Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Tahimik ang gabi sa loob ng mansyon ni Donovan, maliban sa tunog ng ceiling fan na dahan-dahang umiikot sa kisame. Hawak niya ang kanyang cellphone habang nagba-browse ng social media, sinusubukang makakuha ng mahahalagang balita tungkol sa political climate ng Pilipinas. Alam niyang may mga plano ang gobyerno ng kanyang bansa na makipag-ugnayan sa Pilipinas, kaya't nais niyang maging handa sa anumang balita. The royal family must not step in to this country. Wala naman silang dalang panganib, ayaw lang niya na matunton siya ng mga ito. Habang binabasa niya ang mga headline, bigla siyang napunta sa isang advertisement na tila out of place na sa feed niya. Isang post iyon mula sa isang sikat na YouTube content creator:

"Looking for Love? Join Find Your Dream Match! Meet amazing people and win a chance to find your perfect match! Guaranteed cash prizes for all participants!"

Bahagyang napakunot ang noo ni Donovan. Isang dating show? Halos mapailing siya, ngunit napansin niyang sinimulan niyang basahin ang mga comments sa post.

Maraming sumasali dahil sa pera, ngunit may ilan din na tila seryosong naghahanap ng partner, kung ibabase sa itsura ng mga mukha at posts ng mga ito sa social media accounts.

Habang tinititigan niya ang ad, unti-unting tumatakbo ang isang ideya sa kanyang isipan. Muling bumalik sa alaala niya ang pangalan ni Princess Suzanne ng Zedria, isang Australasian state na matagal nang kaalyado ng kanilang bansa. Ang prinsesang iyon ang nais ipakasal sa kanya ng kanyang pamilya. Ang problema? Hindi niya mahal si Suzanne, at wala siyang balak na itali ang sarili sa isang arranged marriage na para lamang sa political ties ng kanilang monarkiya.

"I refuse to let them decide my life for me," bulong niya sa sarili, bahagyang nagpipigil ng emosyon. Ang Tien Maginda ay isang bansa ng tradisyon, at bilang tagapagmana ng trono, ang kanyang kapalaran ay nakatali sa kagustuhan ng kanyang pamilya. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang may ibang buhay para sa kanya—isang buhay na hindi nababalutan ng titulo at responsibilidad.

Biglang bumalik ang kanyang atensyon sa advertisement. 'What if this is my chance?'

Ang mga sumunod na katanungan ay naglaro sa kanyang isipan: Paano kung dito niya mahanap ang isang babae na hindi bahagi ng royal world? A person who values neither title nor wealth, but is seen simply as an ordinary individual.

Napabuntong-hininga siya. Alam niyang delikado ang ideyang ito. Sa kabila ng kanyang pagiging anonymous sa Pilipinas, hindi garantiya na hindi siya makikilala. Pero ang ganda rin naman ng ganitong oportunidad. Dahan-dahan niyang binuksan ang link na nakalagay sa advertisement at binasa ang mechanics ng show. Wala namang masyadong cheche bureche. Isang simpleng dating show lang din ito na kung saan maaari kang pumili ng kapareha, pero ang twist, kahit walang mapili o pumili sa participant ay uuwing may cash prize.

"It's worth a try," sabi niya habang iniisip ang lahat ng posibleng mangyari. Kung matagal na siyang nagtatago sa likod ng pagiging prinsipe, bakit hindi subukang magtago bilang ordinaryong lalaki?

Hindi siya nagdalawang-isip. Ginamit niya ang pangalang "Van Elias," isang simpleng pangalan na walang bakas ng kanyang royal identity. Puno ng excitement at kaba, sinimulan niyang punan ang application form. Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang kakaibang kasiyahan—parang may liwanag na dumating sa gitna ng madilim niyang mundo.

"Maybe I can find her here," mahina niyang sambit, habang ini-imagine ang mukha ng babaeng minsan niyang pinangarap.

Ngunit sa likod ng kanyang desisyon, alam niyang may kaakibat na panganib. Kung matutuklasan ng kanyang pamilya ang ginagawa niya, maaaring magbunga ito ng malaking gulo. Ngunit para kay Donovan, ang pagkakataong ito ang nagbigay sa kanya ng kakaibang pag-asa, na makahanap ng totoong pagmamahal sa isang mundo kung saan ang lahat ay totoo, simple, at hindi nakakadena sa politika at tradisyon.

***

Maagang nagising si Raquel kinaumagahan. Wala siyang ibang balak kundi tapusin ang mga gawaing bahay at muling maghanap ng trabaho online. Ngunit nang i-unlock niya ang kanyang cellphone, agad bumungad ang isang email na nagpalundag sa kanyang puso.

"Congratulations! You've been selected as one of the participants for Find Your Dream Match! Please confirm your availability for the orientation meeting tomorrow!"

Natigilan siya. Hindi niya akalain na mapipili siya sa dami ng aplikante. She swallowed hard as she read the entire message, which included details about the requirements and a guaranteed cash prize even if she didn't find her match. Malaki na rin ang 10,000. Ang yaman naman ng YT channel na ito. Nasa gitna pa rin siya ng pag-aalinlangan, pero naisip niyang ito na ang sagot sa kanyang problema. Pera ang habol niya, hindi ba? Wala na siyang dahilan para umatras.

Habang iniisip niya ang mga posibleng kahihiyan kung sakaling sumali siya, pumasok sa isip niya ang mukha ni Markie at ng "kaibigan" niya. Napairap si Raquel. 'Hindi na uso ang maging martyr. Ang importante, makakabangon ako sa sarili kong paraan.'

Pinindot niya ang "Confirm Availability" button.

Sa kabilang dako naman, nakaupo si Donovan sa kanyang study area sa mansyon habang pinagmamasdan ang kanyang laptop screen. Kagabi lamang ay inisip niyang baka hindi siya papasa dahil mukhang mahigpit ang online audition process. Ngunit heto at nakatanggap siya ng notification na pumasa siya sa unang screening bilang "Van Elias."

"Congratulations, Mr. Van Elias! You've successfully qualified for the next round of Find Your Dream Match! Please confirm your attendance for the next steps."

Bahagyang napangiti si Donovan. Mukhang maganda ang takbo ng plano niya. Sa kabila ng magulong sitwasyon niya bilang prinsipe, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong excitement.

"Let's do this," sabi niya sa sarili, sabay pindot sa "Confirm Availability" button. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro