CHAPTER 11
Nakatanggap si Raquel ng tawag mula sa HR ng isang food trading company sa Makati. In-inform siya na scheduled na ang interview niya at one-day process lang ito.
"Woah! After so many months, may tumawag din sa'kin!" excited na pakli niya at talagang naghanda na para sa interview kahit hindi pa sumasapit ang scheduled date. Pinlantsa niya ang formal attire na kanyang napili at pinractice ang ibang isasagot niya sa basic interview questions.
Agad siyang naghanda at dumiretso sa opisina sa takdang araw. Pagdating niya sa magarang office building, sinalubong siya ng isang binatang lalaki na nagpakilalang Laurence. Mukha itong pormal at approachable.
"Hi, Ms. Raquel, thank you for coming. Ako si Laurence, ang mag-aasikaso ng interview mo," bati nito, sabay alok ng handshake.
Ngumiti si Raquel at tumango. Pero nakakapanibago ang gesture ng HR na ito, very welcoming. Hindi gaya sa mga nag-interview sa kanya noon na masusungit.
"Thank you, Sir Laurence."
Matapos ang ilang paunang tanong tungkol sa kanyang background, tumigil si Laurence at seryosong tumingin sa kanya. "Actually, Ms. Raquel, we have a unique position we'd like to offer you."
Nagtaka si Raquel at bahagyang nag-adjust ng upo. "Ano po 'yon? May kinalaman pa rin po ba sa nature ng kompanya?" tanong niya, halatang naguguluhan.
Napabuntong-hininga si Laurence bago magpatuloy. "Well, technically, hindi siya directly related sa operations ng company. Gusto ka naming alukin ng isang personal caregiver role para sa isang lalaking nasa early 30s ang edad. He's temporary blind, at medyo mahirap i-handle."
Nagulat si Raquel sa narinig. "Caregiver po? Pero akala ko po—"
"Yes, alam kong medyo malayo ito sa inaasahan mo," agad na sagot ni Laurence. "Pero let me assure you, the compensation is very competitive. At fully covered ang accommodation mo kung sakali."
Sandaling natahimik si Raquel habang iniisip ang alok. "Pero bakit po ako? Wala po akong experience sa pagiging caregiver."
Ngumiti si Laurence. "Hindi namin kailangan ng extensive experience. Ang hinahanap namin ay isang taong maaasahan, pasensyoso, at may kakayahang makipag-communicate nang maayos. Based on your background and personality, you seem to fit the profile. So, if you're willing to take the challenge, we're open to hiring you."
'Wow, challenge. Trabaho lang po ang gusto ko at sahod,' was her internal monologue.
Napaisip din naman si Raquel. Bagamat hindi iyon ang inaasahan niya, hindi rin niya maitatanggi ang tempting offer ng mataas na sahod na katumbas na sa sinasahod ng mga OFW sa ibang bansa. Ngunit alam niyang may malaking responsibilidad na kaakibat ang trabaho, lalo na't bulag ang aalagaan niya.
"Thank you for the offer, Sir. But is it okay to think about it first?" tanong niya kay Laurence na halatang naguguluhan.
"Of course, Ms. Raquel. Take your time. But if you decide to accept, let me know as soon as possible. The position needs to be filled immediately," sagot ni Laurence, may bahid ng pag-asa sa boses.
Pagkaalis ni Raquel sa opisina, ipinaalam ni Laurence kay Mang Dudong, na kasama ni Donovan, ang naganap sa interview sa pamamagitan ng text message.
"Hindi tinanggap ni Ms. Raquel ang offer kahit hindi ko pa naman ni-reveal ang profile ni Donovan na aalagaan niya sana. She just declined it without explanation."
***
Tahimik na nakaupo si Donovan sa veranda ng mansyon. Kahit mahina pa ang kanyang katawan, hindi niya magawang magpahinga nang maayos. Mas tumatakbo sa isip niya ang balitang ibinigay ni Laurence na hindi tinanggap ni Raquel ang alok nitong trabaho.
"Bakit kaya hindi niya tinanggap?" bulong niya habang marahang iniikot ang tasa ng kape sa kanyang kamay.
"Baka hindi lang niya naintindihan anak," sagot ni Mang Dudong mula sa likuran, na tila nababasa ang iniisip niya kanina pa kahit hindi pa sila magkaharap.
"Kung talagang gusto niya ng trabaho, dapat hindi na siya nag-hesitate." May halong inis at pagkadismaya ang tono ni Donovan.
Napangiti ang matanda at tumabi sa kanya. "Donovan, hindi lahat ng tao ay nadadala ng pera. Hindi mo pa kilala ang prinsesa mo kung iniisip mong gano'n lang kadali ang lahat. Si Raquel, alam kong may mga pinangangalagaan din siyang prinsipyo at dignidad sa buhay. Lahat naman tayo, iba't iba ang pinanggalingan."
Napabuntong-hininga si Donovan. "Sabagay, tama naman kayo. Kung hindi niya ako matutulungan, paano ako makakalapit sa kanya?"
"Kung gusto mong mapalapit sa kanya, hayaan mong siya mismo ang gumawa ng desisyon," sagot ni Mang Dudong. "Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo. Pero kung gusto mo talagang makita kung paano siya magdedesisyon, kailangan nating gumawa ng paraan para maintindihan niya ang kahalagahan ng alok na 'yon—na hindi niya dapat palampasin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro