Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Habang naglalakad pauwi mula sa grocery store, hindi mapakali si Raquel. Pakiramdam niya ay may mali sa alok na natanggap niya mula sa kompanya.

"Ang taas ng sahod, pero parang may itinatago sila. Bakit nila ako pipiliin kung wala naman akong experience?"

Pagkauwi, inilapag niya ang mga pinamili at binuksan ang kanyang cellphone. Ilang saglit pa, natanggap niya ang isang text mula kay Laurence.

"Ms. Raquel, I hope you don't mind me messaging you again. I just want to let you know that the person needing care is someone very close to our company. He has gone through a lot lately, and we believe you're the best person for the role. Please reconsider."

Napakunot-noo si Raquel.

Someone very close to the company?

Naguguluhan pa rin siya sa dahilan kung bakit siya ang napili, kaya't nagpasya siyang sagutin ang text message.

"Sir Laurence, pasensya na po, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ang pinili ninyo. Wala akong experience bilang caregiver, at hindi ko rin alam kung kakayanin ko ito."

Makalipas ang ilang minuto, nag-ring ang kanyang cellphone. Si Laurence ang tumatawag. "Hindi ba ako i-iscam-in nito?"

Matapos ang maikling pag-aalangan, sinagot niya ito.

"Hello, Sir Laurence?" bati niya.

"Hello, Ms. Raquel. Pasensya na kung naistorbo kita, pero gusto lang sana kitang kausapin tungkol sa offer. Alam kong hindi mo ito inaasahan, pero naniniwala talaga kami na ikaw ang tamang tao para sa trabahong ito. Please?"

Nag-isip sandali si Raquel bago sumagot. "Bakit po ako? Hindi ba mas okay kung isang professional caregiver na lang ang kunin ninyo?"

May saglit na katahimikan sa linya bago sumagot si Laurence. "Alam kong kakaiba ang alok na ito, pero hindi lang basta caregiving ang kailangan ng taong aalagaan mo. Kailangan niya ng isang taong matiyaga, maunawain, at kayang makitungo sa kanya."

Lalong lumalim ang pag-iisip ni Raquel. May kung anong hiwaga na naman isip niya na nagsasabing may mas malalim pang dahilan ang alok na ito.

"I'll think about it, Sir," maingat niyang sagot.

"May iba pa bang problema, Ms. Raquel? May iba ka na bang trabaho kaya hindi mo tinatanggap ang offer?"

"Wala naman po. Basta, babalikan ko kayo. Bye bye na po, Sir."

Pagkatapos ng tawag, napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya ang trabaho. Sa isang banda, malaki ang sahod at makakatulong ito sa kanya.

***

"She said, she'll think about it," ulat ni Laurence kay Donovan.

Nabuhayan ng loob si Donovan. "So, there's a chance?"

"Yes, but still hesitant about it," sagot ni Laurence. "Mukhang marami pa siyang tanong pero hindi maitanong, gano'n."

Ngumiti si Mang Dudong at tumingin kay Donovan. "Mukhang hindi mo kailangang gumawa ng kahit anong move. Hayaan mo lang na ang prinsesa mo ang magdesisyon kung lalapit siya sa'yo."

Napangiti si Donovan, pero sa loob niya, alam niyang hindi ito magiging madali. Kung sakaling pumayag si Raquel, sisiguraduhin niyang hindi ito pagsisisihan ng dalaga. But he's still sticking to his plans, kailangan pakitaan niya muna ito ng domineering side niya.

***

"Siguro ito na talaga ang chance ko,' bulong niya sa sarili, saka huminga nang malalim at bumalik sa opisina ni Laurence. Pinag-isipang mabuti ni Raquel ang alok na iyon. Hindi biro ang trabaho, pero sa totoo lang, mailap na rin ang mga pagkakataong tulad nito.

Pagpasok niya, bahagya pang nagulat si Laurence. "Ms. Raquel, bumalik ka?"

Tumango siya, bitbit ang kaba sa kanyang dibdib. "Yes, Sir Laurence. I've decided. Tinatanggap ko na po ang offer."

Napangiti si Laurence, halatang natuwa sa desisyon niya. "That's great to hear! Hindi ka magsisisi, Ms. Raquel. Bibigyan kita ng full details ng duties mo, pati na rin ang arrangement sa Zambales."

"Zambales, po?" tanong niya, bahagya pang nagulat. Ang akala niya, sa Maynila lang siya mananatili.

"Oo, doon ka magdu-duty dahil doon nakatira ang aalagaan mo. Don't worry, fully covered ang stay mo, at may paunang bayad na agad. Insured ka na rin kapag talagang magsisimula ka na," paliwanag ni Laurence habang inaabot ang isang sobre na naglalaman ng advance payment. Napatitig si Raquel sa laman ng sobre—hindi biro ang halaga nito.

"Wait muna," sambit niya. "Insured? Between life and death situation ba ang susuungin ko sa pag-aalaga sa boss ninyo?"

Napaatras si Laurence nang mapansin na nababahala na si Raquel. "Wait Ms., it's not what you think. Hindi kami masamang tao."

"Pwede ko po bang malaman muna ang background ng aalagaan ko?" She let out a sigh.

"Sa workplace mo na malalaman, Ms. Raquel. Nag-outsource lang naman kasi siya sa company namin."

"Okay." Napagod na siyang mag-usisa. Bahala na, may paunang bayad naman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro