CHAPTER 16
Malalim na ang gabi nang tumungo si Raquel patungo sa bathroom kung saan hinihintay siya ni Donovan. Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo na ito malapit sa bathtub. Nakasuot pa rin ito ng robe, at ang mga mata nito ay tila nakapikit. Ngunit kahit hindi ito nakakakita, ramdam ni Raquel na aware si Donovan sa bawat galaw niya.
"Handa ka na ba?" tanong ni Donovan, bahagyang nakangiti. Para bang may intensyon na paghuli sa damdamin niya.
"Handa saan?" sagot ni Raquel, halatang naiilang.
"Ihanda akong maligo, syempre. Gabi na. Kailangan kong mag-relax," sagot ni Donovan na parang natural lang ang sitwasyon. Ngunit alam nilang pareho na hindi ito ordinaryong gawain.
Naramdaman ni Raquel medyo mas magaan na ang kilos nito kaysa kanina.
Biglang nagsalita na naman si Donovan, ang boses ay puno ng pilyong tono. "Wala naman akong maaninag, di ba? Bakit hindi mo tanggalin ang robe ko?"
Napahinto si Raquel. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Huminga siya nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. "Sir, trabaho ko lang ito. Hindi ibig sabihin na—"
"Relax ka lang, Raqui," sabat ni Donovan, halatang ini-enjoy ang reaksyon niya kahit hindi naman niya makita nang klaro ang mukha nito. "Hindi kita pinipilit. Pero ikaw na rin ang nagsabi, trabaho mo lang ito, 'di ba? Defensive much."
"Hindi. Bakit naman ako magiging defensive?" Naiiling si Raquel. Hangga't sa ginawa na lang niya ang dapat gawin. She slowly pulled the robe out. Tumambad sa kanya ang matipunong katawan ng binata na hindi niya kayang tingnan nang matagal. She felt like staring at it was like commiting a crime that no one should. Hindi niya maiwasang mapalunok. Donovan has a great physique that complements his tanned complexion. Parang hinulma ang kabuuan nito ng ibang ibang gods na hindi niya mapangalanan. He's a breathtaking view.
Alam ni Donovan na may epekto kay Raquel ang pag-alis nito ng robe sa katawan niya. Alam niyang naiilang na ito.
"Are you just gonna stand there and do nothing?" untag niya. Hindi man lang ito gumagalaw o nagsasalita. "Are you enjoying what you're seeing right now? Hindi pa ako fully naked niyan."
"Hindi. Pwede ka nang maligo. Hindi na kita need i-supervise. Nandyan na ang shampoo at body wash, at mga sabon sa gilid," kabadong sambit ni Raquel. Ayaw niyang patulan ang mga hirit ni Donovan, ngunit hindi rin niya puwedeng talikuran ang kanyang tungkulin.
"Fine," sabi nito. Ngunit habang papalayo si Raquel, bigla siyang nadulas. Sa isang iglap, pareho silang nagulat nang magkalapit ang kanilang katawan.
Hawak ni Raquel ang braso ni Donovan upang alalayan ito, ngunit dahil sa lapit nila, naramdaman nilang dalawa ang tibok ng puso ng isa't isa. Tumigil ang oras. Tahimik ang paligid, ang ingay lang na maririnig ay tunog ng tubig na umaagos sa tub. Nabasá na ang katawan ni Raquel dahil nalublob na siya nang hindi inaasahan.
"I—I'm sorry, Sir Van..." She quickly distanced herself. Sinikap niyang alalayan si Van para ibalik ang composure nito.
"Sorry talaga." She was worried. Tiningnan niyang maigi kung nasaktan ba ang binata. Pero mukhang confused lang ang reaksyon nito. "Hindi ko sinasadyang madulas ako. Sorry talaga. Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan? Diyos ko, kapag nabagok ka na naman, baka talagang magka-amnesia ka na."
"No. I'm completely fine. Nag-aalala ka ba na baka mabagok ako at may liability ka sa'kin o mas nag-aalala ka na kapag talagang nagka-amnesia ako, eh hindi na kita maalala?"
"Oo naman." Dumistansya si Raquel. Ramdam niya ang init ng hininga ni Donovan, at kahit pilit niyang pinapakalma ang sarili, hindi niya maikakaila ang tensyon sa pagitan nila. "Oo sa part na nag-aalala akong may mangyari sa'yo under my watch dahil ayoko pang makulong. Iyon lang."
"Raqui..." bulong ni Donovan, ngunit sapat upang marinig ni Raquel na halatang umiiwas na sa kanya.
"Ano?" tanong ni Raquel, pilit na iniiwasan ang tingin kay Donovan kahit alam niyang hindi siya nito makikita.
"Bakit parang mas mabilis ang tibok ng puso mo kaysa noon?" tanong nito na nakangiti nang alanganin.
Napapikit si Raquel, pilit na ini-ignore ang nararamdaman niyang tensyon sa kanilang pagkakalapit. "Baka dahil sa inis, Sir Van."
Ngunit bago siya makalayo, hinawakan ni Donovan ang kanyang kamay, marahan ngunit may diin.
"Raqui," sabi nito at ang boses ay mas seryoso ngayon. "Thank you for agreeing to take care of me."
Nabigla si Raquel sa sinabi nito. Hindi niya alam ang isasagot, kaya't tumingin na lamang siya kay Donovan.
"Malaki ang sahod, kaya kita inaalagaan," sagot niya, ngunit kahit siya ay hindi kumbinsido sa sarili niyang sagot.
Ngumiti si Donovan, kahit halatang may lungkot sa kanyang expression. Alam niyang may mas malalim na dahilan kung bakit nananatili si Raquel, sigurado siyang hindi lang nito kayang harapin ang dahilang iyon. "Raqui, you may leave now."
Tumalima ito. Habang nag-iisa na siya sa banyo, hindi niya maiwasang ngumiti nang mag-isa. Alam niyang hindi pa siya karapat-dapat kay Raquel, ngunit hindi niya maiwasang hangarin na manatili ito sa tabi niya. Sa kabila ng malamig na trato niya sa dalaga, alam niyang hindi niya kayang itago ang damdamin niya nang matagal. At kanina nga lang, lumalabas na ang hidden admiration niya.
***
Sa mga sumunod na araw, habang nakaupo si Donovan sa living room, napansin ni Raquel na tahimik ito, tila may iniisip.
"Raqui," biglang pakli ni Donovan, "buksan mo nga yung TV."
Nagtaka si Raquel at hindi agad nakasunod sa utos.
"Bulag ka tapos manonood ka ng TV?" tanong niya, may halong pagtataka.
"Bakit? May tainga naman ako," sagot ni Donovan, na medyo iritado. "Hindi ba pwedeng pakinggan ko na lang?"
Sumimangot si Raquel pero hindi na nagbigay pa ng komento. Binuksan na lang niya ang TV, ngunit naiwan ang kaunting pag-aalala sa kanyang puso. Hindi naman talaga siya sanay sa ganitong mga sitwasyon. Parang hindi na niya kayang tingnan si Donovan dahil naaawa siya sa kalagayan nito.
Naging tahimik ang binata habang nakikinig ng evening news. Habang nakikinig pa nga ito ay mayro'n din itong komento, lalo na sa politika. Halata nga rito ang pagiging socially aware pero nananatiling rational kung kinakailangan. Iyon bang hindi biased at hindi nagpapadala sa emosyon.
Habang ang TV ay patuloy na nagpo-produce ng tunog, hindi agad napansin ni Raquel na nakatulog na pala si Donovan sa sofa. Mag-iisang oras na pala itong nakikinig kanina. Mahina ang paghinga nito, at parang humupa na ang tensyon sa presensya nito. Tila hindi na ito ang dating masungit na binata na laging may pagpapahirap at panunukso sa kanya.
Nakita ni Raquel ang itsura ni Donovan habang natutulog—tahimik at mas payapa. Obviously, he's weak and faking his own emotions when he's awake.
"Parang gugustuhin ko na lang na hindi ka muna magising. Well, hindi naman sa gusto kitang ma-deds or mategi. What I mean is, gusto ko sana ganyan ka lang, laging tulog. Kasi ang bossy mo kapag gising ka."
Gusto niya rin naman na tulungan ito na higit pa sa pagiging caregiver o pushover nito, pero pakiramdam niya hindi pa sapat ang kanilang pinagsamahan para gawin iyon. Lagi pa siya nitong pinahihirapan at kailangan niyang intindihin ang gano'ng attitude dahil hindi biro ang mawalan ng paningin.
But now, habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha na walang bitterness at galit, naisip niya na mas gwapo ito pag tulog—mukhang anghel at hindi makikitaan na may sarcastic side.
"Pretty handsome..." bulong niya na may paghanga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro