Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

Makalipas ang ilang araw, nasa Zambales na si Raquel. Tumambad sa kanya ang malawak na bakuran at ang malaking mansyon na tila galing sa mga pelikula. Sinabayan siya ng isang lalaking nagpakilalang si Mang Dudong, ang parang tinuturing na butler ng bahay. Pero sa kabila ng lawak ng mansyon na iyon, kataka-taka namang walang ibang househelpers na naroon.

"Ikaw pala ang pinadalang caregiver," sabi nito, magalang ngunit matipid sa salita. "Dito mo makikita ang aalagaan mo."

Dinala siya ni Mang Dudong sa isang tahimik na kwarto sa ikalawang palapag. Pagpasok niya, bumungad ang isang pamilyar na pigura-si Donovan o Van Elias.

Napatigil si Raquel, nanlaki ang mga mata.

"Van?" bulong niya, halos hindi makapaniwala.

Ang lalaki sa harapan niya ay ang lalaking matagal na niyang iniwasan. Pero ikinagulat niya ang kalagayan nito. Like, how did it happen? Maayos pa ito noong hulo silang magtagpo at nagkaroon ng misunderstanding. Ang Donovan na laging puno ng sigla noon, ngayon ay tila ibang-iba. Nakaupo ito sa isang wheelchair, malamlam ang mga mata, at halatang hindi pa rin nakakakita.

"Van... ikaw ba talaga 'yan?" tanong niya, nanginginig ang boses.

Bahagyang pumaling si Donovan sa direksyon niya, pero walang emosyon sa mukha nito. "Sino ka?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Raquel. "Ako 'to, si Raquel Salve. Hindi mo ba ako natatandaan?"

Sandaling natahimik si Donovan bago muling nagsalita, malamig at walang interes. "Hindi. At wala naman akong balak na alalahanin pa."

Hindi makapagsalita si Raquel. Sa isip niya, imposible namang hindi siya kilala ni Donovan. Bagamat matagal na silang hindi nagkikita, hindi naman ganoon kahaba ang panahon para makalimutan siya nito. "Oh no. So bulag ka na nga, nagka-amnesia ka na rin? Paano nangyari 'yon?"

Donovan didn't answer. Paulit-ulit lang siyang umiling. "Ikaw ba ang mag-aalaga sa'kin?"

"Oo. Ako nga." Naisip ni Raquel na huwag na lang ipilit ang sarili niya. Mas maigi na rin siguro na hindi siya nito nakilala para mas magawa niyang mabuti ang magiging duty niya bilang tagapangalaga nito. Pero, napakaraming tanong sa isip niya.

***

Sa mga sumunod na araw, napansin ni Raquel na sadyang malamig si Donovan sa kanya. Ginagawa niya ang lahat ng tungkulin bilang caregiver-pag-aasikaso ng pagkain, pagbibigay ng gamot, at pag-aalaga sa mga sugat nito pero tila wala itong pakialam. Ang bawat kilos at salita ni Donovan ay tila may layuning iwasan siya.

"Mang Dudong," tanong ni Raquel isang hapon habang naghuhugas ng mga baso sa kusina, "ano ba talaga ang nangyari kay Donovan? Bakit siya nagkagano'n?"

Napatingin si Mang Dudong sa kanya, halatang nag-iingat sa kanyang sasabihin. "Pasensya ka na, hija, pero hindi ko maaaring ibigay ang lahat ng detalye. Ang mahalaga, kailangan niya ng alaga, at mukhang ikaw na ang tamang tao para roon. Pero dahil tayo lang naman ang nandito, sige sasabihin ko na. May nanloob na masasamang tao sa bahay niya sa Makati at nabagok siya. Kaya ayan, nabulag pansamantala."

"Diyos ko. Grabe nga naman ang nangyari. Napuruhan siya. Bulag na nga siya, tapos wala rin siyang naalala?" Kaunti na lang, bibigay na ang mga luha niya. Donovan has a good heart. Kahit pa itinulak niya ito palayo, hindi nito deserve na pagsamantalahan ng masasamang tao.

"Bulag lang. Pero malinaw pa ang memorya niya," paglilinaw ni Mang Dudong.

Dahil doon ay napaatras si Raquel. "Wait, so niloko niya ako? Wala siyang amnesia at natatandaan niya talaga ako?"

Nawala ang simpatya niya sa binata, napalitan iyon ng inis.

"Bulag siya Ms. Raquel. Iyon lang ang totoo. Pero alam mo, hindi ko rin sigurado kung may selective memory loss siya. Kung hindi ka niya kilala, baka kailangan muna sigurong ibalik namin siya sa doktor."

Napahinga nang malalim si Raquel. "Huwag po muna. Kailangan po sigurong obserbahan natin siya."

May kutob siya na may mas malalim pang dahilan kung bakit gano'n ang trato ni Donovan sa kanya. At ang dahilan na 'yon ay may kinalaman sa resentment nito.

Lingid sa kaalaman ni Raquel, alam ni Donovan kung sino siya mula pa noong unang beses itong tumapak sa mansyon. Pero sa halip na ipakita ang tunay niyang nararamdaman, pinili niyang magpanggap na malamig at walang pakialam. Sa isip ni Donovan, mas mabuting magalit si Raquel kaysa kaawaan siya.

Habang tumatagal, lalong gumugulo ang damdamin ni Raquel. Hindi niya alam kung paano haharapin si Donovan, pero isang bagay ang sigurado siya-hindi niya kayang iwan ang binata sa kabila ng lahat, kahit pa malaman niya na nagkukunwari itong hindi siya kilala.

Kahit hindi pa oras ng pag-inom ng gamot ni Donovan, pumasok na si Raquel sa silid nito. Doon niya napatunayan na malakas ang pandinig ng mga taong nawalan ng paningin. Bigla kasi itong nagsalita at kumilos sa kinauupuan nito.

"Bakit ka nandito? Hindi ba dapat iniwan mo na ako noon pa?" Malamig ngunit halatang may bahid ng sakit ang tanong nito.

Hindi alam ni Raquel kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Pero nagpasya siyang sabihin ang totoo.

"So, alam mo agad na ako 'to? Hindi pa nga ako nagsasalita. Baka isipin ko na pati ang pagkabulag mo, eh pagpapanggap lang din." Halatang may inis sa boses niya.

"Dapat nga natuwa ka na lang na hindi kita kilala. Para hindi ka na mag-iisip ng excuse para layasan ako," may hinanakit na pakli ni Donovan, na para bang nobya niya si Raquel at may commitment sila sa isa't isa.

"Lalayasan? Alam ko namang ikaw ang nag-request sa'kin na ako ang mag-alaga sa'yo. Chura mo. Kahit naman aware ako na hindi ako maganda, eh kumakapit ka pa rin sa'kin dahil sa familiarity mo sa isang tulad ko. Ako ang naisip mong bigyan ng work na 'to dahil iniisip mo na madali akong maging pushover."

Bahagyang natawa si Donovan. "You talked with an obvious hostility, Ms. Raquel. Hindi ka ba na-orient ni Laurence o ni Mang Dudong?"

"Paano naman nila ako mao-orient agad, eh inalagaan kita agad? Tapos ang bossy mo pa."

"Okay," he retorted in a calm manner. "Answer my previous question. Bakit hindi ka umalis? Kahit alam mo nang babantayan mo ako?"

"Dahil kahit kailan, hindi naman kita gustong iwan. Hindi ko lang alam kung paano kita haharapin noon... pero ngayon, nandito ako dahil alam kong kailangan mo ako," sagot niya, na garalgal ang boses. Nang mapagtanto na parang may admiration na sa kanyang tono, naisip niyang i-shift iyon. "Kasi kailangan mo ng caregiver, duh."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro