kahulugan ng mga salitang iyon. Binibigyan na siya ng assurance ng binata. Kaya hindi na naman siya nakapagpigil. Raquel's lips gently pressed against Donovan's once more, but this time, it was slower and not only did their lips move, their tongues were clashing too—slowly, with tenderness, and as if there were unspoken emotions in every kiss they shared.

Dahan-dahan nilang pinakawalan ang bawat isa, parehong tahimik at nahulog sa kanilang mga nararamdaman. At sa oras na iyon, ang tanging naramdaman ni Raquel ay ang katotohanang siya at si Donovan ay magkasama na—hindi lang bilang magkaibigan, kundi bilang dalawa na nagmamahalan, bagamat hindi pa nila kayang ipaliwanag ang lahat ng iyon.

Napapikit si Raquel at sumandal kay Donovan. "Natatakot ako, Banban," she admitted softly, as she buried her face in his chest.

"Don't be," he whispered, holding her tighter. "As long as I'm here, I won't let you go. You have nothing to fear. At... ako ang dapat na matakot, dahil bulag pa ako, remember?"

At sa mga salitang iyon, natutunan ni Raquel na hindi lahat ng bagay ay kailangang malaman o tanggapin agad. Minsan, ang tanging kailangan lang ay magtiwala sa posibilidad na may maganda pa rin namang kahihinatnan ang lahat.

"Ikaw ang first love ko," ang bulong ni Donovan bago sila pumikit. Parang isang matamis na lihim na ipinagkaloob ng binata—isang lihim na siya lang ang may alam.

Nagkunwaring natutulog si Raquel, ngunit ang mga mata niya ay pilit na ipinipikit habang ang kanyang isip ay patuloy na nag-uusisa. Isang tanong na hindi niya kayang itago—bakit siya ang naging unang pag-ibig ni Donovan? Samantalang attractive naman ang binata, puno ng mga kahanga-hangang karanasan at hindi na kailangan pang mag-effort na magpapansin sa mga babae?

Napakagwapo ni Donovan. Hindi lang sa itsura, kundi sa kabuuan ng pagkatao nito. Napakaraming bagay na commendable sa binatang ito gaya ng katalinuhan at success, kahit na may misteryosong aura na palaging nakapaligid dito. Bakit nga ba hindi ito nakatagpo ng pag-ibig?

'Siguro may dahilan... Siguro nga hindi lang siya na-focus sa pagmamahal, o baka naman hindi pa niya natagpuan ang taong may kakayahang magbigay sa kanya ng pagmamahal na hinahanap niya.'

Pumikit siya at nagpasya na itabi muna ang lahat ng tanong na iyon. Dahil sa gabing ito, ang tanging sigurado siya ay hindi na siya maghihintay ng mas matagal. Si Donovan na ang magbibigay ng mga kasagutan—pati na ang pagmamahal na gusto niyang matutunan.

Maya-maya, naramdaman niya ang dahan-dahang paghaplos ng kamay ni Donovan sa kanyang buhok, na nagpatibay sa kanyang nararamdaman. Hindi niya kayang ipaliwanag, ngunit may bagong simula na sa kanilang dalawa. At sa kabila ng mga pagdududa, ang isang bagay na tiyak siya—si Donovan ay bahagi na ng kanyang buhay, at gano'n din ang binata sa kanya.

***

Kinabukasan, naramdaman ni Raquel ang kakaibang tensyon sa hangin nang magising siya. Habang naglalakad siya patungo sa dining area, hindi maiwasan nina Laurence at Mang Dudong na mapansin ang kakaibang aura niya at hindi nila napigilan ang magtawanan. Gising na pala ang mga ito nang mas maaga kahit sila pa ang mga may hangover.

"Good morning, Ms. Raquel," bati ni Laurence, sabay ngisi. "Naibigay mo na ba kay Donovan ang regalo? O ikaw ang naregaluhan niya?"

"Huh?" sagot ni Raquel at napakamot sa ulo. Alam niya ang ibig sabihin ng gano'ng joke. Noon pa man, maaaring alam na ng mga ito kung bakit siya naging tagapangalaga ni Donovan bukod sa familiarization ng binata sa kanya. Maaaring iniisip na ng mga ito na may real score na sa kanilang dalawa ni Donovan. Ang hindi lang alam ng mga ito, kahit na naghalikan na sila ni Donovan kagabi, wala pa ring label ang kanilang relasyon. Baka sex na lang ang kulang para magkaroon man lang sila ng label.

Halos mapahiya rin siya sa biro ng dalawa. "Wala nga po akong regalo para sa kanya."

"Talaga ba? Eh, mukhang may something naman na kayo!" tawa ni Mang Dudong, sabay baling kay Laurence.

Napapailing na lang si Raquel, hindi alam kung paano sasabihin na wala naman talagang higit na nangyari bukod sa naging passionate kiss nila na wala pang kahulugan sa lagay na 'yon. Ngunit bago pa siya makapangatwiran, tumunog ang buzzer na dala niya, senyales na tinatawag na naman siya ni Donovan.

Agad siyang humarap sa dalawa at nagsabi, "Excuse me. Kailangan ko po munang i-check si Donovan."

Habang papasok siya sa silid ni Donovan, nandoon siya sa harap ng isang sitwasyon na kailangang tulungan ang binata. Nakita niyang nakatayo si Donovan sa gilid ng kama, tila naguguluhan at hinahanap ang direksyon.

"Good morning, Banban or Van," bati ni Raquel.

Tumango na lang si Donovan, na tila may hinahanap sa kanyang paligid.

"Leaving just like that?" kunwari ay nagtampo ang binata, habang nagpapakita ng isang malumanay na ngiti.

Ngumiti si Raquel at nilapitan ang nagtatampong binata. "Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo bang iniiwan ka kapag may kasama ka sa kwarto mo?"

Naglakad siya papunta sa gilid ng kama kung saan siya umupo at nagsimulang magayos ng ilang gamit ni Donovan. "Wala akong intensyon na iwan ka, Van," sabay sulyap sa mukha nito. "Pero kailangan ko rin ng space and time. Pwede bang huwag ka nang magtampo dyan? Hindi pa naman kita boyfriend."

Hindi umimik si Donovan kaya napairap lang si Raquel. "Ano bang kailangan kong gawin para hindi ka na magtampo huh?"

"Kiss me like you did last night," mapanuksong pakiusap nito.

Hindi na nagdalawang isip si Raquel. Isinandal niya sa headboard si Donovan at hinagkan niya ito. Matagal. May pagsuyo. May tamang bilis at pag-iingat. Habang pinagsasawa nila ang kanilang mga sarili sa sandaling iyon, naramdaman ni Raquel na lumilikot na ang kamay ng binata. Nakahawak na ito sa kanyang baywang at parang may ibang hinahanap. Bago pa siya matangay sa biglang sensasyon, itinulak niya si Donovan at ihiniga na lang ito sa kama.

She almost cursed. Inilayo niya ang kanyang sarili dahil parang uminit ang temperatura ng kanyang katawan at gano'n din ito. Naramdaman niya rin kanina na may panggigigil na sa gestures ni Donovan. Parang gusto na siya nitong angkinin kahit wala pa itong naaaninag. Syempre, ayaw niyang mangyari ang bagay na 'yon dahil walang thrill. Kung mangyayari man, sana ay kapag nakakita na ulit ito. Para naman... ma-feel niya kung mahal pa siya nito kung sakaling masilayan na nito ang mukha niya na hindi gano'n ka-attractive. Gusto niyang malaman kung hahalikan pa rin kaya siya nito kapag makikita na nito ang mukha niya dahil may bahagi naman sa utak niya na nag-iisip na baka gano'n lang ka-wild o kalawak ang imahinasyon ng tulad nitong wala pang nakikita.

"Okay na ba? Hindi ka na ba nagtatampo?" malumanay na tanong ni Raquel.

Ngumiti lang si Donovan. "Hindi na. Hinding-hindi na rin ako magtatampo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro