Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

Habang nasa dining area, binigyan siya ni Mang Dudong ng isang makapal na handbook na naglalaman ng mga detalye ng kanyang responsibilidad bilang caregiver ni Donovan. Binasa niya ito at halos manlaki ang kanyang mata sa mga nakalista.

— Assistance in daily hygiene, including bathing.

— Supervise all meals and medication.

— Daily interaction to maintain mental health.

"Wait... pati pagpapaligo?" bulong niya sa sarili, hindi makapaniwala. Agad siyang napatingin kay Mang Dudong, na tila nag-aalangan din ngunit pilit na ngumiti.

"Oo, hija. Medyo sensitibo ang kalagayan ni Sir Donovan. Siya mismo ang nag-request na personal mong asikasuhin ang lahat ng pangangailangan niya."

"Personal?!" Hindi mapigilan ni Raquel na muling itanong iyon sa kanyang isip. Pero pinilit niyang ngumiti.

"Hindi mo naman siya kailangang bantayan habang naliligo. Ihahanda mo lang ang tub, sabon, shampoo at iga-guide lang," paglilinaw ng matanda.

"Buti naman kung gano'n. Ayoko siyang makitang nakahubad. Hindi ko pinangarap," aniya, na nagpakunot sa noo ni Mang Dudong.

"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag."

Natigilan si Raquel at nahihiyang umiwas ng tingin. "Oo nga po, ano? Sige po, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."

Kinabukasan, gumising nang maaga si Raquel para gampanan ang kanyang trabaho. Ang unang task ay ang pagpapaligo kay Donovan.

Nasa loob sila ng banyo—isang malaking lugar na tila kasing laki ng kanyang buong apartment sa Maynila. Nakalagak na si Donovan sa gilid ng shower area, hawak ang kanyang baston.

"Sigurado ka bang kaya mo ito?" tanong ni Donovan, na parang nanunukso.

"Trabaho ko ito, of course kakayanin," sagot ni Raquel, pilit ang pagiging kalmado kahit kinakabahan.

"Good. Dahil hindi ako makikipag-cooperate." Tumawa si Donovan at tila sinusubok siya.

"Okay. Alisin mo na ang suot mong robe," pasikmat na utos ni Raquel.

"You should be the one doing that."

Napapikit siya sa sinabi nito. Hindi niya malaman kung bakit parang may hesitation siya na gawin ang bagay na iyon. Hindi naman niya kailangang bigyan ng malisya ang lahat. It's just a basic duty. Pero kapag naiisip niyang makikita niya kahit ang upper body nito, parang hindi na siya mapalagay. She didn't even dare to objectify him. It's just that, she couldn't tell what she's feeling right now. Hindi niya alam kung kilig o takot iyon.

"Tatanggalin mo lang. Hindi ko naman sinabi na papanoorin mo akong maghubad. Mamaya ka pa aalis kapag maghuhubad na ako."

Lalo siyang nakaramdam ng magkahalong tensyon at kilig. "Ang bastos mo."

"Anong bastos sa paghuhubad kapag maliligo? At isa pa, hindi naman obligadong bantayan ako kapag maliligo na. Haven't you read the handbook? Or are you blind like me?" Obviously, he's teasing her in a subtle way that he could.

Hindi sumagot si Raquel. Kaya naisip ni Donovan na baka nga nakaramdam na ito ng awkwardness. Maybe he'd gone too far.

"Hugasan mo na lang ang buhok ko. That would be enough. Mamaya na lang ako maliligo. Or baka si Mang Dudong na lang ang sasama sa'kin kung naiilang ka."

Bumuga lang ng hangin si Raquel. "Okay."

Dahan dahan niya itong pinaupo sa tub. Habang hinuhugasan niya ang buhok ni Donovan, napansin niyang tila pinapanood siya nito kahit alam niyang hindi siya nito nakikita. Para bang may kakaibang paraan si Donovan ng pagbibigay ng presensya na hindi niya maipaliwanag. Sa kabila ng malamig na trato nito, parang may nakatagong emosyon sa bawat kilos at salita nito.

"Raqui," biglang sabi ni Donovan, ikinagulat ni Raquel.

"Raqui? Bakit mo ako tinawag nang gano'n?" tanong niya. "Bakit hindi na lang Raquel o Ms. Raquel? Boss-employee na ang ugnayan natin ngayon."

"Bakit? Ayaw mo bang tinatawag kang Raqui? I used to call you that cute nickname," sagot nito, halatang ini-enjoy ang pagkabagabag ng dalaga. "At kung boss-employee naman pala, then address me as Sir."

Napabuntong-hininga si Raquel. "Kung anuman po ang trip ninyo, wala na akong magagawa. Basta tapusin lang natin ito."

"Alright. Pero pwede ba, huwag mo akong sabunutan?" reklamo ng binata dahil naramdaman nito na parang may diin ang pagkuskos ng mga daliri ni Raquel sa buhok nito habang naglalagay ng shampoo.

"Sorry naman. Ang dami mo kasing daldal."

"Kapag may nangyaring masama sa'kin sa pangangalaga mo, magbabayad ka talaga," kunwaring pagbabanta ni Donovan.

"Alam ko. Hindi naman ako masamang tao. Alam ko itong pinasok ko. Hindi pa ako handang makulong. Huwag mo lang sagarin ang pasensya ko."

"Then, good."

Napangiti si Donovan at alam niyang hindi iyon nakita ni Raquel.

***

Pagkatapos ng maghapong pag-aalaga kay Donovan, nararamdaman ni Raquel na ang malamig na ugali nito ay parang hindi naman totoo. Kanina, nahuli niya itong nakikinig sa kanyang mga kwento kahit na parang nagkukunwaring walang pakialam. At kahit madalas na sarcastic ito, may mga pagkakataon ding parang naaapektuhan ito sa kanyang presensya.

"Wala pala si Mang Dudong sa loob ng ilang araw. So ibig sabihin, tayong dalawa lang ang nandito sa mansyon?" gulat na pakli ni Raquel matapos basahin ang text message ni Mang Dudong.

"Ano bang tingin mo sa security guards?" pamimilosopo naman ni Donovan.

"Oo nga pala."

"It only means, ikaw ang mag-a-assist na magpaligo sa'kin." Nagpigil ng ngiti si Donovan.

"Okay. Pero bago 'yan, ako muna ang maliligo. Stay put ka lang dito, Sir." Umismid si Raquel at lumabas sa silid.

"Raqui, wait lang..."

Nilingon niya ang binata. "Ano?"

"Nakuha mo naman ang buzzer hindi ba? Mag-a-alarm 'yon kapag kailangan kita. Huwag mong wawalain palagi." He knew that Raquel was keeping that since she had arrived. Narinig niya kay Mang Dudong na ikinwintas na nga ni Raquel iyon para hindi makakalimutan. Gusto lang niya ito na manatili pa sana at huwag munang umalis.

"Iyon ang unang-una kong tinandaan, Sir. Iyong ibang rules mo na parang ewan, nakalimutan ko agad," sarcastic na sagot ni Raquel. "Babalik naman ako. At gaya rin ng bilin niya, hindi ako matutulog hangga't hindi ka pa nakakatulog. Okay na?"

"Okay. You may go."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro