CHAPTER 17
Dahan-dahan niyang tinakpan ng kumot si Donovan, maingat na nakaalalay sa bawat galaw ng binata. Habang ginagawa ito, ramdam niyang magaan na ang pakiramdam niya sa kabila ng kanilang complicated na sitwasyon.
Hindi niya kayang ilihim pa sa sarili niya na may unti-unting damdamin na siyang namumuo para kay Donovan—bukod sa galit at inis. Hindi pa siya sigurado, pero pwedeng pag-ibig ang tawag sa gano'ng pakiramdam. Ngunit hindi siya sigurado kung anong klase ng pagmamahal iyon. Baka bunga lang ng kanilang sitwasyon, o baka ito talaga ang nararamdaman niya. Who knows? And who cares, anyway?
"Duh. Hindi pwede. Raquel, say it isn't so..." Sinaway na naman niya ang sarili.
She didn't know it yet, but her heart had already begun to doubt, and perhaps she had already fallen for the young man that turned out to be a prince—who still couldn't accept his own weaknesses. Hindi siya sigurado sa gano'ng emosyon at mas lalong hindi siya sigurado sa pagkatao nito. He seemed hideous at all times. Pero may mga pagkakataon na kaya niya itong maisahan dahil mas nagpapadala sa pagiging emosyonal—typical for someone who's smart but easily to get outwitted.
Pagkalipas naman ng isang oras, nagising si Donovan mula sa mahimbing na pagkaidlip at agad na naramdaman na hindi siya nag-iisa sa living room. He's smelling a familiar scent. Alam niyang si Raquel ang kasama niya, kaya't nagpatuloy siya sa paghahanap ng kanyang baston.
Habang iniabot niya ang pakay na gamit, bigla siyang natisod at natumba. Sa isang iglap, napadagan siya kay Raquel, na natutulog pala sa kabilang couch. Parang sinadyang mag-alalay sa kanya ng kakaibang init ang pagtatama ang kanilang mga katawan. Nakaramdam siya ng init—hindi lang mula sa pisikal na pagkakadikit nila, kundi pati na rin sa isang damdaming hindi niya kayang ipaliwanag. Hindi na siya sigurado kung anong klase ng pagnanasa ang nararamdaman niya, ngunit naroon ang isang tensyon na tila umabot hanggang sa kanyang kaluluwa. Her scent even entices him at that moment. Alam niyang hindi niya dapat maramdaman ang bagay na 'yon. It feels illegal, as if he's already crossing the line.
Sa kabila ng kanyang pagiging bulag, ramdam na ramdam niya ang presensya ni Raquel at ang malapit na ugnayan nilang dalawa. Ang pagtama ng katawan nila ay nagbigay ng kakaibang alon ng emosyon, at hindi niya alam kung kaya pa niyang gawing malamig ang lahat o kung kailangan na niyang mas doblehin ang strategy niya na magtago ng kahit anong nararamdaman.
Ginawa ni Donovan ang lahat ng makakaya niyang itulak ang sarili, pinilit niyang bumangon at magsimulang umalis mula sa posisyon nilang iyon. Ngunit bago pa siya makaalis, naramdaman niya ang kamay ni Raquel na dumapo sa kanyang braso at ang bahagyang paghawak nito sa kanya ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam, at bago pa man siya makagalaw, narinig na niyang nagising si Raquel.
Nang magmulat ng mata si Raquel, natagpuan niyang bahagyang nakahawak si Donovan sa kanyang baywang. At bago pa man siya makapagsalita, agad na pumasok sa kanyang isip ang mga posibleng senaryo at mga pagdududa tungkol sa mga nararamdaman ng binata.
"Anong nangyari?" natatarantang tanong ni Raquel, ngunit hindi siya makapagsalita nang matuwid. She's in an awkward position with her boss. Alam niyang aksidente lang na nasubsob sa kanya si Donovan. She could enjoy his weight while he's being close to her. What she can't enjoy was the underlying truth of the uncontrollable tension that was heavier than anything else. Gusto niyang itulak ang binata pero mas gusto niyang manatiling malapit lang ito sa kanya. Hindi na naman niya alam kung bakit.
"Okay. Alam kong nahihirapan ka, huwag kang gagalaw. Ako na lang ang mag-aalis ng sarili ko sa'yo," kinakabahang sambit ni Raquel at bahagyang itinulak si Donovan para makaalis na siya sa gano'ng posisyon. Slowly, she lifted him up. Maingat naman niyang naiupo ito sa couch.
"Pwede mo namang pindutin ang alarm na magpapatunog sa buzzer," pagpapaalala ni Raquel.
Si Donovan, bagamat walang nakikita, ay tila naguguluhan sa nararamdaman. Hindi siya sigurado kung may nagawa siyang mali o kung nararamdaman ba ni Raquel ang parehong tensyon na nararamdaman niya kanina. Sa kabila ng nararamdaman niyang init, hindi niya kayang ipakita ito nang lantaran.
Sa kabilang banda, naguguluhan na rin si Raquel sa nangyari. Sa simpleng pagkakadikit nilang iyon, ang mga katanungan ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.
'Bakit? Ano ang ibig sabihin nito para sa'ming dalawa? Pareho ba kaming nakaramdam ng gano'ng bagay? Tensed din siya, gaya ko.'
Ngunit sa kabila ng kanyang mga pagdududa, napansin ni Raquel na hindi siya kayang pagalitan ni Donovan. "Sir... okay lang ba kayo?"
Naging malamig na naman ang tono ni Donovan, parang binalikan na naman siya ng kanyang matigas na persona. "Of course I am. Ikuha mo ako ng whiskey sa fridge."
"Hindi pwede, Sir," sabi niya. "Hindi ka gagaling kapag uminom ka ng alak. Bawal kang malasing." Tinutulan niya agad ang hiling ni Donovan, ngunit may paggalang sa tinig.
Napakunot ang noo ni Donovan, pero walang galit sa mukha, maliban sa frustration. "You really think I care about that? I've been dealing with this for a month now," sagot niya. "Alam mo bang minsan, ang alak lang ang makakapagpalimot sa mga bagay-bagay?"
Nanatiling tahimik si Raquel, ngunit ang mga salita ni Donovan ay tumagos sa kanya. Hindi siya sigurado kung anong tamang paraan para tulungan siya. "Sir," nag-attempt siya ulit, "hindi ko kayang makita kang lalala pa. Hindi ko kayang isipin na tuluyang mawalan ka ng pag-asa."
Nag-angat ng tingin si Donovan, tumingin kay Raquel kahit hindi niya ito maaninag. Wala siyang sinasabi, ngunit may kakaibang hitsura sa mga mata niya. Para bang hindi na siya sigurado kung paano i-handle ang mga nararamdaman niya—lalo na't si Raquel, ang babaeng hindi niya kayang maapektuhan ng ganitong sitwasyon, ay parang nag-iisang tao na maaaring makapagpabago sa kanya.
"Sa tingin mo ba kaya mo akong iligtas?" tanong ni Donovan, hindi na niya tinatago ang kahinaan sa boses.
Tumahimik si Raquel saglit, nagsumikap muna siyang maghanap ng tamang sagot. Hindi siya sigurado kung ano ang nararamdaman ni Donovan at kung paano siya makakatulong, pero may pagnanais sa puso niyang gawin ang tama.
"Hindi ko alam, Sir," sabi ni Raquel, na may kalungkutan sa tinig. "Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Huwag kang mawalan ng motivation. Kapag nalulungkot ka, pwede mo naman akong kausapin. Kahit tungkol saan pa 'yan."
Para kay Donovan, may isang munting pagbabago na tila kakaibang pagnanais na hindi kayang ipaliwanag. Ramdam niyang may koneksyon sila ni Raquel, at sa kabila ng kanyang pinapakitang galit at pride, may isang bahagi sa kanya na nagsasabing baka kailangan na niyang magtiwala pa sa dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro