Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

Habang nakaupo si Raquel sa gilid ng kanyang kama, muling bumalik sa isip niya ang eksena kanina. Ang bigat ng mga sinabi niya kay Donovan, ang sakit na nakita niya sa mga mata nito, at ang kalmadong tinig nito habang sinasabi nitong gusto nitong patutunayan ang sarili para sa kanya.

Hinawakan niya ang kanyang noo at napabuntong-hininga. "Walang nangyari sa'yo, Raqui. Alam mong hindi ka niya ginalaw," sabi niya sa sarili. Pero ang alam din niya, nasaktan niya si Donovan—isang tao na sa kabila ng lahat, pinipilit na iparamdam na mahalaga siya.

"Raqui..." bulong niya ulit, napapangiti siya kahit pinipigil niya iyon. Sa dinami-dami ng tao, si Donovan pa ang tumawag sa kanya ng gano'ng palayaw, isang bagay na hindi pa nagagawa ng kahit sinong naging malapit sa kanya noon.

Gusto niyang habulin ang binata, humingi ng tawad, at tanungin kung totoo ba ang lahat ng sinabi nito. Pero kailangan niyang bantayan ang kanyang puso sa posibleng pagkabigo. She's out of his league.

"Baka umasa lang ako ulit sa isang bagay na hindi naman totoo," aniya at pinapalakas ang sariling damdamin. Pero kahit anong gawin niya, hindi maalis ang kaba sa kanyang dibdib. Alam niyang may kakaibang epekto si Donovan sa kanya—isang epekto na kahit anong tanggi niya, hindi niya kayang itago. There's a spark and connection between them that she couldn't—and shouldn't lose.

***

Sa mga sumunod na mga araw, nanatili si Donovan sa kanyang unit sa Makati. Dahil sa banta sa kanyang seguridad, pansamantala siyang nanirahan doon kasama ang iilang tauhan, kabilang si Mang Dudong.

Isang tahimik na gabi, nakahiga si Donovan sa kanyang silid, pilit na sinusubukang matulog ngunit ang mukha ni Raquel ang nananatili sa kanyang isipan. Napangiti siya nang maalala ang galit na mukha nito, ang boses nito na puno ng emosyon, at ang huling tanong nito.

"Ano ba ako sa'yo?"

"Ibabalik kita sa tanong na 'yan, Raqui," bulong niya.

Ngunit bago siya tuluyang makatulog, narinig niya ang mga sigaw sa labas. Napabalikwas siya at tumingin sa bintana. Mula roon, nakita niya ang ilang mga security guard na nakikipagbakbakan sa mga taong armado at mukhang sanay sa pakikipaglaban.

Lumabas siya ng silid, sinubukang tingnan ang sitwasyon. Sa hallway, nakita niya si Mang Dudong na tumatakbo papunta sa kanya.

"Donovan, magtago ka na! Delikado!" sigaw ng matanda, ngunit hindi ito pinansin ni Donovan.

"Hindi ko sila pwedeng takasan. Ako ang target nila," sagot niya.

Bago pa siya makarating sa hagdanan, isang lalaki na nakasuot ng itim ang biglang sumulpot at sinubukang sugurin siya. Naagaw ni Donovan ang kutsilyo nito at naibagsak ito sa sahig, ngunit bago pa siya makaganti ng suntok, isang matinding hampas mula sa likod ang nagpabagsak sa kanya.

Tumama ang ulo ni Donovan sa marmol na sahig. A sharp pain crawled from his head down to his neck.

"Mang Dudong..." bulong niya bago tuluyang mawalan ng malay.

***

Pagmulat ni Donovan, agad niyang naramdaman ang bigat ng kanyang ulo at ang tila paglalabo ng kanyang paningin. The surroundings seemed to sway, and the light from the hospital ceiling was barely discernible to his eyes.

"Donovan! Gising ka na!" sigaw ni Mang Dudong, na nasa gilid ng kanyang kama. May benda ang ulo ni Donovan, at ang mga mata nito ay halos hindi nito maimulat.

"Mang Dudong... anong nangyari?" mahina niyang tanong.

"Nagkaroon ng pag-atake sa mansyon, anak. Napuruhan ka. Dinala ka agad namin dito. Mabuti na lang at buhay ka pa," sagot ni Mang Dudong at bakas ang takot at pag-aalala sa boses nito.

Sinubukan ni Donovan na imulat nang buo ang kanyang mga mata, ngunit nanatiling malabo ang kanyang paningin. Natigilan siya at biglang kinabahan.

"Bakit hindi ako makita nang maayos? Bakit parang madilim?" tanong niya, pilit na hinahanap ang sagot sa kawalan. "I can't even see you."

Napabuntong-hininga ang matanda, halatang ayaw nitong sabihin ang katotohanan. Ngunit alam niyang hindi niya pwedeng itago ito kay Donovan. "Anak, malaki ang pinsala na ginawa sa'yo ng attacker. Sinabi ng doktor na baka maapektuhan ang paningin mo. Pero huwag kang mag-alala, babalik naman daw 'yon basta tuloy tuloy ang gamutan."

Halos hindi makapagsalita si Donovan, pilit na iniintindi ang sitwasyon. Sa isip niya, isa lang ang tumatak—hindi niya magagawang makabalik kay Raquel sa ganitong kalagayan. Mas inaalala niya ang safety nito at parang binalewala na niya na kailangan maibalik muna ang kanyang paningin.

"I need to see Raqui," bulong niya, ngunit sa pagkakataong ito, alam niyang hindi pa pwede. He just got himself injured. "Pero baka siya naman ang sundan ng mga taong 'yon."

"Siguro galing talaga sila sa Tien Maginda, maaring padala ng duke o baka hindi," assumption ni Mang Dudong.

"Bakit hindi kayo sigurado? Hindi ba sila nahuli?" Lalong bumalot ang kaba sa dibdib ni Donovan.

"Ang sagot lang ng isa, may nagbayad lang sa kanila pero hindi nagpakilala. Pero baka raw kaalitan sa negosyo mo."

"That's ridiculous, Mang Dudong. Alam mo namang wala tayong inaagrabyado simula nang dumating ako sa Pilipinas. I paid my taxes, obeyed laws, and didn't play with other people's feelings," paglilinaw niya.

"Hindi mo ba pinaglalaruan ang feelings ng babaeng tinatawag mo na Raqui?"

He couldn't answer Mang Dudong's question. Yes, he admits that he wasn't sincere in his initial move to approach Raquel. But after the dating show and getting to talk to her, he realized that she deserved to be cared for and loved.

"Mabuti siyang tao. She has no means to send men to harm me because she has no money for that. She can't even hire someone to repair her house's broken doorknob." Naalala pa rin ni Donovan ang bahaging 'yon, na sobra siyang nag-alala para kay Raquel kaya niya ito binantayan pero sa halip na pasalamatan siya, napagbintangan lang siya nito nang masamang bagay na hindi niya naisip na gawin. And to be honest, he's still lamenting about that moment.

"Hindi pala muna kita dapat kausapin tungkol sa mabibigat na bagay, Donovan. Magpahinga ka muna," bilin ni Mang Dudong na naiiling.

"How can I even rest, kung nag-aalala ako para sa kanya. Please, will you do me a favor?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro